XXIII

7 1 0
                                    

C H A P T E R: 23

LETTER
(Na bida-bida)
P.O.V


I'M so happy! Binigyan ako ng exposure sa kuwentong ito. Sa mga gusto pala ako i-follow sa wattpad, search niyo 'to. Joke lang. Hindi pa ako ready isabi sainyo e. Puwede niyong bisitahin 'to si NoteForMyLypophrenia. Walang pilitan!

So 'eto nga. Kanina ko pa rinaratratan ng sermon ang aking lovey dovey Talong habang binabaybay namin ang daan sa isang hotel---- oo, sa hotel at wala kaming gagawin d'on na rated 🔞. Dahil nagbalak lamang kaming dalawa na doon na lang magdi-dinner kasama si Consonant at ang kaniyang mga chikiting. Naiinis pa naman ako dahil inaaway away pa ako ng Mama ni Drape bago kami umalis ng kaniyang opisina. Kontrabida masyado e hindi naman siya ang jinowa ko. Iyong anak niya!


F L A S H B A C K

Nakayakap ako sa bewang ni Talong habang pinipindot nito ang app na Skype para sa Mama niya na kanina pa tumatawag. Ang OA din ng family nila kasi nagkikita kita naman sila pero heto't nagsasayang ng wifi para mag-usap trough online! Kung nanood na lang kami ng kuwentong pangbata ay ayos pa!

Pagkatapos ng naging eksena kanina sa restaurant ng Mall ay agad naman siyang tinawagan ng kaniyang walanghiyang Kuya Dalter. Kailangan raw kasi i-report ni Talong ang mga kaganapan sa ibang mga hotel and resorts nila, wala namang choice ang Talong ko kung hindi sundin ito. And about sa report, bago kasi matapos ang taon ay kailangan talaga makita ang mga records for previous months this year, at every year 'yon nangyayari. Workaholic kasi ang Dalter. Dapat nga sa January 4 na lang siya niyan maghanap!

Nandoon kasi ang mga naging complain ng guests or issues, at mga gusto nilang ma-improve sa hotel. Ganern. Pero sana inayos niya muna attitude niya bago ayusin ang mga negosyo niya. Nangangati na kamay ko man*kal e. Pinapainit no'n bungo ko.

Dami ngang ek-ek ng mga business nila. Bukod sa hotel and resorts. Meron silang mga Mall at restaurant. Idagdag na rin ang Toy factory ng aking Talong. Hindi na ako magtataka kung meron pa silang mga hacienda. Malaking pamilya ang Floorman e.

Narinig ko na ang matinis na boses ng ina ni Drape sa hawak nitong laptop. Nasusuka akong ngumiwi.

Sana nag OFW na lang si Talong kung gan'on din naman ang drama ng Mama niya. Bumungad agad sa'min ang masungit na mukha at bakas pa din ang kagandahan kahit may edad na, pero kapangit naman ng ugali. Proven na kasi backstabber 'yan e. Ipinapahiya niya ako. Lagi niyang kinukwento sa mga amiga niya na drug pusher raw ako at pakawala ni 😈. Naapektuhan tuloy ang mga followers ko sa YouTube. Ayon, para mag-trending si ako e, prinank ko siyang nagmumukbang ako ng sh*bu, buset! Pero siyempre joki joki lang iyon kasi tawas ang gamit ko. Na-report nga lang ang video dahil masama daw ang ginawa ko. Bakit daw gagawa ang isang magandang nilalang na gaya ko ng isang content na nagmumukbang ng shab*?

Kahit fake fake lang. Ayun at napa-sorry ako. Gumawa ako ng public apology at sinisi si Future Mom. Siniraan ko siya ng todo todo. Bi*ch kasi!

"Son! Where are you? Don't tell me kasama mo na naman ang imap*to mong girlfriend!?"

Napairap ako. Agad akong nagpakita sa camera habang hinahaplos ang dibdib ng anak niya ng may ngisi sa labi. Kita ko ang gulat sa mukha niya sa ginagawang panlal@ndi ko sa kaniyang anak. Live-live na b*ld----- charing. Pero mas bakas talaga ang pandidiri sa face niyang tadtad na yata ng sinulid. Like, grabe naman siya! Meant to be kaya kami ni Drape Glor Floorman!

"Hi Mommy Dexia. It's me? Hi? I'm the problem... it's me?" Bati ko sa kaniya with Taylor Swift na kanta. Nahihintakutan niya akong tinuro. Ang pula pula pa ng labi niya at may gamit pa siyang ring light kaya nakakasilaw ang mukha niya sa camera (may salamin kasi sa likod niya kaya kitang kita ko.) May pole pa siya na naka display yata sa room niya. Sira*lo din e.

Hiding Vowels Where stories live. Discover now