C H A P T E R: 12

CONSONANT P.O.V


MASAYA ang mga anak ng dilim--- este mga anak ko. Naglakad lakad kami sa gitna ng kalsada para mang-trip ng mga driver. Nag-vandalism din kami sa mga building. Nagnakaw ng pera sa bangko. Nagbenta ng shabu. Family goals. Hashtag criminal na. Gangsterist pa. Joke lang. Pero totoo na naglakad lakad kami pero hindi sa gitna ng kalsada, sa isang street shop sa Centro. Hindi naman mahilig sa mga laruan ang mga anak ko pero bakas pa rin ang mangha sa mukha nila sa tuwing nakikita ang mga paninda. Kahit kasi saan ka lumingon, puno ng iba't ibang paninda e. Wala bang binebentang paputok ang mga tao rito? Granada?

Papasabugin ko kasi ang mga bungo ng mga anak ko. Joke lang! Love na love ko kaya ang mga kuto.

Kumain din kami sa food court. Binilhan ko din sila ng mga gusto nila. Pero dahil ang gusto nila ay pagkain. 'Di naubos ang 500 hundred sa kakain nilang lima.

Pagkatapos kumain, balik ulit kami sa pagtingin-tingin ng mga paninda. Pasimple din akong nagnanakaw. Charot.

"Mama? May baril ba rito?"

"Wala," sagot ko sa nagtanong na si Erkus. "Bakit mo na itanong?"

"Babarilin ka namin Ma sa luneta. Tapos pagagawan ka namin ng rebulto." Sagot ni Arkus. Nagsihalakhakan naman silang lahat at inaasar ako.

"Mukha ba akong bayani?" Nakangiti kong tanong sakanila. Nagbabakasakaling maayos ang rason ng mga ito. Kapag hindi. Malalagot talaga sila sa'kin.

"Correction! Mukhang criminal Ma!" Pagkasabi noon ni Odanuz. Nawalan na ako ng pag-asa na maging mabait pa sila. Tanggap ko na. Mga kupal!

Nakuha ng isang stall ang atensyon ko---- baka maihulog ko 'tong mga 'to sa tulay e, kaya kesa makagawa ng kasamaan ay linapitan ko na lang ang stall. Sumunod naman sa'kin ang mga bata.

"Ale, magkano mga lucky charms mo?" Nginuso ko sa kaniya ang mga paninda niya. Pagsusuutin ko ang mga anak ko ng mga 'to para iwas malas. O kung hindi, ako na lang ang susuot, para iwas sa kanila (mga malas) charot.

"Eto ba eha? Ekaw ba bebele? Bayad segurado ha?Dalawa sengkuwenta Eneng. Bele na." Instik pala 'to si Te. Napangiti na lang ako. May nakapulupot pa sa ulo nitong tela na kulay dilaw. Halata din na drawing iyung kilay niya. Pink din ang labi ni Ateng na intsik. Kasilaw e. Nangingislap. Daig ang sun.

Nakuha ang atensyon ko sa cute na cute na dolphin na mga singsing. Wow. Ang cute nila. Parang ako lang. Cute---- bigla ako nakarinig ng pagkabasag. Hindi ko na lang pinansin.

"Ale magkano 'to?" Nasa singsing lang ang atensyon ko. Pake ko kasi ba sa kaniya?

"Bungol ineng? Sengkuwenta nga dalawa." Napasulyap ako kay Ateng. Umirap pa siya. Attitude ha. Porket kita cleavage niya. Bugbugin ko 'yan e. 'Di vulganized naman dibdib niya.

Halatang babad sa init dahil maitim-itim na. Umayos ako ng tayo at ipinalandakan ang dibdib kong----- nakakahiya. Wala pala ako n'on. Chocolate hills lang ang size niya. Nakita niya naman ang dibdib ko kaya ngumisi siya ng waging wagi sa boobs contest.

Inayos ko na lang ang aking pagkakatayo at dignidad na lang ang ipinalandakan ko sa harap niya. Buwis*t 'to si Ateng. Sana ipis ulam nila mamayang gabi. Nakaka sakit ng pagkakababae 'to ha. I want to cry. Huhuhu.

Narinig ko bulungan ng mga anak ko. "Kita mo 'to si Mama, gusto yata makipag bag ulo. Naku! Tumawag na tayo ng pulis! Magbasag na lang siya ng sariling bungo!"

Liningon ko sila. "Subukan niyo at gagawin ko kayong giniling na jejemon." Nginitian nila ako.

"Gan'to ka Mama," sabay-sabay silang gumawa ng sungay sa mga ulo nila. Umirap ako. Akala naman nila 'di kami magkakapareho. Luh? Sino ba ina nila? Si Aleng Tabel?

Awwww, nakakamiss si Aleng Tebelbel. I want to cry!

"Pabili niyan Aleng." Umirap pa ako. Agad naman kinuha ni Ale ang tinuro ko. Mga singsing na nakalagay sa isang gold na box. Ang cute ng mga dolphins. Pero ang chaka nung tindera. No ones perfect talaga sa mundo.

"Eyy Eneng, peto bele mo na. Sukle wala. Fameli reng mga eyan. Ekaw bele eto. Bayad sagad mo na."

Family ring raw. Jejemon yata 'to si Ate ang gulo niya magsalita. Tumango na lang ako. Kailangan niya yata ng interpreter. Dudugo ilong ko sa frustration sa mga pinagsasabi niya e. Binalot niya sa plastic ang rectangle na gold box.

Nagpasalamat kami sa kaniya. "Tenk you Ale. Ganito ka. Sagad to the bones," ipinakita ko sa kaniya ang middle finger ko. Inirapan niya ako. Sa pag-flip niya ng buhok e tumama ang mukha niya sa windchime ball. Buti nga sa kaniya. Bakal pa naman iyon. Sana buhay pa siya bukas.

Naupo kami sa mga benches ng makalayo kay Ate girl. Pinagigitnaan ako ng mga anak ko kaya sinilip din nila ang mga singsing na binili ko. "Try niyo nga. Baka bumait kayo ngayong magbabagong taon."

Hindi nila ako pinansin at sinuot ang mga singsing. Sinuot ko din ang isa sa mga malaking singsing. Napangiti ako sa dolphin na disign.

"Mama hindi pa ba sapat iyung kuwintas na gawa namin at iyung gawa mong porselas na para sa paa na sinusuot? At bumili ka pa nito." Tanong ni Arkus.

"May sobra pa ngang isa e." Segunda naman ni Erkus. Naghihintay naman ang iba sa sasabihin ko.

Hiding Vowels Where stories live. Discover now