F L A S H B A C K: 2

AFTER 4 YEARS . . .

NAKANGITI kong inayos ang tuwid kong buhok na hanggang bewang. Nakasuot din ako ng pink na skirt at crop top na red para magmuka akong sexy sa harap niya. Ibinili ko pa iyon sa ukay ukay kasi hindi ko afford ang mga mamahalin na boutique e.

Sa apat na taon, pinag-igihan kong magmukhang ka-aya aya sa harap niya kahit hindi niya naman maayos nababanggit ang pangalan ko.

Okay lang. Atleast lagi ko siyang nakikita. Masaya na ako roon.

Naghihintay ako ngayon sa parking lot ng Mall dahil pinakiusapan ko si Drape na i-date ako sa Kuya niya. Hindi mapaglagyan ang kasiyahan ko dahil pumayag siya. Masayang masaya ako. Na-i-imagine ko pa lang ang mga gagawin namin ay agad ng kinikiliti ng mga butete ang aking t'yan.

Masama man ang ginawa ko kanina ay pasimple kong inutos kay Drape na ipakain kay Ate Diane ang pancit na linuto ko na may durog durog na hipon. Allergy siya sa hipon kaya nasa hospital siya ngayon. Inutos ko iyon kay Drape na ibigay sa babae ang pancit, ginawa ko lang 'yon para lang sa date na ito. Hindi naman alam ng kaibigan ko ang ginawa ko. Secret lang iyon, ha?

Nakangiti lang akong naghihintay kay Dalter. Siguro busy siya sa trabaho kaya expected na mali-late siya.

Kinakain ko ang mga lamok na pumapapak sa'kin. Joke.

Umabot ng 10 minutes ang 5 minutes ko sa paghihintay. At ang I hour ay naging 30 minutes..... hanggang sa sumuko na din ako. Mahina ang paggalaw ng oras ngayong hinihintay ko siya. Nakaramdam ako ng panghihinayang. Nasayang ang 10k kong ipon sa reservation sa isang mamahaling restaurant. Favourite resto niya 'yon. Ayaw niya kasi sa kahit anong kainan na hindi kilala at luto ng mga chef kaya nag-ipon talaga ako para sa kaniya.

Ilang buwan ko din pinag-ipunan iyong pera. Hinawakan ko ang nanlalamig kong tiyan. Payat na payat ito dulot ng kakatrabaho. Napasimangot pa ako ng nailagay ako sa malnourished list sa klase namin. Ang baba ng timbang ko e.

Sinilip ko ang mumurahing relo, 2:00 am na ng madaling araw. Umabot na pala ng umaga ang paghihintay ko sa kaniya. Positibo akong ngumiti. Siguro . . . next time? Puwede na kaya?

AFTER 2 WEEKS . . .

"Makikipag date lang ako kung may maibibigay ka sa'kin na gift."

"Dalter my sugar plum, kissy kiss, may cherry pop, tanggapin mo ang aking----"

"What the? Aanhin ko 'yang itim na itim na panty mo?!"

Slow mo akong lumingon sa kaniya. "Lucky charm. Iyan ang pinakaluma kong panty sa lahat na luma kong panty. Kahit maraming butas 'yan, inspirational mo siya sa mga stepping stones mo sa buhay. Kapag naghihirap ka sa work----"

"What the ****" Pagmumura niya sa'kin. May next time pa naman.


4 WEEKS AFTER . . .

Nalaman kong nasira ang relo niya kaya gusto ko siyang bigyan. Saktong may gagawin kaming project sa bahay nila kaya ayos.

"Dalter, relo para sayo. Sign na sa tuwing nakatutok sa three ang oras ang ibig sabihin niyan ay Halabyu sagad." Hindi niya ako pinansin at binuksan na lang ang regalo ko.

"Gucci---- What the!"

Napangiti ako ng bumungad sa kaniya ang relo. Relo mismo ng Papa niya. Ninakaw ko mismo sa kuwarto ng mga magulang nila Dalter. Nahalata niya yata na galing sa magulang niya dahil may naka-ukit na pangalan ng kaniyang Papa. Nakatipid ako. 'Di ko na kailangan mag-ipon. Pampa-kojic ko kaya ang iniipon ko. Masama na ang tingin niya sa'kin.

"Get out!"

"Get get out ba ng Se* bomb dancer?---- sabi ko nga may susunod pa."


AFTER 1 MONTH . . .

Nasa harap ako ng building niyang 20th floor ang taas. (20th floor palang kasi ang taas ng kompanya ni Dalter noon) Tumingala ako. Wow. Ang taas talaga. May dala-dala akong gitara para haranahin siya. Tumingala ako at sumigaw. "Dalter! Ang kanta na 'to ay iaalay ko hanggang sa pagkagunaw ng building mo!" Walang nagsalita. Kumibit balikat lang ako. Maririnig niya kaya ako? Sa 20th floor pa naman ang opisina niya.

Props lang talaga ang gitara, hindi naman talaga ako marunong gumamit nito. Nasa dulo ng 20th floor ang opisina niya kaya go lang. Sinimulan ko ng umawit.

"Kunin mo na ang lahat sa'kin! Huwag lang si Dalter mahal.... alam kong🎶----" napahinto ako. May lumapit sa'kin mga napapadaan at hinuhulugan akong piso o kung hindi naman ay limang piso. Napasimangot ako.

Napagkamalan pa akong nanlilimos.


1 YEAR . . .

"I don't eat that. I want a high class dish cuisine."

Ayaw niya ng adobong palaka? Sayang, kinuha ko pa naman iyon sa kanal nila. Nalungkot ako with emojis para dama ang pain. 😭😭😭 ayaw niya ng luto ko. Huhu. 👉😭👈


NEXT DAY . . .

Pagapang akong lumapit sa kaniya. "N-natoy? Natoy! I'm not enough? Pangit ba ako? Ha? Kapalit palit ba ako? Then why?! I'm so stupid to falling inlove with my bestfriend!" Sabay hagulhol ng iyak, pasimple kong tinutuluan ang mata ko ng tubig na galing sa water bottle niya. Nabuhos nga lang sa mukha noong nagalaw niya.

"Who are you? My apologize Miss, naligaw ka yata, hindi ito zoo."

Napasimangot ako. May next time pa. Go lang!


NEXT NEXT NEXT NEXT . . .

"Sorry Miss Dante, banned na po kayo rito." Nagpasalamat ako kay kuyang guard. Nainis na talaga sa'kin si Dalter. Ayaw niya na akong papasukin sa kaniyang kompanya. Malungkot akong kumuha ng bato at linunok sabay sigaw ng Darna! Charot lang. Kinuha ko ang bato at ibinato sa babasagin na bintana sa second floor ng kaniyang building. Nakarinig ako ng pagkabasag.

Lagot. Basag talaga! Kumaripas ako ng takbo. 18 pa na ako. Puwede na akong makulong. Hindi ako puwede makulong. Paano si Dalter? Paano siya kung makukulong ako? Magigi siyang sad boi niyan. Uwu---- uhuhuhu. No!

👉😭👈.

•••END OF FLASHBACK•••

Hiding Vowels Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon