Chapter 17

784 21 0
                                    

Nandito kami ngayon ni Keira sa dorm nagliligpit ng gamit dahil lilipat na kami ng dorm. Sabi kasi ng mga 10 royals ay doon na rin kami titira sa dorm nila para daw na kapag may misyon na gagawin ay agad naming malaman dahil malapit lang kami sa kanila. Ayaw pa sana namin pero wala kaming magawa ng pati si headmaster ay pinilit kami. Ang sabi niya ay pagmamay-ari pa rin namin ang dorm na ito pero kailangan lang talaga naming lumipat.

Matapos kong magligpit ay pinuntahan ko si Keira at nakita ko siya na nagliligpit pa rin dahil sa dami ng mga damit nito.

"Uhh do we really need to do this?", tanong nito.

"We have no choice", tanging sagot ko.

"Why don't you leave your other clothes here since hindi mo naman magagamit lahat ng yan", saad ko.

"Ayy oo nga no", saad nito at tumawa.

"Para kang tanga", saad ko at tinulungan siya.

"Pero kaibigan mo naman", saad nito.

"Heh", tanging sabi ko pero tumawa siyang ng malakas.

"Alam mo ikaw lang kilala kong hindi pala kuwento pero maganda maging kaibigan", sabi nito.

"I never had any friends in my life before except you", saad ko.

"Of course, I am your one and only bestfriend", saad nito.

"You know what I think walang sira iyang mga mata mo", saad nito.

"Paano mo naman nasabi?", tanong ko.

"Kasi minsan nakikita kita na hindi mo sinusuot yan lalo na nung naligo ka at pumasok ako sa kwarto mo", saad nito.

"Ohhh", tanging reaksyon ko.

"Then what?", tanong ko.

"Why don't you stop using it from now on", saad nito.

"And why?", tanong ko.

"Para naman kung may labanan ay madali lang makipag-away at alam mo ba na nung leveling ay natabig yung glasses mo at ang ganda mong tingnan", saad nito.

"Tsk fine", sabi ko kaya ngumiti ito.

Matapos naming magligpit ay naghanda na kaming lumabas. Pagbukas ni Keira ng pinto ay hindi namin inaasahan na naghihintay pala sa amin ang mga 10 royals.

"What are you doing here?", tanong ni Keira.

"We were waiting for the two of you", saad ni Ivy.

"You don't have to", saad ko.

"Well it was the first time that we are going to have another roommate so we're so excited", saad ni Agua.

"Tsaka syempre para tulungan kayo sa mga gamit niyo", dagdag pa ni Shana.

"Oh thanks for that", saad na lang ni Keira.

Kinuha ni Ash yung gamit ko at si Axele naman ang kumuha ng gamit ni Keira. Ayaw pa sana nitong ibigay pero wala siyang magawa ng pinilit siya ng mga babae na ibigay na lang. Ayaw ko pa sanang tawagin sila sa pangalan nila pero ayaw din nila na tinatawag namin sila na prince at princess.

Ng makalabas kami ng dorm ay dumiretso kami sa likod nito hanggang sa makita namin ang isang bahay na medyo malaki pero masyadong magara ito tingnan. Sabi nila doon daw sila tumitira kaya dumireatso kami doon. No doubt na pagmamay-ari nila ito dahil sa labas pa lang ay kitang-kita na ang kagandahan nito.

"So Keira your room is the one with light brown color next to mine while your room Francine is the one with cream color next to Ash's room", saad ni Shana.

"Oh okay thank you", sabi ko at kinuha kay Ash yung gamit ko at dinala sa kwartong tinuro niya ganun din si Keira.

Pagpasok ko ay nakita ko na masyadong malaki yung kwarto at mas malaki pa sa kwarto ko sa dorm. The floor, the walls and the ceiling is cream color also every things in this room is in cream color. I decided to arrange my things first so that I don't have to do anything later and I can take a rest early. Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko silang lahat sa sala na para bang may hinihintay. Lumabas na rin si Keira kaya sabay namin silang nilapitan.

"Tapos na kayong magligpit?", tanong ni Icy.

"Oo", tanging sagot ko.

"So tara na sa cafeteria?", tanong naman ni Agua.

"Uhm sure", saad ko.

"Okay so lets go", saad ni Shana at lumabas ng bahay.

Sumunod na rin kami ni Keira. Halos lahat ng mga estudyante na madadaanan namin ay nakatingin sa amin lalo na sa amin ni Keira. Naiilang pa nga ako dahil hindi ako sanay kahit na lagi akong binubully ng mga dati kong kaklase sa dati kong paaralan. Ang mag 10 royals naman ay parang wala lang ito sa kanila. Ng makarating kami sa cafeteria ay biglang kaming hinila ni Agua at Shana palapit sa malaking mesa na palagi nilang inuupuan. Inutusan naman nila Ivy at Icy sina Josh, Mark at Thunder na bumili ng pagkain. Umupo na rin kami at ganun pa rin ang pwesto namin. Tahimik lang kami hanggang sa dumating ang mga bumili ng pagkain at nilatag ang mga binili nila sa mesa.

Nagsimula na kaming kumain at nagsimula na ring magbangayan sina Agua at Josh.

"Alam mo ba sa lahat ng babaeng na kilala ko ikaw ang pinakamatakaw sa lahat", saad ni Josh.

"Eh anong pakialam mo", saad naman ni Agua.

"Gusto kong kumain may magagawa ka para pigilan ako?", tanong pa nito.

"Tss parang hindi ka nakakain ng ilang araw", saad naman ni Josh.

"Bakit ba?", tanong naman ni Agua.

"Kumain ka na nga lang", dagdag pa nito.

"Ang takaw", saad naman ni Josh.

Sasabat pa sana ai Agua ng biglang tumikhim si Axele. Nagkatinginan lang kami dahil sa sobrang seryoso ng mukha nito. Nagpatuloy na lang sila sa pagkain at hindi na nagsalita. Mabilis kung inubos ang aking pagkain at ganun rin si Keira. Sabay pa nga kami natapos at nagkatingin kaming dalawa. Bigla siyang tumawa ng malakas.

"Anong problema mo?", tanong ko sa kanya.

"Well you're funny", saad nito.

"Huh"

"Alam mo ang bilis mong kumain tsaka sabay pa talaga tayong natapos", saad nito.

"Nagmamadali lang naman ako. Eh ikaw ang bilis rin kumain", saad ko.

"Nakalimutan ko kasi na kailangan kong pumunta ng library", saad nito.

"Anong gagawin mo doon?", tanong ko.

"May iniutos yung guro natin sa spells sa akin pero nakalimutan ko", saad nito.

"So tara", saad ko at tumayo.

"Huh anong gagawin mo?", tanong nito.

"Pupunta ng library dahil matagal na akong hindi nakapagbasa ng libro", saad ko.

"Tsk reading books are boring", sabi nito at tumayo na rin.

"Uhm mauuna na muna kami", saad ko at lunabas na kaming dalawa ng cafeteria.

Moonlight Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now