Chapter 47

664 19 0
                                    

Nagising ako ng maramdaman kong may mabigat na nakadagan sa akin. Minulat ko ang mga mata ko only to see someone is hugging me kaya napasigaw ako at sinipa siya.

"What the hell", saad nito.

"What are you doing here?", tanong ko rito.

"I am sleeping but because you kicked me I woke up", sagot nito.

"Wala ka bang sariling kwarto?", tanong ko.

"Meron", saad nito.

"Eh yun naman pala eh", saad ko at bumangon.

"Lumabas ka na nga Kaden", sabi ko rito at tumayo na rin siya at lumabas ng kwarto.

Pumunta ako ng banyo para maligo dahil ngayong araw kami pupunta ng legendary kingdom para makita ang mga magulang ko. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang ugali nila. Matapos kung maligo ang nagbihis ako at napagdesisyunan ko na magsuot ng dress ngayon.

I wore a red puff up sleeves drees na lagpas sa tuhod ko ang haba nito at nagsuot rin ako ng heels na katamtaman lang ang taas nito na kulay pula rin at may laso sa likurang banda nito. At hinayaan ko lang buhok kong nakatabon sa likod ko. Pagkatapos nun ay bumaba na ako.

Nakita ko na tapos na silang magbihis lahat at mabuti naman at naka-dress rin sila at ang mga lalaki ay naka-pormal na damit.

"Wow ha ang ganda ng damit mo", saad ni Keira.

"Maganda rin yung sa iyo", saad ko.

Simple rin naman ang damit katulad ng iba at nakita ko na naka-red rin si Kaden kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Uhm nga pala Francine may nangyari ba kanina?", tanong ni Ivy.

"Huh bakit?", tanong ko.

"Narinig ka kasi naming sumigaw kaya akala naming may masamang nangyari sa iyo", saad ni Agua.

"Not to mention napakalakas ng pagsigaw mo", saad naman ni Keira.

"Wala namang nangyaring masama nagulat lang ako", saad ko.

"Saan?", tanong ni Axele.

"Uhm meron kasing uhm wala", saad ko.

"Merong wala?", tanong ni Josh.

"Ahh ano uhm basta", saad ko na lang.

"Tsaka bakit ba tanong kayo ng tanong eh hindi nga kayo nagpaalam kagabi", saad ko.

"Ahh pasensya na nga talaga kagabi", saad ni Mark.

"Hmp bahala kayo", saad ko na lang.

"Tara na", saad ni Zacc.

"Kain na muna tayo bago umalis", saad ni Shana kaya pumunta kami ng cafeteria.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa gate para hintayin si headmaster dahil siya ang magbubukas ng gate. Hindi pa siya dumating kaya umupo na lang muna kami sa bench at katabi ko si Kaden.

"I'm sorry about last night", saad nito.

"Its fine pero sana magsabi naman kayo kung saan kayo pupunta lalo na at gabi na tsaka huwag mo naman akong sigawan kapag nagtatanong ako", saad ko.

"Hm I promise", saad nito at tinanguan ko na lang siya.

Hinihintay namin si headmaster at habang nag-aantay ay mukhang may ginagawa si Kaden sa buhok ko. Ilang sandali lang ay dumating na si headmaster at timing rin na tapos na si Kaden sa kung anong ginagawa niya sa buhok ko.

"Pasensya na at pinahintay ko kayo", saad ni headmaster.

"Ayos lang naman po iyon", saad ni Keira.

Binuksan na nito ang gate at nakita ko na may tatlong kalesa na magkasunod-sunod na naghihintay sa labas at may anim na kabayo na may pakpak na nakatali sa unahan nito. Kulay puti ito at ang pakpak nito ay may halong iba't ibang kulay at may nakatali rin na diyamante sa noo nito.

"This is the royal carriage and we call this creature as pegasus", saad ni Kaden.

"Aww they look so beautiful", saad ko at nilapitan ang mga ito.

Hinimas-himas ko isa-isa ang mga ulo nila at mukhang nagustuhan nila ito. Akma ko sanang sumakay sa likod nila ng biglang may humila sa akin.

"Wait", saad ko.

"Uhm Francine sa kalesa tayo sasakay hindi sa likod nila", saad ni Shana.

"But I want to ride on their back", saad ko.

"Don't you fear heights?", tanong ni Keira.

"No", saad ko at akma na sanang pumunta pabalik sa kabayo o pegasus na tinatawag nila ng hinila ako ni Kaden papasok sa loob ng kalesa.

"Ano ba? Gusto ko nga sumakay doon", saad ko.

"Hindi nga pwede dahil naka-dress ka", saad nito.

"Oh sorry", sabi ko na lang.

Pumasok na rin sina Axele at Keira at mukhang natatawa pa si Keira na nakatingin sa akin.

"Don't worry Francine dahil kapag may time tayo sasamahan kitang tumakas para makasakay sa pegasus", saad nito kaya tiningnan siya ng masama ni Kaden.

"Okay", sang-ayon ko sa kanya at mukhang natatawa si Axele sa aming tatlo.

"Tigil niyo na yan dahil galit na si Ash", saad nito.

Nginitian lang namin siya at ilang sandali ay biglang gumalaw ang kalesa at umangat ito kaya napahawak ako ng mahigpit kay Kaden.

"Ayos lang yan Francine", saad ni Keira.

Nakita ko pataas ng pataas yung kalesa kaya napangiti ako dahil napakaganda ng tanawin. Kahit napakalayo ay may naaninag akong mga palasyo. May itinurong palasyo si Kaden na kulay pulang kastilyo at napakaganda nito.

"That's our kingdom", saad nito.

"You mean the fire kingdom?", tanong ko.

"Yes and that one is the legendary kingdom", saad nito sabay turo sa isang kastilyo na kulay puti.

"Wow it looks so beautiful", saad ko kaya napatawa si Axele at Keira.

"Hey its my first time seeing a real castle", saad ko.

"We know but you look cute with that expression", saad ni Keira.

"Heh tumigil ka nga", saad ko.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa legendary kingdom at masasabi ko na maganda nga talago ito at napakaraming diyamante ang nakapalibot dito. Halos lahat ng palamuti ay kulay pilak at ginto at garden din sa kaliwa na puno ng puti at pulang rosas at sa kanan naman ay puno ang puti at gintong lily.

"Wow lilies", saad ni Keira at tumakbo papalapit dito at sumunod na rin sa kanya si Axele.

"Hey Francine look it so beautiful", saad ni Keira kaya pumunta ako sa kanila.

"You're right but roses are more beautiful", saas ko.

"Hoy halina kayo rito", saad ni Thunder na naghihintay pala sa amin sa harap ng napakalaking pintuan ng gate.

"Wala ba kayong planong pumasok sa loob", saad naman ni Josh.

"Pasensya na po", saad ko at lumapit sa kanila.

Binuksan ni Axele yung pinto at tumambad sa amin ang isang fountain na kulay bahaghari ang tubig na dumadaloy dito. Tulad ng sa labas ay may garden rin na puno ng roses at lilies. May isang malaking pintuan na gawa sa ginto sa harap ng fountain at mukhang ito ang pintuan papasok ng palasyo.

Bigla itong bumukas at may lumabas na mag-asawa. Ang babae ay nakasuot ng puting gown na may gintong palamuti at may nakakabit na mahabang kapa dito at kapareho nito ang suot ng lalaki. She wears a crown covered with diamonds same with the guy.

"Mom, Dad", saad ni Axele.

Moonlight Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now