Epilogue

148 1 0
                                    

Epilogue

"You wouldn't believe this, Damon.."

Kumunot ang noo ko nang marinig kong may bumanggit sa pangalan ko. Mula sa phone ay nilingon ko kung sino ito, it was my classmate, Calixto. At mas kumunot pa ang aking noo nang may nilapag siyang kapirasong papel sa arm chair ko. Minura ko siya.

"Tamad ka bang itapon ang kalat mo sa trash bin?" Sabi ko sa kanya.

Harsh, but he knows that I was kidding. I suppose.

"Kaya kataka-taka kung bakit patay na patay sa'yo si Agatha Delos Santos, kahit ang sungit, sungit mo naman."

Natawa siya, pati na rin tuloy ang katabi ko ay nakialam kung ano itong kalokohan niya. Kunot-noo ko pa rin siyang tinitingnan, iniisip kung sino ang pangalang kanyang binanggit. A girl? One of my flings? I don't know.

"Tingnan mo ayang papel, Damon."

Bumalik ang mga mata ko sa kapirasong papel na nasa arm chair ko, kinuha ko ito at binuklat para tingnan. What the fuck is this? Mas lalong kumunot ang noo ko sa nababasa ko ngayon, who's this girl? Agatha Gabrielle Delos Santos?

At hindi lang pangalan niya ang nababasa ko, kundi ang buong pangalan ko rin. Naka-FLAMES.

Fuck.

"Balita ko, crush na crush ka ni Agatha. Hindi mo ba napapansin? Palagi iyan nakatingin sa'yo at nakabuntot sa tuwing dumadaan tayo sa gym, katabi ng building nila."

"Ah, kaya pala palaging nakangiti sa tuwing nagkakasalubong natin. Fuck, crush ko kaya 'yon kahit medyo bata pa. Ang ganda kaya nun, hot din."

"Crush mo dahil akala mo, ikaw ang nginingitian pero si Damon naman talaga."

Sumingkit ang aking mga mata, iniisip pa rin kung sino ang babaeng ito. Okay, not one of the girls na naging flings ko. Nagkibit-balikat na lamang ako at binalik ang papel sa katabi ko. Narinig ko silang tumawa na dalawa, habang nakatuon na ulit ang atensyon ko sa binabasa kong lesson.

Not now, demons. Kailangan kong bumawi ngayong midterms. Dahil kung hindi, my fucking father will block all my fucking accounts. I need to impress him, na maipakita sa kanyang kaya ko rin ang mga ginagawa niya. At nang mahigitan ko siya't maputol ko na ang ugnayan namin pagkatapos kong makuha ang lahat.

Napangisi ako sa naisip ko, pero bumalik ang atensyon ko sa dalawang kaibigan ko na ngayon ay naging apat na at patuloy pa ring pinag-uusapan ang babaeng hindi ko naman kilala.

"Woah! She's beautiful! Damon, bro, I don't think papalampasin ang hot chic na ito." Sabi naman ng isa, at napairap ako't hindi pinansin ang pinagsasasabi nila.

Kailan ba darating ang prof namin?

Imbes na professor ang gusto kong makita ngayon, binara ng phone ng kaibigan ko ang aking mga mata, ipinapakita ang litrato ng isang babae. Kaya tiningnan ko ito, tinitigan.

A close-up photo of that girl they're talking about. Una akong nakuha ng mga mata nitong sobrang amo kung tumingin. She has an angelic face, but at the same time, it's not. Hindi ko masabi kung ano ito, dahil sa pagngiti niya, para naman akong sinisiliban ng kung ano.

Who's this girl? Do I know her?

"A very hot chic, right? Damon?"

Nagkibit-balikat ako. "Hmm, yeah..." Sagot ko sa kanila at tinawanan ako, bago muling ibalik ang mga mata sa litrato. "This girl likes me?" Ngumisi ako sa kanila at alam nilang sa puntong ito ay nagyayabang na ako sa kanila.

Maybe It's Not OursWhere stories live. Discover now