49

123 1 1
                                    

Humagikgik ako nang makiliti ako sa ginagawa ni Damon sa likod ko. Nandito kaming dalawa ngayon sa bath tub, likod ko ang kaharap niya while he's sandwiching me between his hairy legs. We are playing a game, a guessing game. Like, nagsusulat siya sa likod ko ng words at kailangan alamin kung ano ang word na iyon. And it's interesting!

"Ahm, was the word 'piano'?" Tanong ko sa kanya at natawa siya.

"Yes. You're good, Agatha Gabrielle. Okay, next."

Tuwang-tuwa ako sa ginagawa namin at hindi ko alam kung dahil ba sa hormones ko kaya sobrang babaw ng happiness ko ngayon. Mahulaan ko man o hindi, natutuwa ako at ganoon din siya.

"Baby boy?" Hula ko ulit sa word na sinulat niya. No, those are two words! "You really want our first baby to be a boy, Lewis?" Tanong ko naman sa kanya at nilingon siya.

"Yes, baby.." Sagot niya at sumimangot ako.

Niyakap niya ako mula sa likuran ko at hinalikan sa balikat. Sumandal na lamang ako sa kanya hanggang sa ayusin niya ang pwesto namin dito sa tub na parang nakahiga ritong nagbababad. Napatingala ako nang marinig ko ang pagtawa niya, para siyang may naisip bigla.

"Why are you laughing, babe?" Tanong ko sa kanya.

"I just remember the first time I met you."

At sa sinagot niyang iyon, mas naging interesado ako.

"The first time you met me? You mean the first time we met together?" Tanong ko habang iniisip kung kailan iyon, kung saan iyon sa lahat ng pagkakataon na nagkita kami. "Was that the time nung pinanood kita sa natatorium? 'Yung pinayagan na ako ng coach ninyo na maupo sa poolside at kinausap mo ako?"

Umiling siya. "No, not that." Sagot niya kaya nagtaka ako.

Akala ko, a-agree siya sa sinabi ko dahil ayan ang maituturing kong time na unang na-meet niya ako. The time na pinayagan ako ng coach nila na mapanood ang training nila nang malapitan. Ayun lang naman ang naiisip kong kauna-unahang "matino" na pag-uusap namin. And not those times na oo, kilala niya nga ako bilang patay na patay sa kanya pero hindi naman kami nag-uusap.

"Ha? Kung hindi iyan, ano? Kailan ang tinutukoy mo?" Tanong ko naman sa kanya habang pinaglaruan ang tubig.

"The night when we had our first sex."

Napatigil ako sa ginagawa hanggang sa manlaki ang mga mata ko. "OMG, nung birthday ni Kaela?" Natawa ako nang maisip ko na rin ang tungkol doon.

At dahil ako ang nawili sa alaalang iyon, ang dami kong nasabi tungkol doon. Inulit ko sa kanyang sabihin na hindi totoo ang pagkahilo ko, na nagpanggap lang akong nahilo para matigil ang dare sa kanila ni Kaela. Although, alam na ni Damon ang tungkol sa pagpapanggap kong nahilo ako pero pareho kaming natatawa ngayong binabalikan namin.

"Nakita mo iyon? Kahit ano talaga, makakaya kong gawin para sa iyo, Lewis!" Parang nagyayabang na sabi ko sa kanya at natawa siya roon. "But that was worth it naman, hindi ako nagsisisi.." Hindi ko na itinuloy ang gusto ko pang sabihin dahil alam kong alam na rin niya ang iniisip ko.

Of course, dahil sa ginawa kong iyon, imbes na si Kaela ang maka-make out o sex niya ay naging ako! And that was just memorable for me. Well, how couldn't that be memorable kung sa araw na iyon nawala ang virginity ko! And everything about that night was just so beautiful to remember. Kinikilig na naman ako sa tuwing naaalala ko.

"Can I tell you a naked truth, Agatha?" Bigla namang sabi ni Damon kaya napaupo ako at nilingon siya, nananatili siyang nakahiga pa rin dito sa tub.

Maybe It's Not OursWhere stories live. Discover now