°XXXVIII

11 1 0
                                    

NOTE: Hello po! In-edit ko lang po ang mga previews chapter para hindi magulo basahin. Inalis ko nga pala ito sa FB page kasi may gumaya na nito.

THIRD PERSON P.O.V


MALUNGKOT na napabuntong hininga ang ating totoy bibo. Plano niya sana kanina jumingle ng makita niya si Consonant, sinundan niya ito at hindi niya naman akalain na maririnig ang pinaguusapan ng dalawa. Hinayaan niya muna ang mga limang batang babaeng budol-budol sa loob ng kulungan ng mga manok na gumagawa na ng- kemeng engkantasyon.

Kanina pa umalis ang dalawang sina Consonant at Letter. Habang siya naman ay hindi pa rin umaalis sa kinakataguan niya na malapit sa nuno sa punso. Hindi niya lang alam pero kanina pa siya pinagtitinginan ng mga duwende. Naawa sa kaniyang kalagayan. Hindi niya pansin ito kasi akala niya, isa lang itong gabundok na lupa at busy din siya makinig sa kuwentuhan nina Consonant kaya hindi niya na ito pinagtuunan pa ng pansin.

Napatingala na lang siya sa kalangitan, wala siyang makitang stars kaya nag imagine na lamang siya, at no choice, kung hindi magpaka-sad boy na naman sa mga nalaman niya.

(N: sad boi ulit. 😒)

"I don't know what to do . . ." bulong niya sa sarili.

Sa ibang dako naman. Hindi mapigilang mapangiwi ni Drape sa pinagagawa ng mga anak ni Consonant habang hawak ang kaniyang milyones na iPhone. Kasalukuyang nakatali siya sa tabi ng kama at pinasakan ang kaniyang bibig ng brief na may printed na mickey mouse. Gulo gulo ang buhok na maraning panimipit ng damit sa kaniyang ulo. Hindi naman mapanghi ang brief kaya ikinasalamat niya na lang iyon.

Napabuntong hininga na lang siya sa kaniyang load. Alam niyang walang wifi sa lugar na pinalalagian ng kaibigan kaya nagpa-load na lang siya ng 1,000 pero dahil nga ginambala niya ang mga ito kanina noong pumasok siya, heto at napagtripan. Lubos siyang nagsisi. Kanina pa niya naririnig ang Google Voice dahil tanong ng tanong ang limang mga bata rito.

Gusto niyang mangihingi ng tulong kaso paano? Kung nakatali siya na parang hostage?"

"Paano manligaw 0.2"

"Experiment: Immortal na Mama."

"Iwas malas tips."

"Pagbaba ng konsumo ng kuryente at tubig,"

"Utot leaves for sale."

"Deodorant sa mabahong kilikili ni Consonant,"

"Paano ma-crush back ni crush ng hindi ma-crash ang iyong heart break it down yow- ang kalungkutan naman nito mga utol ko. Gusto ko maiyak!"

Inalo naman agad ng apat ang nagdadramang si Erkus.

Ngumiwi si Drape.

"Tahan na utol . . . ako na ang magsi-search--- Hey goggele? Paano gumawa ng gayuma? 8 years old puwede na ba ito?"

Inagaw ulit ng isa ang cellphone. "Alam niyo hindi gumagana sinasabi niyo e! Kanina pa ito salita ng salita wala namang lumalabas sa search natin!" Saad ni Uranus.

"Ano gagawin natin? Ha? Bida bida ka e- e iyan ikaw kumausap diyan!"

Mapagmalaking hinawi ni Uranus ang buhok at nginisihan ang mga kapatid.

"Learn me and watch mga utol," ngumiwi ulit si Drape sa narinig. Parang gusto niya ng iumpog ang ulo sa dingding.

"Hi Go-gle? Peenow megmehel ng toto ow?"

"Ba't ganiyan ang tono mo Uranus?" Tanong ni Arkus na busangot na ang mukha. Nagsitunguan ang iba niyang kapatid. Sumabat pa si Ikarus na magkasalubong na ang kilay.

Hiding Vowels Where stories live. Discover now