Chapter 67

342 14 0
                                    

Inatake ko ang dark king at agad namang sumugod sa akin ang mga dark soldiers. Nakipaglaban kami ulit ng mga kaibigan ko. Bumalik ang mga dragon namin at kinalaban ang mga dalawang bagong dating na black dragon. Halos manghina na ako pero para sa mga kaibigan ko ito. Biglang may sumabog at napakalas nito kaya nakita ko kung paano napatilapon ang mga magulang ko dahil sa direksyon nila ito sumabog.

"Mom, dad", sigaw ko.

Walang malay si mom Kaila at dad Francis. Nanghihina naman sina mom and dad ganun na rin ang iba. Agad akong lumapit sa kanila pero biglang may humarang sa akin kaya napalaban ako.

Walang tigil kami sa pakikipaglaban kaya nanghihina na ang katawan ko. May mga sugat na rin ako at hindi na nahihilom pa dahil sa mahina na ang katawan ko. Biglang bumagsak ang dragon ko sa harapan ko kaya halos maiyak ako. Sugatan na rin ang mga kaibigan ko pero patuloy pa rin kami sa pakikipaglaban. Kami na lang ang natitira kaya wala kaming choice kundi ang lumaban para sa kapayapaan. Napalipad ako sa himpapawid at kinalaban ang isang dragon. Nanghihina na rin ito kaya mabilis ko itong napatay at sinunod ko ang isa at si Keira naman ay binibigyan ang mga kaibigan namin ng pandagdag lakas. Matapos kong paslangin ang dalawang dragon ay bumaba na ako at walang awang pinatay ang mga kalaban na lumalapit sa akin.

Nakita ko kung paano sinaksak ng dark king sa likod si Josh at napatumba ito. Sunod niyang kinalaban si Mark at dahil nanghihina na ito ay madali niya itong natalo at sinaksak niya ito sa tiyan.

"Mark, Josh", sigaw ko at lumapit sa kanila.

Kinalaban ko siya pero bigla siyang naglaho kaya linapitan ko sina Josh at Mark. Namimilipit sila sa sakit kaya halos maiyak na ako. Ang dami nilang sugat sa katawan.

"Don't worry Francine, magkakasama na kami", saad ni Josh.

"Tumahimik ka na lang", saad ko.

"Please tell my parents I love them and Agua makakasama na kita", saad nito bago nawalan ng malay.

"Francine gawin mo ang lahat para magtagumpay tayo sa labanan na ito", saad ni Mark.

"Makakasama ko na si Ivy at kung matapos na ang gulong ito, pwede mo bang puntahan ang village ng mga blacksmith at puntahan doon ang anak namin na si Leo", saad nito.

"Kunin mo siya doon at alagaan ng mabuti", saad pa nito.

"Thank you", saad nito at nawalan na siya ng malay.

"Mark, Josh", saad ko.

Tumayo at saktong pagtayo ko may sumabog sa direksyon ni Axele.

"Axele", sigaw ni Keira.

Linapitan niya ito at nakitang nawalan ito ng malay. Lalapit na sana ako ng biglang may sumabog ulit at ang natamaan nito ay sina Zacc at Thunder. Nawalan rin sila kaagad ng malay ng dahil sa impact kaya nilapitan ko sila at tiningnan kung buhay pa sila.

Hindi ko naramdaman ang pulso nila kaya napaiyak ako. Uubusin talaga nila kami. Kami na lang ni Keira at Kaden ang natitira.

"Axele, lagi mong tatandaan na mahal kita kaya kailangan kong gawin ito", rinig kong saad ni Keira.

"Mahal na mahal kita", halos na iiyak nitong sabi kaya napatingin ako sa kanya.

Hinalikan niya ito sa noo at niyakap. Tumingin siya sa akin at tumango. Nginitian ko lang siya at napatingin ako kay Kaden na nakatingin na pala sa akin.

"Kate, anong iniisip mo?", tanong nito.

"Whatever it is please don't do it", saad nito.

Linapitan ko siya at niyakap.

"Lagi mong tatandaan na mahal kita", saad ko.

"Kate please don't", saad nito.

"I have no choice, kung hindi ko gagawin ito mawawala ka", saad ko.

"Wala na ang mga kaibigan natin at maaaring mawala ka rin", saad ko pa.

"Hindi ko kaya na mawala ka", saad ko.

"I won't leave you", saad nito.

"Tanging hiling ko lang maging mapayapa ang lahat", saad ko.

Sumabog ng malakas sa direksyon namin kaya nilagyan ko ng barrier ang katawan niya. Lumapit ako kay Keira at nakita ko na handa na siya sa gagawin namin.

Napag-usapan namin na if worse comes to worse we are going to do everything for them even if it cost our life. Hinarap namin ang mga kalaban at sabay silang sinugod. Binigay na namin ang lahat ng makakaya namin hanggang sa naubos namin ang mga kawal niya at siya na lang mag-isa ang natitira. Marami na ang natamo kong sugat ganun rin si Keira.

"Never know that kaya niyo pa ring makipaglaban", saad nito.

"Hindi kaya kami tatawaging the most strongest princesses kapag una pa lang ay suko na kami", saad ko.

"At dinamay mo ang mga kaibigan namin", saad naman ni Keira.

"Pati na rin ang mga magulang namin", saad ko.

"Lets end this, tingnan natin kung sino ang mananalo", saad ko.

Naglabanan kaming tatlo at masasabi kong malakas siya at magaling makipaglaban. Kahit sabay kaming aatake ni Keira ay kaya pa rin niya itong iwasan at sanggain. Bigla siyang gumawa ng dark ball at tinapon sa amin ni Keira. Natamaan ako sa balikat kaya napaatras ako. Natamaan rin si Keira sa balikat niya.

"This is it", saad ko.

Lumipad ako pataas at nilagyan ng barrier ang lahat ng katawan na nakahandusay sa lupa maliban sa mga kalaban. Nakita ko na nakatingin sa akin si Kaden at umiiyak ito.

"Kate, you promised me", saad nito

"I'm sorry", saad ko.

Nasa tabi ko na pala si Keira at nakatingin siya sa kay Axele.

"Please tell him that I love him", saad nito kay Kaden.

Inipon ko lahat ng lakas at mahika ko at pinalutang sa harapan ko ang sword ko. Ganun rin ang ginawa ni Keira at ramdam ko ang pagbago ng damit at ayos ng buhok ko ganun rin kay Keira. Nakasuot ako ng white gown na may halong ibang kulay at simple ayos ng buhok kay Keira naman ay isang gown na kulay ginto at simple lang rin ang ayos ng buhok niya.

Sabay kaming umatake sa dark king at hindi siya nakaiwas kaya sabay naming nasaksak sa kanya ang sword namin at unti-unting nawawala ang katawan niya. Unang nawalan ng malay si Keira at unti-unting nahuhulog ang katawan nito.

Ginamit ko ang natitira kong lakas para hindi siya tumama sa lupa. Kinuha ko na ang barrier na nakalagay sa lahat at mabilis akong niyakap ni Kaden.

"Kate, why?", tanong nito.

Umilaw ang katawan ni Keira at ilang sandali lang ay nawala na ang katawan nito. Unti-unti na ring umiilaw ang katawan ko kaya mas humigpit ang pagkayakap sa akin ni Kaden.

"Always remember I love you", saad ko.

Moonlight Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon