Chapter 61

391 17 0
                                    

Ivy's Pov

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Agua. May ginagawa siyang isang screen na pwedeng makita kung ano ang gusto niya.

"Para hindi nila maramdaman na iniespiyahan natin sila", saad nito.

"Icy, kailangan ko ng frame", saad nito.

"Like what?", tanong naman nito.

"Frame na square na gawa sa yelo", saad nito.

Agad namang gumawa ng ganun si Icy.

"Ivy and Mark kailangan ng table at vines para hindi ito gumalaw", saad nito na agad ko ring ginawa.

"Thunder kailangan ko ng ilaw", saad nito.

"Ikaw Josh, gumawa ka ng barrier para hindi malaman ng sa labas ang ginagawa natin", saad nito na agad rin niyang sinunod.

"Eh ano naman ang ipagawa mo sa amin?", taning ni Shana.

"Lagyan mo ng kunting shadow para maganda yung effect at ikaw naman Zacc tulungan mo sa paggawa ng barrier si Josh", saad nito.

Matapos nun ay nagsimula na siyang magpakita ng kung ano ang ginagawa nila Ash at Axele.

Nakita namin na tulog si Ash habang nakahawak sa kamay ni Francine habang si Axele naman ay hinihimas ang buhok ni Keira.

"Bakit wala tayong naririnig?", tanong ko.

"Dahil yun lang ang kaya ng kapangyarihan ko", saad nito.

Matapos naming panoorin iyon, lumabas na kami ng kwarto. Nakapagpalit na rin kami ng damit dahil kailangan pa naming tumulong sa iba.

Nandito kami sa acdemy ngayon dahil marami pa rin ang sugatan dahil sa nangyari. Medyo nanghihina na rin ako pero biglang dumating ang mga fairy guardian namin kaya binigyan ako ni Flora ng lakas para marami ang magamot dahil kanina pa ako walang pahinga. Ang ibang fairy guardians ay nandito rin. Wala kaming ginawa buong araw maliban sa pagtulong sa mga estudyante.

Isang linggo na ang lumipas ng sumugod ang mga kalaban at hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising sina Keira at Francine. Axele and Ash was so restless dahil hindi sila umaalis sa tabi nila. Nag-aalala na rin kami dahil sunod-sunod na ang balitang dumadating sa amin na inaatake ng mga kalaban ang iba't ibang village na sakop ng ibang kaharian.

Nandito kami ngayong magkakaibigan sa garden ng academy dahil pinatili kami ng mga magulang namin dito para maprotektahan ang mga estudyante.

"I miss the two them", saad ni Agua.

"Kailan kaya sila gigising?", tanong naman ni Icy.

"Silang dalawa ang pinakamalakas sa ating lahat, ano na ang gagawin natin", saad naman ni Shana.

"Even Axele and Ash ay mukhang kawawa na rin", saad naman ni Mark.

"They are important for the both of them", saad ko.

Tahimik lang kami at hindi na katulad ng dati dahil silang dalawa ang dahilan kung bakit kami masaya. May lumapit sa amin na isang kawal. Mukhang nanggaling ito sa legendary kingdom dahil sa suot nito na kulay pilak at ginto.

"Pinapatawag po kayong lahat ng mahal na reyna", saad nito at umalis.

"Tara na", saad ni Zacc kaya lumabas na kami ng gate.

Pumunta kami sa legendary kingdom at nakita namin na naghihintay sa amin ang mga magulang namin.

"Pinapunta ko kayo rito dahil marami na ang nanghihingi ng tulong sa atin at kailangan natin silang tulungan", saad ni tita Xiandra.

"Pupuntahan niyo ang mga village na ito at kapag may nakita kayong kalaban ay patayin niyo ito at lagyan ng malakas na barrier ang buong village gamit ang mga perlas na ito", saad ni tito Alexander.

"Isang perlas lang ay sapat na para maprotektahan sila sa mga kalaban", dagdag pa nito.

"Ito ang unang alis namin na hindi kasama sina Ash at Axele", saad ni Shana.

"Hayaan niyo lang muna sila anak", saad ni tita Kendra.

"Don't worry po tita, we are going to protect each other", saad ni Zacc.

"Oh siya, bukas na ang alis niyo kaya dito na lang kayo magpalipas ng gabi", saad ni tita Xiandra.

"Sige po, tita", saad namin.

Pinuntahan namin ang silid kung nasaan sila dahil para ipaalam sa kanila na aalis kami. Matapos nun ay nagsipuntahan na kami sa kwarto namin at nagpahinga.

Maaga akong nagising dahil maaga pa kaming aalis ngayon. Nagkita kaming lahat sa sala at may sumamang sampong kawal sa amin. Una naming pinuntahan ang village ng mga witches at pagkarating namin doon ay may iilang mga dark soldiers kaya agad namin silang pinatay. Nilagyan namin ng perlas ang center ng village nila para magkaroon ng barrier. Nanatili muna kami dito at tinulungan ang mga witches sa pag-aayos ng mga bahay nila gamit ang spells since marunong kami nito.

Lumipas ang tatlong araw ay umalis kami at sunod na pinuntahan ang village ng mga blacksmith. Pagkarating namin ay sira-sira na ang mga bahay at marami na ring mga katawan sa daan na mukhang sinugod sila ng kalaban. Ni isang mamamayan ay wala kaming makita kaya hinanap namin sila.

"Tulong", narinig naming sigaw ng isang bata kaya mabilis kaming napapunta sa direksyonng boses na iyon.

May nakita kaming isang bata na mukhang naipit ang paa kaya agad namin itong tinulungan. Umiiyak ito at nanginginig.

"Bata, anong nangyari?", tanong ko.

"Si mama at papa wala na", saad nito at mas lalong umiyak.

"Pinatay nila ang mga magulang ko sa harapan ko", dagdag nito.

"Shhh tahan na, dadalhin ka namin sa safe na lugar", saad ni Shana.

"Alam mo ba kung nasaan ang ibang mamamayan dito?", taning ni Mark.

"Nagtatago sila dahil araw-araw kaming sinusugod ng mga kalaban", saad nito.

"Pwede mo bang ituro sa amin kung nasaan sila?", tanong naman ni Icy.

"Oo, pero kakampi ba namin kayo?", tanong nito.

"Huwag kang mag-aalala dahil kakampi niyo kami at nandito kami para tulungan kayo", saad ni Zacc.

"Totoo ba ang sinasabi niyo?", tanong nito.

"Oo naman", saad ni Agua.

"Pinky promise?", tanong nito at nag-sign ng pinky promise sa amin.

"Yes, pinky promise", saad ko at nagpinky sa kanya.

Ganun rin nag ginawa ng iba kaya naniwala sa amin ang bata.

"Tara, dadalhin ko kayo kung saan sina tito", saad nito.

"Pero baka masakit ang paa mo?", taning ni Josh.

"Oo, masakit pero kaya ko naman", saad nito.

"Come here, bubuhatin kita", saad ni Mark.

"Sige po", saad nito at pumunta kay Mark.

Binuhat siya nito sa likod kaya pumunta na kami sa kung saan nagtatago ang ibang mamamayan. Tinuro sa amin ng bata na ang isang bahay na mukhang kubo at pumasok kami rito.

"Uhm sigurado ka bnag nandito sila?", tanong ni Zacc.

"Oo po kuya, nasa ilalim ng lupa", saad nito.

"You mean underground?", paninigurado ni Thunder.

"Opo", saad nito at itinuro sa amin ang pintuan papasok ng underground.

Pumasok kami rito at tumambad sa amin ang isang malaking silid at may mga sugatan na mamamayan at ilan sa kanila ay nanghihingalo na.

Moonlight Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now