Chapter 43

653 18 0
                                    

Nagising ako ng naramdaman kong may tumama sa mukha ko. May narinig akong tawa kaya napabangon ako at nakita ko si Keira na tumatawa sa tabi ng kama ko at may hawak na unan.

"What are you doing?", tanong ko rito.

"Waking you up", saad nito.

"Ang aga pa kaya", saad ko at bumangon.

"Anong maaga pa? Hoy baka nakalimutan mo na ngayong araw na yung duel at alas syete na kaya", saad nito.

"Huh?", tanong ko rito.

"Huh kanina pa kita ginigising dahil ikaw na lang yung hindi pa nakahanda at nauna na yung iba", saad nito.

"Duel?", tanong ko.

"Ahh oo nga may duel nga pala ngayon shit nakalimutan ko", sabi ko at agad na pumunta ng banyo para maligo.

Pagakatapos kong maligo ay naghanda na ako at agad na bumaba sa sala. Nakasuot ako ng black crop tank top, black jacket, black joggers and black shoes. Keira wears golden t-shirt, white jeans and white shoes.

"Pasensya na at nakalimutan kong may duel ngayon", sabi ko ng makita ko siya sa sala.

"Tss! Kumain ka na", saad nito at pumunta sa kusina kaya sumunod na rin ako.

Nakita ko na may nakalagay na sandeich sa mesa kaya agad ko itong nilapitan. Kinuha ko ito at may nakita akong note na nakaipit sa plato kaya binasa ko ito.

"Goodluck for the duel" - K

Kinain ko na lang yung sandwich at nakita ko na nakatingin sa akin si Keira.

"Gusto mo?", tanong ko rito.

"No", saad nito.

"Kung gusto hatian kita tutal medyo malaki naman itong sandwich eh", sabi ko pero umiling lang siya.

"Ang sweet niya no? Ginawan ka talaga niya ng sandwich", saad nito.

"Eh ako palagi ko naman kayong ginagawan ng sandwich ah eh bakit hindi mo ako kailanman sinabihan na sweet", saad ko.

"Tsk iba yon sa iyo", saad nito.

"Tara na nga at baka nagsisimula na yung duel", saad nito kaya lumabas na kami ng dorm.

Pumunta na kami ng battle arena at pagkarating namin ay nakita namin ang mga kaibigan namin na nakaupo sa gitnang bahagi kaya agad kaming pumunta sa direksyon nila. Umupo ako sa tabi ni Kaden habang hawak ko pa rin yung sandwich dahil hindi ko pa ito naubos dahil maraming tinatanong sa akin si Keira papunta rito kaya hindi ako makakain. Nakaupo naman siya sa tabi ko at katabi niya si Axele.

"Hey Francine masarap ba?", tanong sa akin ni Agua.

"Oo gusto mo?", tanong ko rito.

"Ah huwag na busog pa naman ako eh", saad nito.

"Talaga ngayon ko lang nakitang tumanggi ka sa pagkain ah", saad ni Josh kaya tiningnan siya ng masama ni Agua.

"Pwede bang tumahimik ka na lang", saad nito.

"Magbabangayan na naman kayo", saad ni Thunder.

"Salamat pala sa sandwich", sabi ko kay Kaden kaya napatingin silang lahat sa akin kaya nagtaka ako.

"Uhm may problema ba?", tanong ko sa kanila.

"Ah wala naman", saad ni Ivy.

Tumango lang naman si Kaden sa sinabi ko at ngumiti kaya nagtilian ang mga babae sa unahan namin nakatingin pala sa amin.

"Oh my god", sambit ng isa.

"Gosh ngumiti si prince Ash", tili naman ng isa.

"Huh? What? When?", tanong ni Icy.

"Kanina nung hindi kayo nakatingin at tumango siya kay Francine at ngumiti", saad ni Thunder.

"Aiyoo! Bakit hindi ko nakita yun", saad ni Shana.

"Hindi ka kasi nakatingin eh", saad ni Zacc.

"Wow ha! Marami na talagang nagbago sa iyo Ash", saad ni Josh.

"Oo nga eh! Medyo mahaba-haba na yung sinasabi niya, nahahanda na rin siya ng sandwich na kahit kailang hindi niya ginawa sa atin at ngayon ngumingiti na siya", saad naman ni Mark.

"Ang totoo nanliligaw ka ba Ash?", tanong naman ni Axele.

"Akala ko ba may gusto ka rin kay Francine?", tanong naman ni Keira kay Axele kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Huh? Paano mo naman nasabi yan Keira?", tanong ni Ivy.

"Eh noong kakagising ni Francine diba sabi mo na-miss mo siya at mukhang galit pa nga kayo ni Ash sa isa't isa eh", saad nito.

"Heh! I miss her like a sister", saad ni Axele.

"Aw sorry akala ko kasi ano hehe", saad nito.

"So Ash ano na?", tanong ni Axele kay Kaden.

"Tsk", saad lamang nito kaya napatawa ang mga kasamahan namin.

Tinutukso pa nila ito ng kung ano-ano ng pumunta sa gitna ng arena si headmaster kaya agad rin na pumunta sa section ng mga healers si Ivy.

"Wait kung hindi makikipaglaban si Ivy so kulang kayo", saad ko.

"In that case, isa sa pinakamagaling na magic manipulator galing sa elite section ang makakalaban namin", saad ni Zacc.

"Ahh okay", sabi ko na lang.

Nagsimula na ang labanan at nakikita ko na medyo mahirap yung duel kesa sa leveling exam. Tinawag na si Keira at ang kalaban niya ay isang nature manipulator. Mukhang madali lang ito para kay Keira dahil ginagamit niya ang energy para palantain ang mga halaman na ginagamit ng kalaban niya. Ilang minuto lang ang lumipas at natalo ni Keira yung kalaban niya. Sunod-sunod na ring tinawag ang mga pangalan ng mga kaibigan ko. Si Josh at Mark yung magkalaban at si Mark yung nanalo. Sina Zacc naman at Thunder ang magkalaban at si Thunder yung nanalo. Sina Axele at Kaden yung magkalaban at si Kaden yung nanalo. Habang sina Icy at Agua yung magkalaban at si Icy yung nanalo. At sina Shana ay isang nullifyer ang nakalaban at siya rin ang nanalo.

Francine Kate Forreistein and Ayesha Illusia

Tinawag na ang pangalan ko at kaya agad akong pumunta sa gitna. Mukhang bully yung kalaban ko dahil tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang nang-aasar.

"Ready to lose?", tanong nito.

"What do you think?", tanong ko pabalik.

Akala niya siguro matatakot ako sa kanya eh mukha niya parang pinaglaruang canvas.

Nagsmirk lang ito sa akin at umatakake. Nagpalabas siya ng isang latigo na kulay violet at iniwasiwas sa direksyon ko. Pinalabas ko na rin yung dagger ko at sinangga ang mga atake niya. Nagpalabas siya ng kung anong usok mula sa kamay niya at itinapon sa akin at agad ko itong sinangga gamit ang yelo ko. Mukhang nahihirapan na siya pero biglang siyang may ipinalabas sa kamay niya. It looks like she is showing me something kaya nagfocus ako sa kanya. She is showing me my life back in mortal world. Lahat ng mga pambubully sa akin noon at mga pananakit ng mga kaklase ko ay ipinakita niya sa akin hanggang sa pinakahuling nangyari sa akin kung saan unang lumabas ang mahika ko.

"You're a bitch"

"You're a freak"

"You're such a loser"

"You're a demon"

"You're a monster"

"You're a whore like your mother"

"Shut up"

Moonlight Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now