44

144 1 0
                                    

Hindi ako pinayagan sa hiling ko noong isang gabing hiniling kong doon sa bahay mag-stay si Damon for that night. Yes, pumayag si Daddy, but no for that night dahil daw biglaan. Mariing ding tumanggi si Kuya Sandro noong gabing iyon!

Magtatampo na sana ako dahil doon nang pakalmahin naman ako ni Daddy na pwede naman talagang mag-stay si Damon doon pero hindi sa gabing iyon dahil nga sa biglaan. Okay, I get it naman. Biglaan, walang dalang extra na damit si Damon at hindi prepared ang lahat para roon. At ang naisip ko pa, magulo ang room ko kaya heto ako ngayon, naglilinis dahil bukas ay pwede na siyang mag-stay dito!

Bukas ay may family dinner na magaganap at sakto dahil bukas din ang pag-stay ni Damon dito sa bahay, dito sa room ko, kasama ko. Of course, kasama siya sa family dinner na iyon at naisipan kong formal na ipakilala siya as my boyfriend.

Although, alam naman na nilang lahat na nagkabalikan kami ni Damon, na boyfriend ko na ulit siya, nakikita naman nila pero gusto ko pa ring gawin. For Damon na rin, para hindi niya ma-feel ang awkwardness sa thought na nakakasama lang siya sa amin bilang ama ng dinadala ko. Ramdam ko kasing nahihiya siya sa tuwing nakakaharap niya ang mga kapatid ko, lalo na si Kuya Gus at Kuya Sandro, pati na rin kay Daddy. At ang goal ay matanggal ang hiyang iyon.

Kay Kuya Gavin, hindi siya nahihiya. Paanong mahihiya? Eh, best friends sila!

"Cleo, Cleo.." Tawag ko sa cat ko nang maaliw ako sa kanya at saka binuhat siya. "Your Daddy's gonna sleep here with us starting tomorrow night! And Mommy's so excited!" Nakangiti kong sabi at binitawan ko siya nang marinig ko ang pag-ring ng phone ko.

It's my love—Damon Lewis.

"Hi, love!" Bati ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag.

"Hello there, mahal ko."

Napahagikgik ako sa sinabi niya. "You're too unusual. At ano naman ang nakain mo at tinawag mo akong "mahal ko"?" Tanong ko sa kanya at narinig ko ang pagngisi niya, hanggang sa sumagot siya ng sagot na sobrang kapilyuhan ang hatid!

"OMG! Lewis!" Saway ko sa kanya at tumawa siya.

Mabuti na lang na hindi kami magkaharap ngayon dahil namumula ako sa sinabi niya, nagpipigil pa nga ako ng ngiti ngayon! At nagagawa niya na ulit maging pilyo!

"What are you doing now, babe?"

"Inaayos ang mga gamit ko rito sa room ko, para sa pag-stay mo rito bukas!" Natawa ako pagkatapos.

I heard him clicked his tongue. "No need for you to do that, Agatha. Huwag mo akong masyadong bisitahin. Huwag ka masyadong magpagod diyan."

"Hindi naman nakakapagod itong ginagawa ko, Lewis. At gusto kong bisitahin ka kaya.." Sagot ko sa kanya, tumabi sa akin si Cleo kaya kinuha ko siya para rito sa lap ko paupuhin. "Si Cleo, excited na siyang makatabi ka rin, Lewis!"

Hindi na nakapunta si Damon kaninang umaga rito sa bahay dahil maaga ang commitment niya sa trabaho. Actually, ang sabi niya ay buong araw na busy siya kaya baka hindi na siya makadaan dito sa amin at okay lang naman iyon for me. Naiintindihan ko.

"What? Kasama natin siya sa bed?" Natatawang tanong niya.

"No naman, may sarili siyang bed dito sa room ko.." Kinuha ko ang maliit na piano display ko rito sa bedside table ko na natumba para muling ipatayo. "Anyway, ano ang gusto mong color ng blanket natin? Kasi balak ko na ring magpalit." Tanong ko naman nang maisip ko at natawa ulit siya.

"Oh, Agatha. You're so adorable, babe. I love you."

"Hmm, you're so sweet! I love you, too, Lewis. I love you! I love you! I love you!" Tuloy-tuloy kong sabi at sa pagtawa niya ay parang siya ngayon ang kinikilig. "Pero ano ngang color ang gusto mo?"

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon