Chapter 32

677 19 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at mabuti na lang at walang masyadong pinagawa ang mga guro o di kaya si headmaster sa amin. Ngayon ay araw na ng ball kaya ang lahat ng estudyante ay abala sa paghahanda ng kanilang sarili para sa event at ganun na rin ang mga kaibigan ko pero ako ay nandito lamang sa kwarto ko at nagbabasa. Napagpasyahan ko na lumabas ng kwarto at nakita ko silang lahat sa sala nag-uusap kaya lumapit ako sa kanila.

"Oh hey Francine sino yung partner mo sa ball?", tanong ni Shana.

"Wala", sagot ko.

Tumabi ako sa tabi ni Kaden since yung lang yung bakante. Medyo inaantok pa ako dahil matagal na rin akong nagbabasa at hindi nakatulog.

"Eh kailangan may partner ka sa ball", saad ni Agua.

"Ayoko", saad ko.

"Bakit?", tanong ni Icy.

"Inaantok ako", sabi ko at naramdaman ko na unti-unting pumipikit ang mga mata ko.

Keira's Pov

Nakita namin na nakatulog si Francine at higit sa lahat ay nakapatong yung ulo niya sa balikat ni Ash. Tinitingnan lang namin siya at si Ash naman ay mukhang walang pakialam. Biglang gumalaw si Francine at niyakap si Ash kaya medyo kinilig ako pati na rin ang iba. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko at mukhang nagpipigil sila ng tili at si Axele naman ay may ginagawa sa kanyang sketchbook kaya tiningnan ko ito. Nakita ko na ginuguhit niya sina Ash at Francine. Iba rin ang lalaking to eh iguhit ba naman yung dalawa. Nakita ko na niyakap ni Ash si Francine at mukhang tulog na rin ito.

"They are really comfortable with each other huh", saad ni Thunder.

"Yeah right", sang-ayon naman ni Shana.

"They look like a lovers", saad naman ni Ivy.

"We should leave them alone", saad ko.

"You're right lets go", saad ni Icy kaya lumabas na muna kami ng dorm.

Namamasyal lang kami at halos lahat ng babaeng nakakasalubong namin ay tinatanong ang mga prinsipe kung pwede silang maging partner ng mga ito pero tanggi naman ng tanggi ang mga kasamahan namin. May mga lalaki ring nagtatanong sa mga kaibigan ko pero sabi nila may partner na daw sila.

"Wait sino yung partner niyo?", tanong ko.

"Well as always kami lang rin naman ang magpapartner", saad ni Shana.

"Ahh okay so sina Agua at Josh ay magpartner?", tanong ko.

"Yeah since palagi naman silang magkasama kahit laging nagbabangayan", saad ni Ivy.

"Oh okay so sino yung partner ni Axele?", tanong ko.

"Ikaw alangan naman si Francine eh kay Ash yun", saad ni Agua.

"Tsaka halata naman na sila yung magpapartner mamaya since mas close si Francine kay Ash kesa kay Axele", saad ni Icy.

"At para na rin magkaroon ng partner ngayon si Axele ay ikaw na lang", saad ni Mark at ngumiti ng nakakaloko.

"Gusto mo manghina?", tanong ko tinaasan siya ng kilay.

"Kaya mo?", tanong naman nito.

"Oo tsaka sabi ni Erenne tatawagin ko lang siya kapag kinakailangan ko ng lakas", saad ko.

"Oh may laban rin pala itong babae mo Axele eh", saad ni Josh at tumawa pati na rin si Mark.

"Wanna die?", tanong ni Axele na seryoso yung mukha.

"Bakit papatayin mo kami?", tanong ni Josh na ngumingiti pa.

Biglang silang tinapunan ni Axele ng light ball at naka-iwas rin sila kaagad at tumakbo at iniwan kami na tumatawa.

"Gago talago yun", saad ni Agua.

"Alam naman nila na bawal pagalitin sina Axele at Ash eh", saad naman ni Ivy.

Bumalik na lang kami sa dorm dahil wala naman kaming magagawa at maghahanda pa kami para sa ball. Nadatnan namin sina Josh at Mark na kumakain sa sala at si Francine na nakaupo sa sahig habang si Ash naman nakaupo sa sofa sa likod ni Francine at nagbabasa ng libro hanbang ang isabg kamay nito ay nakahawak sa buhol ni Francine.

"Anong kinakain niyo?", tanong ni Agua.

"Cookies and brownies specially made by my beautiful princess Francine", sabay nilang sabi ni Mark at Josh.

Nakita namin na tiningnan sila ng masama ni Ash pero nginitian lang nila ito.

"Marami rin naman ang ginawa ko kaya meron pa para sa inyo", saad ni Francine kaya nabaling ang tingin naming lahat sa kanya pati na rin si Ash.

"Uhm malapit na pala mag-five ng hapon kaya magbibihis na lang kami at huwag na huwag niyong kainin yung cookies at brownies dahil kung kinain niyo yun ipapatutsa ko kayo kay Ash", saad ni Agua at pumunta sa kwarto niya.

Pumunta na rin yung iba sa kwarto nila kaya nilapitan ko si Francine.

"Hindi ka magbibihis?", tanong ko rito.

"Magbibihis", saad nito kaya sabay kaming pumunta sa sarili naming kwarto.

Nagbihis na rin ako at naglagay lang ng kunting make-up dahil hindi ako sanay na nagmemake-up at lumabas na ng kwarto ko. Tapos na rin sa pag-aayos ang mga lalaki at sina Ivy at Icy ay tapos na rin. Ilang sandali ay bumaba na rin sina Shana at Agua kaya si Francine na lang yung hinihintay namin. Magaganda yung mga damit ng mga kaibigan ko at bagay na bagay sa kanila kaya naeexcite akong makita si Francine.

Thunder is wearing a black suit with white patterned designs and a black bow, blacks slacks and black shoes. Mark is wearing green suit with gold patterned designs same with his slacks and a bow and black shoes. Josh is wearing blue suit with with with silver and blue glitter designs, black slacks, a bow and black shoes. Zacc is wearing a black suit with black glitter designs and a bow, black slacks, and black shoes. Axele is wearing a light golden suit with gold patterned design same with his slacks and a bow and black shoes. Ash is wearing a red suit with red patterned design same with his slacks and a bow and black shoes.

Icy is wearing a sky blue tube gown with snowflakes design. Ivy is wearing a simple green gown with ribbons. Agua is wearing a dark blue off shoulder gown. Shana is wearing a black off shoulder gown with silver designs. I am wearing a gold off shoulder gown. And Francine is wearing a red off shoulder gown with glitter designs.

"Ayos ba?", tanong niya.

"Yup ang ganda mo", saad ko.

"Wait sino naglagay ng make-up mo?", tanong ni Agua.

"Wala akong make-up", saad nito.

"Natural beauty", saad ni Ivy.

"So sino yung partner mo?", tanong ko.

"Si Kaden", saad nito at ngumiti.

"Ikaw sino?", tanong naman nito.

"Eh sino pa ba", saad ko.

"Tara na guys kailangan na nating pumunta sa hall", saad ni Zacc.

"Yes I'm so excited", tili ni Agua.

"Ako rin tara na", saad ni Shana at nagmadaling lumabas ng dorm kaya sumunod na rin kami.

Sanay naman akong magsuot ng gown pero ang mga kasamahan ko ang kung maglakad parang nakajeans eh. Nakita ko na mabagal maglakad si Francine at mukhang hindi siya sanay kaya lalapitan ko sana siya pero naunahan ako Ash.

"Pabayaan mo na lang silang dalawa", saad ni Axele kaya sumunod na lang ako sa iba at nasa tabi ko naman siya naglalakad.

Moonlight Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now