Chapter 51

586 20 0
                                    

Maaga akong nagising kaya agad akong naligo at nagbihis dahil plano kong maglibot ngayon mag-isa. I wore a simple white dress with square neck, puff sleeves and black button na lagpas sa tuhod ang haba at simpleng itim na heels na tinatali sa binti. Wala kase akong makitang ibang sapatos maliban sa heels kaya wala akong choice kundi yun ang suotin.

Bumaba na ako at naglibot sa buong sakop ng palasyo. Napakaraming silid at pasikot-sikot at ang huli kong napuntahan ay ang library. It is a white room kung saan lahat ng shelves ay puno ng libro at naka-oraganize ito ng mabuti. I decided ma manatili muna dito dahil gusto kong magbasa kaya naghanap ako ng magandang libro at umupo sa likurang banda ng shelf kung saan ko nakuha ang libro.

Halos isang oras na akong nandito sa library kaya naisipan kung lumabas at dinala ko ang librong binabasa ko. Nakabalik ako sa sala at nakita ko na nandoon lahat ng kaibigan ko pati na rin ang mga magulang ko.

"Where is she?", tanong ni Kaden.

"Hindi rin namin alam", saad naman ni Mark.

"Anong problema?", tanong ko.

"Anak, saan ka nanggaling?", tanong ni mom.

"Ahm naglibot lang naman ako sa buong palasyo tsaka naisipan kong magbasa muna ng libro sa library", sagot ko.

"Sa susunod magpaalam ka dahil masyadong nag-alala sa iyo ang mga kaibigan mo lalo na si Ash", saad nito.

"Pasensya na po", saad ko.

Tumango lang sila at umalis na rin ang mga magulang ko. Lumapit sa akin si Kaden at niyakap ako ng mahigpit.

"Pasensya na", saad ko.

"Hm its okay", saad nito.

"Just tell me next time", dagdag pa niya.

Tinanguan ko lang siya at kumalas na siya sa yakap kaya umupo na ako sa tabi ni Keira. Nagkuwentuhan lang kami hanggang sa pinapunta na kami sa dining room para magbreakfast.

Matapos naming kumain ay naisip namin na mamasyal kaya bumalik ako sa kwarto ko para magbihis dahil sabi nila gubat daw ang pupuntahan namin. I wore a dress na white off shoulder ang pang-itaas at black naman ang pang-ibaba. I partnered it with white boots. Gusto ko sanang magsuot ng jeans pero wala kahit isang jeans dito sa closet ko. Bumaba na ako at nakita ko sila na naghihintay sa sala.

"Ang tagal mong magbihis", saad ni Keira.

"I'm looking for jeans pero wala kaya natagalan ako", saad ko.

"Tsk, you're a princess means you have to wear dress every time", saad nito.

"Eh nong alam ko doon", saad ko.

"Masanay ka na Francine", saad ni Icy.

"Oo nga, tsaka kami nga eh sa academy lang makakasuot ng jeans", saad naman ni Shana.

"So, saan tayo pupunta?", tanong ko.

"We are going to the golden forest", saad ni Axele.

"Golden forest?", paninigurado ko.

"Yup, the forest is gold and the leaves of the trees there are golden or bright yellow", saad nito.

"Ahh okay", saad ko na lang.

"Lets go", saad nito kaya lumabas na kami ng palasyo.

"Malapit lang ba iyon?", tanong ni Keira.

"Medyo", sagot ni Axele.

Mga tatlumpong minuto kaming naglakad at nakarating kami sa isang gubat na kulay ginto. It looks magical dahil kahit ang mga damo ay kulay ginto.

"Ang ganda", saad ni Keira.

"Oo nga", sang-ayon ko.

"Sa totoo lang hindi pa kami nakapunta dito", saad ni Ivy.

"Mom told me last night na magkalapit lang ang kaharian ng energy kingdom at legendary kingdom", saad ni Axele.

"Pero bakit nasira yung kaharian namin?", tanong ni Keira.

"Kasi nung panahon daw na iyon ay lahat ng kaharian ang sinugod ng dark kingdom kaya hindi kaagad nakatulong ang kaharian namin sa kaharian ninyo", saad nito.

"Tsaka kaunti lang ang magic users noon kesa sa ngayon", dagdag pa niya.

"So, maybe this forest belongs to the energy kingdom", saad ni Mark.

"You're right, kaya nga sabi ni mom dalhin ko kayo rito", saad ni Axele.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa narating namin gitna ng gubat. May nakita kaming sirang palasyo kaya pinuntahan namin ito.

"Is this the energy kingdom?", tanong ni Agua.

"Maybe", saad lamang ni Axele.

"Lets go inside", saad ni Ivy.

Sumang-ayon kaming lahat kaya pumasok kami sa palasyo. Maraming malalaking bato na nakaharang sa daan kaya medyo nahihirapan kami lalo na at naka-dress pa kaming mga babae.

"God, ang ang hirap naman oh", reklamo ni Agua.

"Sino ba nagsabi sa'yo na magsuot ng maikli", saad naman ni Josh.

"Paki-alam mo", saad nito.

"Huwag kang magreklamo", saad ni Josh.

Nagpatuloy sila sa pagbabangayan at hinayaan lang namin sila. Nakalampas kami sa mga malalaking bato na iyon at tumambad sa amin ang isang napakalaking hall. There's a two thrones na kulay ginto at may isang glass box na umiilaw sa gitna nito. Nilapitan namin ito at ang laman nito ay isang headpiece na mukhang araw.

"I think this is the crown of this kingdom", saad ni Shana.

"Eh bakit hindi yan nasira?", tanong ni Keira.

"Uhm maybe it has a protection", saad ni Zacc.

Sinubukang hawakan ito ni Axele pero hindi niya ito mahawakan dahil merong pumipigil sa kanya.

"How about you try it Keira?", saad nito.

"Bakit?", tanong nito.

"Because you're the princess", saad ko.

"But this kingdom is already ruined", saad nito.

"We will fix it", saad ko.

"Uhm fine", saad nito at hinawakan yung box.

Umilaw ito at at unti-unting natutunaw yung glass box. Umangat yung crown hanggang sa pumunta ito kay Keira. Pumwesto ito sa ulo niya at biglang lumiwanag kaya napatakip ako ng aking mga mata. Naramdaman ko na biglang lumakas ang enerhiya sa paligid at bigalng may yumakap sa akin.

Minulat ko ang mga mata ko only to see that my surroundings had change. Wala na ang mga malalaking bato na nakaharang sa daraanan at gumanda na ito. Its a castle na puno ng ginto at mga palamuti. May mga lilies rin na nakalagay sa tabi at may malaking chandelier sa gitna. There is a painting ng hari at reyna sa wall at may isang glass box na ang laman ay isang golden sword na may serpent sa hawakan nito.

"Wow, its so beautiful", saad ko.

Nakita ko na si Kaden pala ang nakayakap sa akin.

"Ehem, tama na ang yakapan", rinig kong sabi ni Josh.

Dahil dun ay mabilis akong kumalas sa yakap ni Kaden at nakita kong tiningnan niya ng masama si Josh.

"God, Keira you look so beautiful", saad ko.

She wears a golden gown na may mahabang kapa at umiilaw ang korona niya.

Moonlight Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now