Kinabukasan ay agad kaming lumabas at nilagyan ng barrier ang village nila at tumulong na rin kami sa pag-aayos ng mga tirahan nila.

"Maraming salamat po, mahal na prinsesa at mahal na prinsipe", saad ng pinuno nila.

"Walang anuman po iyon", saad ni Shana.

"Aalis na po kami", saad ni Thunder.

"Pwede po ba akong sumama?", tanong ng bata habang mahigpit itong nakahawak sa kamay ko.

"Uhm delikado kasi ang pupuntahan namin, baka mapahamak ka", saad ko.

"Pero gusto ko pong sumama", saad nito.

"Tito, gusto ko pong sumama", saad nito sa pinuno nila.

"Limang taon ka pa lang at delikado ang pupuntahan nila", saad nito.

"Pero poprotektahan naman po nila ako di ba", saad nito.

"Papa, sama po ako", saad nito at lumapit kay Mark.

"Ahm tanungin mo muna mama mo", saad nito.

"Gagu, walang na nga siyang mga magulang", saad ni Josh.

"Mama, samama po ako diba", saad nito at lunapit sa akin.

"W-what?", tanong ko.

"Leo, nakakahiya iyang ginagawa mo", saad ng tito nito.

"Niligtas nila ako kaya sila na ang magiging magulang ko", saad nito.

"Ahm gusto mo ba talagang sumama?", tanong ko rito.

"Oo dahil baka hindi na po kayo babalik dito", saad nito.

"Ganito na lang, aalis muna kami at pagkatapos ng gulong ito ay babalik kami rito at kukunin ka", saad ko.

"Kailan po iyon?", tanong nito.

"Medyo matagal pa", saad ko.

"Delikado kasi kapag sasama ka dahil baka mapalaban kami", saad ni Mark.

"Babalik po kayo?", tanong nito.

"Oo naman", saad ko.

"Pinky promise?", tanong nito.

"Yes, pinky promise", saad ko at nagpinky promise sa kanya.

"Sige po papa, mama", saad nito.

"Hihintayin ko po kayo", saad nito at niyakap kami ni Mark.

Umalis na kami at susunod naming pupuntahan ay ang village ng mga hunter.

"I didn't expect na magkakaroon kayo ng anak dahil lang sa misyon na ito", natatawang saad ni Agua.

"Oo nga, tsaka ayaw pa niyang umalis kayo", saad naman ni Icy.

"Naawa ng ako sa kanya eh, napakabata pa niya para mawalan ng mga magulang", saad ko.

"Kaya nga naging instant magulang niya kayong dalawa", saad ni Josh

"At least kami may anak, eh kayo", saad ni Mark.

"Tumigil na nga kayo", saad ni Thunder.

"Malapit na tayo sa village", saad ni Zacc.

Pagkarating namin ay nakita namin na pinagpapatay ng walang awa ang mga hunters kahit hindi sila lumalaban.

"Stay behind my back", saad ni Mark.

Umatake na sila sa mga kalaban kaya pinalabas ko na lang yung weapon ko. Hindi rin naman masyadong marami ang mga kalaban kaya mabilis nilang natapos ang labanan. Hindi maiwasan na masugatan sila kaya agad ko silang ginamot. Tulad nung nasa village kami ng mga blacksmith ay pina-inom namin ng healing potion ang mga mamamayan. Timulungan namin sila sa pag-ayos ng mga bahay nila at naglagay rin kami ng barrier.

Pagkatapos nun ay umalis na rin kami at pumunta sa isa pang village. Halos pareho lang ang nadadatnan namin. Mga sirang bahay at maraming bangkay. Naawa ako sa kanila dahil wala naman silang ginagawang masama nadadamay sila sa digmaan na ito. Halos lahat na village ay napuntahan na namin at isang village na lang hindi. Ito ay ang lost village kung saan matatgpuan ito sa isang isla na malayo sa lahat. Malayo na nga ito sinugod pa ng mga kaaway.

"Kailangan nating makarating sa daungan bago gumabi", saad ni Thunder.

"Bakit?", tanong ni Icy.

"Dahil kapag gabi na ay nawawala ang daungan na ito kaya hindi tayo kaagad makapunta sa isla", saad nito.

"We have teleportation", saad ni Agua.

"That island is lost means walang gumaganang mahika doon", saad ni Zacc.

"Huh? Eh paano nila mapoprotektahan sarili nila?", tanong ko.

"Hindi sila normal na mamamayan lang dahil ang mga nakatira doon ay dating mga dark soldiers rin na naisipang tumakas sa dark kingdom at doon sila pumupunta", saad ni Thunder.

"Tanging black magic lang ang gumagana doon", saad naman ni Zacc.

"Bakit alam ninyong dalawa ito?", tanong ni Shana.

"Dahil nakapunta na kami doon", saad ni Thunder.

"Kasama namin sina Ash at Axele pati rin itong dalawang ito", saad ni Zacc sabay turo sa kanila ni Josh at Mark.

"Tara na", saad ni Mark.

Moonlight Academy: School of MagicWhere stories live. Discover now