39

106 4 0
                                    

Pagkalabas ko ng bathroom, kaagad akong lumapit sa kama ko nang marinig kong nagri-ring ito. Kinuha ko ito upang tingnan, si Damon ito kaya sinagot ko.

"Hi.." Siya ang unang bumati.

"Hi.. Lewis." Bati ko pabalik sa kanya.

Hinintay ko siyang magsalita dahil baka may sabihin siya sa akin pero pagbuntong-hininga lang ang naririnig ko kaya ako na ang nagtanong.

"May.. May sasabihin ka ba?"

"I've been calling you, Agatha.." Sabi niya at sobrang baba ng boses niya.

"I'm.. I'm sorry, Lewis. Nag-shower kasi ako." Sagot ko sa kanya at inayos ang towel na nakabalot pa sa katawan ko.

Kanina pa pala siya tumatawag, hindi ko na na-check ang missed calls na nag-notify dito sa phone ko.

"Hiindi, 'yong kaninang-kanina pa pero may kausap ka yata. Busy ang number mo."

Medyo napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. Ano? Kaninang-kanina pa? Napaisip ako at nagtaka. Oh, shoot, alam ko na. Kausap ko ang Mommy niya noong time na tumatawag siya!

"Ahm, oo. Kausap ko si Naomi kanina, medyo napatagal."

Hindi ko alam kung ilang minuto kami nag-usap ni Tita Agatha over the phone. At wala akong kamalay-malay na tumatawag pala si Damon sa oras na iyon. After ng tawag ay nag-shower na ako kaya hindi ko na rin nasaktuhang mahintay na baka tumawag ulit si Damon sa sandaling ito. Ngayon lang na natapos ako rito ko naabutan ang tawag niya.

Ano ang pinag-usapan namin ni Tita Agatha? 'Yung tungkol sa magiging setup ng pagkikita nila ng anak niya, nang walang kaalam-alam ang anak niya tungkol dito. Bukas na 'yong araw na hiniling ko kay Damon na akala niya ay pagkain sa labas ang gagawin namin. And I've been praying for calmness and forgiveness between the two of them once they saw each other.

Pero ang isa kong iniisip ngayon, 'yong mga narinig ko kahapon noong.. noong galit na galit ang Daddy ni Damon sa kanya. Ang sabi ng Daddy niya, hindi niya napagtutuunan masyado ng pansin ang trabaho niya dahil sa madalas na pag-alis niya. At hindi na ako magmaang-maangan pang hindi ko alam ang tungkol sa pag-alis niya dahil kasama niya ako. At nahalata o nalaman mismo ng Daddy niya iyon, hindi na rin ako magtataka pa roon.

Kaya kanina, hindi ko siya ginulo. Inaya niya akong sabay kaming mag-lunch pero nagdahilan akong naka-promise ako kina Miss Mia na sa kanila ako sasabay kanina which is true naman.

"So.. tomorrow?"

Bumalik na lamang ako sa katinuan nang marinig ko ang boses niya mula sa kabilang linya.

"Ahm, hindi ka ba talaga busy bukas? Kasi kung.. kung busy ka naman, pwedeng hindi na ituloy. Pwedeng sa ibang araw na lang." Sabi ko na sa kanya at alam kong alam niya ang dahilan kung bakit ko ito sinasabi ngayon sa kanya.

"Hindi, hindi ako busy bukas at matutuloy iyon." Narinig ko ang pagbuga niya ng hininga. "Iniisip mo pa rin ba 'yong mga sinabi ng matanda noong Lunes? Huwag kang maniwala roon, hindi iyon totoo."

Nagtataka ako kung anong hindi totoo ang sinasabi niya, kung alin doon sa mga narinig ko. Kung ayun bang sinabi ng Daddy niya na tinatakasan niya ang mga trabaho, o 'yong pag-amin niyang parang may namamagitan sa aming dalawa ni Damon. Sexually.

"He's just that desperate na mas lalong umangat ang kumpanya niya kaya ako ang iniipit niya para gawin iyon. 'Di ba, sabi ko nga sa iyo dati, it was just my dirty strategy para makuha ang loob ng investors? Dating their daughters, flirting with them, but no strings attached." Narinig ko pang wika niya.

Maybe It's Not OursWhere stories live. Discover now