Chapter 18

766 24 0
                                    

Papunta kami ngayon ni Keira sa library para gawin niya ang iniutos sa kanya ng guro namin. Kailangan lang naman daw niya na hanapin ang mga libro tungkol sa mga spells. Ng makarating kami ay wala ni isang estudyante ang naririto maliban sa librarian. Nagsimula na kaming maghanap ng librong pinapahanap sa kanya pero halos lahat ng libro dito ay pareho ang kulay kaya talagang mahihirapan kami. Mga ilang oras rin kaming naghanap hanggang sa nahanap namin ito. Lumabas na kami ng library at pumunta siya sa office ng guro kaya nauna na lang akong bumalik sa dorm. Ng makarating ako ay nadatnan ko ang lahat ng 10 royals sa sala.

"Oh bakit ngayon ka lang at nasaan si Keira?", tanong ni Icy.

"Uhm nahirapan kasi kaming hanapin yung mga libro kaya natagalan kami sa paghahanap at tsaka pumunta si Keira sa office ng guro para ibigay yung libro", sagot ko.

"Uhm ganun ba, akala kasi namin may pinuntahan pa kayo", saad naman ni Ivy.

"Nga pala since part na kayo ng royalty section you should know that maybe the headmaster will give us some missions", saad ni Shana.

"Yeah I already know that", saad ko.

"How do you know?", tanong ni Agua.

"Keira told me", saad ko.

"Ohh so dapat we are always prepared for that", saad ni Icy.

Umupo na ako sa tabi ni Kaden since doon lang naman ang bakante. Nakita ko na nagbabasa siyang libro. Mukhang pamilyar sa akin yung libro kaya tiningnan ko ito ng mabuti.

"Wait, is that the book you took from me?", tanong ko sa kanya.

Tiningnan lang naman niya ako at tinaasan ng kilay. Tinaasan ko rin siya ng kilay. Akala niya siguro magpapatalo ako.

"Hoy ibalik mo na yan sa akin kasi akin naman talaga yan", saad ko.

"You can buy another book", saad nito.

"Ikaw kaya yung bumili kasi ikaw yung nangunguha ng libro ng iba", saad ko.

"Tsk", sabi lamang nito at nagbasa ulit.

Magsasalita pa sana ako ng maramdaman ko na may tumitingin sa akin. Nakita ko na lahat sila ay nakatingin sa akin. Nahiya naman ako dahil nakatingin pala silang lahat at mukhang nangtutukso pa yung mga babae. Napaiwas ako ng tingin at mabuti na lang at dumating si Keira.

"Bwisit na lalaking yun sarap suntukin sa mukha", saad nito ng maisara niya ang pinto kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Nagulat pa nga ako eh at pati na rin siguro yung katabi ko dahil tumigil siya sa pagbabasa.

"Akala niya kung sinong gwapo eh", dagdag pa niya.

"Uhm okay ka lang?", tanong ko.

"Hindi dahil sino ba siya para sabihin na 'done examining my face tsk' at umalis", saad nito at ginaya pa ang boses pang lalaki kaya napatawa ako.

"Hoy huwag mo nga akong tawanan jan", saad nito.

"Alam mo ba na binangga niya ako kaya napatumba ako tapos yun lang sasabihin niya at hindi pa nagsorry", saad nito at lumapit sa akin.

"Ang sakit kaya", dagdag pa nito.

"Anong mukha?", tanong ko.

"Hindi gwapo", saad nito.

"I-describe mo", saad ko.

"Tsk maputi siya at medyo makapal yung kilay at matangos yung ilong pero hindi bagay sa kanya. Kulay brown yung mata at matangkad rin siya", saad nito.

"Wait familiar", saad ko.

"Huh"

"Ah alam ko na, siya yung lalaking nakabangga sa akin ng bagong dating pa lang ako dito", saad ko.

"Ganun rin nga yung sinabi niya sa akin eh", dagdag ko pa.

"Ang sakit kaya sa pwet yung pagkatumba ko tapos umalis lang siya at hindi humingi ng paumanhin", saad ko.

"What?", tanong ni Kaden.

Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

"Yeah gusto ko pa nga sanang suntukin o di kaya sabunutan pero baka patayin pa ako nun tsaka wala pa akong kapangyarihan nung time na yun", saad ko.

"Kilala mo ba yun Keira?", tanong ni Icy.

"Oo, isang siyang student sa elite section", saad ni Keira.

"Anong pangalan?", tanong naman ni Shana.

"Uhm Alexis Morgan ata at metal manipulator siya", saad naman ni Keira.

Tumayo yung katabi ko pati na rin yung ibang lalaki.

"Anong gagawin niyo?", tanong ko.

"We're going to teach him a lesson", saad ni Axele.

"Huh at bakit naman?", tanong ko.

Hindi siya sumagot at lumabas at sumunod sa kanya si Kaden.

"Well mukhang masaya to", saad ni Josh.

"Don't worry guys natural na yun", saad ni Ivy.

Lumabas na sila kaya sumunod na rin kami. Nakita namin na papunta sila sa field. Napatigil sila bigla kaya napatigil rin kami.

"Uhm nasaan pala siya Keira?", tanong ni Shana.

"Papunta siya ng cafeteria", saad ni Keira.

Pumunta na rin sila ng cafeteria kaya sumunod na rin kami. Ng makarating kami doon ay nagulat pa ang ibang estudyante ng makita kami.

"Alexis Morgan", biglang sigaw ni Thunder kaya nagulat kami.

Bigla na ring kumulog kaya napalapit ako kay Keira. Humawak siya sa kamay ko at ramdam ko na natakot siya.

"Shit mukhang galit", saad nito.

Tiningnan ko ang mga prinsesa at mukha wala lang ito sa kanila. May tumayo na lalaki kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Siya yung nakabangga sa akin.

"Follow us", saad ni Zacc.

Naglakad na sila paalis at sumunod rin yung lalaki kaya sumunod na rin kami. Papunta kami ng field at kitang-kita ko na galit yung mga kasamahan namin.

"Sana pala hindi ko na lang sinabi", saad ni Keira.

"Bakit?", tanong ko.

"Mukhang kawawa yung lalaking yun pagkatapos nito", saad nito.

"Parang nga", saad ko.

Pumunta sila sa gitna ng field kaya hindi na rin kami sumunod dahil baka ano pa ang mangyari. Biglang tinapunan ni Zacc ng dagger yung lalake pero agad din itong nawala. Nagulat pa nga ako pero metal manipulator pala siya. Nagtapon na rin apoy si Kaden at light ball na rin yung kay Axele. Hindi siya nakaiwas kaagad kaya natamaan siya sa balikat. Tumapon ulit ng fire ball at light ball yung dalawa pero maliliit lamang ito pero marami kaya hindi maiiwasan na matamaan yung lalaki. Hindi na rin nakialam yung ibang lalaki at ang mga babae sa ginagawa ng dalawa.

Nakita ko na medyo nahihirapan na yung lalaki at nanghihina. Lalapitan ko sana sila pero mahigpit yung pagkahwak sa akin ni Keira.

"Pwede bang bitawan mo muna ako", saad ko.

"Huwag ka ng mangialam", saad nito.

"Paano naman kung mamatay yung lalaking yan", saad ko.

"Hindi naman siguro", saad nito.

"Yan ang hindi tayo sigurado", saad ko.

Ginamit ko yung ice power ko at naglagay ng yelo sa pagitan nilang tatlo. Nakita ko na nagulat sila kaya napatingin sila sa akin. Tiningnan ko sila ng masama. Tumigil na rin sila kaya kinuha ko yung yelo.

"If you did something bad again we will going to punish you especially if you dare to hurt the members of royalty", saad ni Axele.

Moonlight Academy: School of MagicWo Geschichten leben. Entdecke jetzt