Chapter 56

464 16 0
                                    

Matapos makipag-usap ng mga magulang namin kay headmaster ay umuwi na rin kami pero nauna ang mga magulang namin dahil pupuntahan pa namin ang iba't ibang kaharian at una naming pinuntahan ay ang kaharian nila ni Zacc, ang kingdom of metals at doon na daw kami magpapalipas ng gabi. Ilang minuto na rin kami sa himpapawid ng may naaninag kaming kaharian na may lumilipad na lanterns at kulay ginto ito.

Dito kami nagpalipas ng gabi at kinabukasan ay namasyal lang kami hanggang sa umalis na kami at sunod naming pinuntahan ay ang lightning kingdom. Maganda rin ito at may liwanag sa pinakataas nito na abot hanggang langit. Namasyal lang rin kami dito at bago gumabi ay pumunta sa Ice kingdom. Kulay puti ito na napapalibutan ng puting fog at snow na rin ang dinadaanan namin. Hindi ko na rin pala kailangang mamroblema sa damit dahil binigyan rin kami ng damit ng bawat kaharian na pupuntahan namin. Kinabukasan ay naglaro kami sa snow dahil minsan lang daw kami makararanas nito maliban na lang kung mananatili kami rito ng matagal.

Pagkatapos nun ay sunod naming pinuntahan ang earth kingdom. Ang kaharian ay nakatayo malapit sa river at lahat ng puno na pumapalibot dito ay kulay green. Namasyal lang kami sa gubat at sunod naman naming pinuntahan ay ang shadow kingdom. Nakatayo ito sa tuktok ng bundok at maraming uwak na lumilipad dito. Hindi rin naman nakakatakot dahil mababait naman ang mga tao rito pero marami lang talagang bangin ang pumapalibot dito. Dito na rin kami nagpalipas ng gabi at napagdesisyunan namin na sa iisang silid kami matulog lahat. Kinabukasan ay late kaming nagising dahil late na rin kaming natulog kaya pagkatapos naming kumain ay umalis na rin kami kaagad at nagtungo sa water kingdom.

Ito ay napapalibutan ng tubig na kahit sa loob ng kaharian ay may dumadaloy na tubig. Namasyal lang naman kami ng ilang sandali at naglaro sa tubig. Nung tanghali na ay umalis na kami at pumunta sa air kingdom. Mukhang lumulutang ang kaharian na ito at napapalibutan ng ulap. Namasyal muna kami bago matulog dahil dito kami magpapalipas ng gabi. Kinabukasan ay agad kaming umalis at pumunta sa healing kingdom. Napapalibutan ito ng magagandang bulaklak at nasa tabi mismo ng river nakatayo ang kaharian. Namasyal lang rin kami ng ilang sandali bago umalis papuntang fire kingdom.

Napakaganda rito at bago gumabi ay namasyal kami sa dinatawag nilang red forest. Kulay pula ang dahon ng mga puno at may falls rin dito. Bumalik na kami ng palasyo dahil dumidilim na ang paligid. Bukas uuwi na kami sa bahay at sasama sila dahil sabay kaming magsasanay. Dumiretso kami sa kusina dahil yun ang sabi ng kasambahay.

"Good evening, everyone", bati sa amin ni tita Ashley pagpasok namin sa kusina.

"Magandang gabi rin po", bati ko pabalik at nginitian lang nila ako.

Nagsimula na kaming kumain at hindi maiiwasan na magbangayan sina Josh at Agua. Halata namin na kahit anong inis ni Josh sa kanya dahil sa palakain ito, siya rin naman ang nag-aabot ng pagkain sa kanya.

"Alam niyo, kung tumigil na kaya kayo sa pagpapanggap sa isa't isa siguro nasa magandang relasyon na kayo ngayon", saad ni tito Kendrick.

"Tingnan mo sina Ash at Francine, dahil hindi nila tinatago sa isa't isa ang nararamdaman nila naging maganda ang relasyon nila", saad naman ni Zacc.

"At ano naman ang tinatago namin?", tanong ni Josh.

"Ewan ko sa'yo", saad nito at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay nagsipuntahan na kami sa kwarto na ibinigay sa amin. Nagpahinga na ako dahil mukhang maaga pa kami uuwi bukas.

Nagising ako ng may narinig akong katok kaya bumangon ako para tingnan kung sino iyon. Isa itong katulong at mukhang may sasabihin.

"Mahal na prinsesa, ipinapasabi po ng reyna na mamayang alas otso kaayo aalis at bago po iyon ay magkakasama kayong kakain", saad nito at yumuko bago umalis.

Isinara ko ang pinto at napagalaman ko na maaga na pala kaya pumunta na ako ng banyo para maligo. Pagkatapos nun ay namili ako ng damit na susuotin ko at nakita ko na puro pula ang kulay ng dress na narito. Pinili ko nalang yung dress na hanggamg tuhod na manipis yung strap at heels na kulay silver. Ginawa ko na ring simpleng bun yung buhok at nilagyan ng pin na ang design ay buntot sirena at may pearl na puti.

Bumaba na ako at nakita ko si Keira na nakaupo sa sofa kaya nilapitan ko siya.

"Keira, maaga ka pala nagising", saad ko.

"May iniisip lang kasi", saad nito.

"Tara sa kusina", yaya ko.

"Anong gagawin natin dun?", tanong nito.

"Magluluto", saad ko at hinila siya.

Simple rin ang dress na suot niya na hanggang binti ang haba at kulay light yellow ito. Nakasuot rin siya ng brown na heels at ang buhok niya ay tinalian niya ng puting ribbon.

Ng makarating kami sa kusina ay abala ang mga katulong sa paghahanda kaya lumapit ako sa kanila. Tumulong ako sa paggawa ng sandwich at pagmi-mix ng flour para sa cookies habang tinuturuan si Keira. I want her to learn how to cook or to bake para naman maipagluto rin niya ang kapatid ko. Madali lang naman siyang turuan pero mukhang nahihirapan siya. Matapos nun ay nakita ko na may bahid ng harina ang mukha at damit niya kaya napatawa ako.

"Look at your face", saad ko habang natatawa.

Kumuha naman siya ng kutsara para makita ang mukha niya at tumingin masama sa akin.

"Sinasabihan na kita eh", saad nito at akmang hahampasin ako kaya napa-iwas ako.

"Yung kamay mo maraming harina", saad ko.

"Wala akong pakialam", saad nito at akmang hahampasin ako ulit kaya napatakbo ako.

Hinabol naman niya ako kaya lumabas ako ng kusina. Nakita ko na nginitian lang kami ng mga katulong dahil sa ginawa namin.

"Bumalik ka rito", sigaw nito.

Tumingin ako sa kanya habang tumatakbo kaya napabangga ako sa pader- I mean sa tao pala.

"What's wrong?", tanong nito.

"Ahm wala naman Kaden", saad ko.

Tumigil na rin si Keira sa paghabol sa akin. Narinig ko na may tumatawa ng mahina at nakita ko na nagpipigil sa pagtawa yung iba.

"What happened to your face?", tanong ni Axele rito.

"Si Francine kasi eh, pinilit akong magbake yan tuloy nadumihan damit at mukha ko", saad nito at hindi na napigilan ng mga kaibigan namin ang tawa nila.

"Ang hirap kaya", saad pa nito.

Pinunasan na niya yung mukha niya at bumalik na rin kami sa kusina at doon na lang hihintayin sina tita Ashley at tito Kendrick.

Moonlight Academy: School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon