Chapter 62

367 16 0
                                    

Ivy's Pov

Agad kong ginamot ang mga sugatan pero hindi lahat dahil ang iba ay halos mamamatay na. Hindi ako ganun kalakas manggamot kaya hindi lahat matutulungan ko.

"Pasensya na po kayo dahil ito lang ang makakaya ko", saad ko sa kanila.

"Ayos lang po iyon, mahal na prinsesa", saad ng isang babae.

"Malaking tulong na ito sa amin", saad naman ng isa.

Nginitian ko lang sila dahil wala akong magagawa. Kung nandito lang sana sina Francine at Keira siguro mas marami akong matutulungan.

"Pasensya na po talaga", saad ko.

"Wait, may ibinigay pala sa akin ang isang guro sa potion noon", saad ni Agua.

"Ano?", tanong ni Josh.

"Ito, healing potion daw yan sabi niya", saad nito at may iniabot na bote.

"Sino gumawa?", tanong ni Shana.

"Sabi niya sina Francine at Keira daw dahil sila lang naman ang nakapasa ng healing potion sa kanya at ibinigay niya sa akin ang gawa ni Francine kasi yung ginawa ni Keira ay kinuha ni Axele", saad nito.

"Baka makatulong yan", dagdag pa niya.

Isa-isa naming pina-inom sa kanila ang healing potion kahit one drop lang dahil konti lang naman ito.

"Kamusta ang pakiramdam niyo", tanong ko.

"Maayos na po", saad ng isa.

"Mama?", saad ng isa at umiyak.

Lumapit kami rito at nakita namin na yakap-yakap niya ang kanyang ina.

"Anong nangyari?", tanong ni Icy.

"Yung mama ko", saad nito.

"Bakit?", tanong ko.

"She's alive", saad nito.

"Huh?", tanong naman ni Agua.

"Hindi na tumitibok ang puso niya kanina", saad nito.

"Salamat sa gamot na binigay niyo", saad pa nito.

"Sandali lang, it is a healing potion hindi para mabuhay ang patay", saad ni Agua.

"Mga ilang minuto nang hindi tumitibok ang puso niya pero humingi ako sa inyo na painumin siya kahit konti lang kahit na sa tingin ko ay imposibleng mabuhay pa siya", saad nito.

"Akala ko nawalan lang siya ng malay", saad ni Shana.

"So this is not just a healing potion pero kaya rin niyang bumuhay ng patay", saad ni Zacc.

"She can't cast a spell but she can make such powerful potion", saad naman ni Thunder.

"She's really powerful", saad ko.

"Magpahinga na muna kayo at may inihanda kaming higaan para sa inyo", saad ng isang lalaki.

"Sandali, sino ang pinuno niyo", tanong ni Josh.

"Ang pinuno namin ay ang aking ama pero wala na siya dahil pinaslang siya ng mga dark soldiers", saad nito.

"Kaya ako na muna ang namumuno sa kanila", saad pa nito.

"Ganun ba, bukas ay lalabas tayo rito", saad ni Mark.

"Sige magpahinga na rin kayo", saad ko.

Nagpahinga na kami at katabi ko yung batang lalaki na niligtas namin kanina. Ayaw niya kasing umalis sa tabi ko kaya walang magawa ang iba kundi hayaan ito.

Moonlight Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now