Chapter 31

705 20 2
                                    

Busy ngayon sa paghahanda ang lahat ng mga estudyante sa ball na gaganapin ngayong linggo. Kahapon pa kami nakarating at sinabi kay headmaster na nandito na ang prinsesa sa magic world pero hindi namin alam kung nasaan siya ngayon. Magkasama kami ngayon ni Keira dito sa dorm since may pinuntahan ang iba naming kaibigan.

"Hey Francine anong susuotin mo sa ball?", tanong nito.

"Hindi ko alam", saad ko.

"Pwede bang hindi pumunta?", tanong ko.

"Hindi no tsaka every year may ball talaga at lahat ng students ay kailangang pumunta", saad nito.

"Eh hindi ako mahilig sa mga ganyan", saad ko.

"Huwag kang mag-alala dahil masaya lagi ang ball dito sa academy", saad nito.

"Ayoko kong pumunta", saad ko.

"Hindi nga pwede", saad nito.

Wala na akong magawa dahil pinipilit niya akong pumunta pero wala akong damit. Tahimik akong nakaupo sa sahig dito sa sala dahil hindi ako masyadong umuupo sa sofa. May ginagawa siyang kung ano-ano gamit ang yarn at ako naman ay nagbabasa lang ng libro. Biglang bumukas yung pinto kaya napatingin kami rito. Pumasok ang mga kaibigan namin at tinitingnan lamang kami.

"Anong ginagawa niyo?", tanong ni Icy.

"Tumatambay", saad ko.

"Bakit?", tanong ni Keira.

"May damit na kayo?", tanong ni Ivy.

"Wala pa", saad ni Keira.

"Eh anong hinihintay niyo?", tanong ni Agua.

"Wala", saad ko.

"Tara na at maghanap ng susuotin", saad ni Shana at hinila kami ni Keira patayo.

Lumabas kami ng dorm at pumunta sa isang boutique shop dito sa loob ng academy since hindi kami pwedeng lumabas maliban na lang kapag may misyon. Naglibot-libot lang kami sa loob ng shop at masasabi ko na magaganda ang mga gowns na binibenta nila dahil medyo marami ang mga estudyante ang bumibili. Nagbebenta rin sila ng mga suit kaya pati ang mga lalaki kong mga kaibigan ay pumili na rin ng susuotin.

"Hey Francine bagay ba ito sa akin?", tanong sa akin ni Keira at may ipinakitang gown.

"Oo naman", saad ko at mukhang simple lang yung gown na pinili niya.

"Edi ito na lang ang susuotin ko", saad nito at pumunta sa isa sa mga nagbabantay at ibinigay yung damit.

Nagpatuloy ako sa pagtingin sa mga gowns at kahit isa ay wala akong napili. Pupunta na sana ako sa mga kaibigan ko at sabihin na wala akong napili pero biglang nabaling ang tingin ko sa isang gown kaya agad ko itong nilapitan. Hinawakan ko ito at ramdam ko ang lambot nito.

"Sigurado akong bagay sa iyo iyan", saad ng isang sales lady.

Nginitian ko lang siya dahil wala naman akong pambayad nito dahil hindi ako binigyan ng pera ng mga magulang ko.

"Kukunin mo ba?", tanong nito.

"Uhm hindi po", sabi ko at maglalakad na sana paalis ng hinawakan niya ako.

"Kunin mo na dahil mukhang gusto mo ito tsaka sabi sa akin ng mga prinsipe at prinsesa kanina na kasama ka nila kaya sila na ang bahala sa pambayad sa damit na ito", saad nito.

"Tsaka ikaw pa lang ang nakita kong nagkaroon ng interes sa damit na ito. Alam mo ba na ang may-ari mismo ng shop na ito ang gumawa niyan", saad nito.

"Uhm magkano po ba iyan?", tanong ko.

"Hey Francine nakapili ka na", tanong sa akin ni Keira ng lumapit siya sa akin.

"Hindi pa", saad ko.

"Gusto mong kunin yan?", tanong niya ng makita ang gown.

"Wala akong pambayad", saad ko.

"Akong bahala", saad nito at kinuha ang gown kaya sumunod lamang ako sa kanya.

Nginitian ko lang yung babae at bumili na rin ako ng heels katulad ng kulay ng gown. Si Keira ang nagbayad ng gown ko kahit nagpupumilit ang iba kong mga kaibigan na sila na nag magbayad. Hindi nila nakita yung kulay ng gown dahil agad itong nilagay sa box bago dalhin sa counter. Lumabas na kami ng shop at dinala muna sa dorm yung mga binili namin bago pumunta sa cafeteria para kumain.

May pasok pa pala kami bukas dahil sa linggo pa naman yung ball. Matapos naming kumain ay maaga kaming nagpahinga dahil na rin siguro sa pagod. I was still thinking kung sino nga talaga ang mga magulang ko at nasaan na kaya yung prinsesa.

Maaga akong nagising dahil kailangan ko pang maghanda ng pagkain para sa kanila. Pinagluto ko sila ng lagi nilang gustong lutuin ko para sa kanila since hindi daw iyon binibenta sa cafeteria. Eksaktong tapos na ako sa pagluluto ng pumasok si Kaden sa kusina. Nakasuot na siya ng uniform at medyo hindi pa naayos ng tama yung neck tie niya. Ang uniform pala namin ay kulay white long sleeves with red ribbon at red skirt and black suit at white sacks and black shoes. Habang yung sa mga lalaki ay white long sleeves rin at red slacks and black shoes at nakasuit rin sila na black at may neck tie na red.

Linapitan ko siya at inayos yung neck tie niya dahil mukha siyang bad boy sa lagay niya kapag nakaloose yung neck tie niya. Nagulat pa nga siya pero hinayaan lang rin naman niya ako at isinara ko na rin yung suit niya para magmukha siyang normal na estudyante.

"Ahem ahem ang aga pa po", biglang may nagsalita malapit sa pinto kaya napatingin ako roon.

Nakita ko na nakababa na pala silang lahat at mukhang matagal na silang nakatayo sa pintuan.

"Anong ginagawa niyo?", tanong ko.

"Kayo ang dapat naming tanungin ng niyan", saad ni Shana.

"Anong ibig niyong sabihin?", tanong ko.

"Anong ginagawa niyo?", tanong ni Icy.

"Wala bakit?", tanong ko.

"Sigurado?", tanong naman ni Agua.

"Ano ba sa tingin niyo ang ginagawa namin?", tanong ko.

"Well what do you think?", tanong ni Keira.

"Tumigil na nga kayo", saad ni Zacc.

"I was just fixing his neck tie and suit what's wrong with that?", tanong ko.

"Ohh wala naman", saad ni Ivy.

"Kain na tayo", saad ko kaya pumasok na sila sa kusina.

Kumain na rin kami at naramdaman ko na tumitingin sila sa aming dalawa ni Kaden since magkatabi kami. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain dahil ayoko namang magutom tuwing may klase. Tahimik lang kaming kumain at ilang sandali lang ay natapos na rin kami kaya pumunta na kami sa room namin.

Moonlight Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now