Chapter 39

653 17 0
                                    

Keira's Pov

"Uhm guys"

Napatingin kami sa direksyon ni Francine ng marinig namin iyon. Nagulat kami dahil nakaupo siya sa kama at nakatingin sa amin.

"OH MY GOD! FRANCINE!!", sigaw ko at tumakbo palapit sa kama niya.

"You're awake", saad ko at niyakap siya.

"Keira??", saad nito na parang nagtatanong.

"Alam mo ba kung gaano kita na-miss? Ang tagal mo namang natulog oh. Tsaka miss ko na yung luto mo. Mabuti naman at nagising ka na", saad ko at ngumiti.

"Anong nangyari?", tanong nito.

"Remember that we were kidnapped and when they come to get us back you lose your consciousness when they found you and you slept for almost one month", saad ko.

"One month?", tanong nito.

"Oo, tsaka anong nararamdaman mo? May masakit ba sa iyo? Nagugutom ka ba? Sige sabihin mo kung ano ang kailangan mo?", tanong ko.

"Yung tumahimik ka", saad ni Axele.

"Nag-alala lang naman ako", saad ko.

"Tsaka ano bang paki-alam mo? Di ba kakasabi mo lang na na-miss mo siya", saad ko.

"Yeah I missed her", saad nito.

"Tsaka hindi mo ba nakikita na naguguluhan siya", saad nito.

"Eh sa kaibigan ko siya", sabi ko na lang.

"Kahit na eh kagigising lang niya eh", saad nito.

"Pwede ba-", napatigil ako sa pagsasalita ng tumikhim si Francine kaya napatingin ako sa kanya.

"Uhm huwag naman kayong mag-away dalawa tsaka Keira pwede na ba akong makalabas?", tanong nito.

"Hindi ko alam", saad ko.

"Uhm Axele please huwag mo namang awayin yung kaibigan ko", saad nito.

"Tsaka huwag kang mag-alala Keira dahil ngayon na gising na ako ipagluluto kita lagi", saad nito at ngumiti.

Tumayo siya agad ko siyang inalalayan. Ng makatayo na siya ay agad siyang lumabas kaya agad kaming sumunod sa kanya. Kinausap niya ang isang healer. Pinayagan na siyang makalabas kaya dumiretso kami sa dorm. Tahimik lang kaming lahat dahil mukhang masama ang aurang nakapalibot kay Axele at Ash.

Ng makarating na kami ng dorm ay agad siyang dumiretso sa kusina kaya nanatili na lang kami sa sala. Nakita ko na nakatingin ng masama si Ash kay Axele at mukhang hindi komportable ang mga babae. Mukhang galit ito kaya hinayaan na lang namin siya.

"Hey guys we should help her", saad ni Agua.

"Eh wala ka namang maitutulong", saad ni Josh.

"Uhm Ash anong problema?", tanong ni Mark.

"Axele?", saad naman ni Ivy na nagtatanong.

Malipas ang ilang minuto ay mukhang galit pa rin si Ash.

"Guys handa na yung pagkain", saad ni Francine kaya agad kaming pumunta sa kusina.

Sumunod na rin sina Axele at Ash. Pinagitnaan nilang dalawa si Francine kaya mas lalong sumama ang aura ni Ash.

"Kain na tayo", saad ni Francine kaya kumain na rin kami.

Nakita ko na nilagyan niya ng pagkain yung plato ni Ash kaya medyo nabawasan ang masamang aura nito.

"Kain na Kaden", saad nito.

"Hm", sagot lamang nito.

"Anong ganap habang tulog ako", tanong nito.

"Uhm may duel na gaganapin next week", saad ni Icy.

"Oh pwede sumali?", tanong nito.

"Oo naman no", saad ni Shana.

"Hey Axele please huwag kayong mag-away ni Keira", saad nito kaya medyo nagulat ako.

"Nga pala Kaden, bakit mukhang galit ka nagayon?", tanong nito.

"It's nothing", sagot lamang nito.

"Okay, so Keira sama tayong magsanay ahh", saad nito.

"Yeah sure", sabi ko na lang at ngumiti.

Kumain na lang kami at ang tahimik dahil kapag hindi nakatingin si Francine sa amin at kay Ash ay tinitingnan ni Ash ng masama si Axele. At si Axele naman ay parang wala lang sa kanya ang mga tingin nito.

"Uhm may klase pa ba tayo?", tanong ni Francine.

"Wala na magsasanay na lang tayo para sa duel", sabi ko.

"Eh sino yung makakalaban natin", tanong nito.

"Sa duel sila ang magkakalaban dahil hindi sila kayang kalabanin ng ibang students at tayong dalawa ay mga ibang estudyante ata ang makakalaban natin", sabi ko.

"Oh okay", saad nito at nagpatuloy sa pagakain.

Matapos naming kumain ay nagsipunta na kami sa kwarto namin para magpahinga. Nagbihis na lang ako ng damit ko at lumabas dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang lakas ng aura ni Ash dito sa loob ng dorm. Pumunta ako sa garden kung saan ko nakita si Francine noon at umupo sa bench.

"Hey Keira", sabi ni Francine at lumapit sa akin.

Nandito rin pala siya at mukhang bumalik na ang lakas ng katawan niya. May ibinigay siya sa akin na isang box kaya tinanggap ko ito.

"I made cookies for you", saad nito.

"Thank you", sabi ko.

"Uhm Keira nag-away ba sila ni Axele at Kaden?", tanong nito.

"Hindi naman", saad ko.

"Eh bakit mukhang may galit si Kaden kay Axele?", tanong pa nito.

"Hindi ko rin alam", sabi ko na lang.

"What really happened when we are kidnapped?", tanong nito.

"I don't know what happened between them pero ng nakita na nila ako ay nakipaglaban kami sa mga dark manipulators at biglang may liwanag na sumakop sa amin at masyadong malakas ito kaya nawalan ako ng malay", saad ko.

"Tsaka last week lang akong nagising at wala rin akong alam sa totoong nangyari at sabi ni Ash muntik ng mawala ang magic mo", dagdag ko pa.

"So kung hindi tayo naligtas ay baka wala na akong kapangyarihan ngayon", saad nito.

"Hey lets go to the library", saad nito at tumayo.

Hinila niya ako kaya sumunod na lang ako sa kanya kahit ayokong pumunta sa library. Ng makarating kami sa library ay walang ibang naririto maliban sa librarian. Kumuha na lang ako ng isang libro kahit na hindi ako interesado sa pagbabasa at pumunta sa isang mesa. Pumunta si Francine sa isang seksyon ng mga libro kaya hinintay ko na lang siya. Ng bumalik siya ay may dala siyang isang makapal na libro at umupo sa unahan ko.

"This book looks interesting", saad nito at binuksan ang libro.

The Book of Prophecy

Iyan ang nakasulat sa front page ng libro. Tumayo ako at umupo sa tabi niya dahil nacucurious ako sa kung anong laman ng librong ito. May drawing ng lahat ng kaharian dito sa mundo at mayroon ring sketch ng map. Nilipat niya ang pahina at mayroong isang sketch ng map pero ang pinagkaiba nito sa unang map ay may apat na kaharian at hindi ito pamilyar sa akin.

Moonlight Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now