36

132 4 0
                                    

"So, how's your internship, Agatha?" Napatingin ako kay Kuya Gus nang tanungin niya iyon sa akin. "Wala ka pa rin bang reklamo?" At natawa sa sunod niyang sinabi.

"It's going great naman po, Kuya. Mga one month na lang ay matatapos na ako." Nakangiting sagot ko sa kanila.

"Oo nga, ano? Ang bilis! Mabuti naman at matatapos ka na, Agatha. Pero uulitin ko ang tanong ni Kuya Gus, wala ka pa ring reklamo?" Sabi naman ni Kuya Sandro at muli akong natawa.

Today is Sunday and as usual, it's our family day! Kumpleto kami, pati ang mga bata ay nandito rin! After going to the church, nandito kami ngayon sa see food restaurant na kini-crave ngayon ni Ate Ria! She's pregnant, at sino ba naman kami para tumanggi?

Hindi na bago itong parang weekly nata-topic sa aming lahat ang tungkol sa internship ko roon sa kumpanya ni Damon. Sinasagot ko naman sila nang talagang sagot, hanggang sa hindi ko na mapigilan sabihin ngayon na binibigyan ako ng allowance ni Damon. Si Kuya Gus at Kuya Sandro ang gulat na gulat.

"Binibigyan ka?! Para saan?!" Halos pasigaw na tanong ni Kuya Sandro.

"Ahm, dahil sa service ko?" Nanlaki ang mga mata niya lalo. "Service ko roon sa company niya, Kuya. Ano po ba ang iniisip mo?"

Nagkatinginan sila ni Kuya Gus at sa tinginan nilang iyon ay parang kailangan nilang mag-meeting at magkampihan kung ano ang gagawin nila. Natawa ako roon.

"Oo nga pala, nabanggit sa akin ni Mr. Salvador ang tungkol diyan." Sabi naman ni Kuya Gavin kaya napalingon ako sa kabisera niya rito sa dining table. "He even told me that maganda ang performance mo roon sa opisina niya kaya kailangan ng reward. Good job, little sis." Dagdag pa niya at napangiti ako lalo.

Oh, that man has been giving me compliments, huh? At sa pagkakasabi ni Kuya Gavin, para talagang ang close nila ni Damon para pagkwentuhan pa ang tungkol diyan? Really? Maganda ang performance ko sa opisina niya? Pero bakit ibang "performance" ang tumatakbo sa isipan ko ngayon?!

"Ano ba ang ginagawa mo roon, Agatha, bukod sa pag-i-staple na siyang sini-send mo lang na pictures sa akin?" Tanong ni Kuya Gus pagkatapos niyang ipaghimay ang asawa niya ng shrimp.

"Lately, ang nagiging task ko na po ay mag-review ng reports doon at pagsama sa kanya kapag may board meeting."

"Ano? Sumasama ka sa kanya? Sa board meeting?!"

"Sandro, kumalma ka nga." Biro ni Kuya Gavin at ipinagtanggol ako, pero mali pala dahil may isiniwalat siya. "Ginawang substitute secretary ni Mr. Salvador si Agatha. So probably ay kaya nagiging ganyan na ang responsibilities niya roon."

Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin iyon ni Kuya Gavin, at mas lalo ang dalawang lalaking Kuya ko. Kahit si Daddy ay nagulat! Wala sana akong balak ipaalam ito pero si Kuya Gavin mismo ang nagsabi! Sinabi rin mismo ni Damon sa kanya?! Gosh! Are they that very close?!

"Agatha! Totoo ba iyon?! Bakit hindi namin alam? Ha?!"

"Ahm, yes po.." Hindi ko alam ang isasagot ko kundi ayan lamang. I bit my lower lip, magagalit ba talaga sila sa akin dahil doon?

"Agatha!" Parang saway pa ni Kuya Gus sa akin, parang sa sandaling ito ay pagsasagutan ang mangyayari rito sa mesa. Dito mismo sa restaurant!

"I'm sorry kung hindi ko po nasabi. Pero ang totoo po, parang hindi naman literal na secretary. Well, he just appointed me as his "secretary" dahil naka-maternity leave ang talagang secretary niya, pero ang gawain ko lang naman ay gawaing pang-intern. Ano ang magagawa ko? Eh, siya ang CEO roon!" Wika ko at nagawa ko pang magbigay talaga ng dahilan para mainis kay Damon! But that's right!

Maybe It's Not OursWo Geschichten leben. Entdecke jetzt