31

96 4 0
                                    

"Agatha!"

Masayang pagsalubong sa akin ng tatlo kaibigan ko na para bang ngayon lang nila ako nakita at makakausap ulit. Niyakap nila ako isa-isa at tuwang-tuwa talaga silang nakikita ako ngayon.

"Ang saya naman ninyo! Parang part 2 ng reaction ninyo noong nagkita tayo weeks ago." Natatawang sabi ko sa kanila.

"Talaga! Masaya kaya talaga kaming makita ka, ano!" Sagot ni Naomi kaya binara ko siya tungkol sa boyfriend niya.

"Kailan mo ako ipapakilala sa jowa mo?" Natawa si Dahlia at Elisse. "Ikaw din, Elisse? Sagutin mo na 'yang pilotong manliligaw mo!"

"Heh! Let's go na and have some fun!"

Sunday, nandito ako sa mall with my friends. Actually, pati rin sina Kuya Sandro ay nandito pero nagpaiwan ako rito mag-isa dahil ipinaalam kong pupuntahan ako ng tatlong kaibigan ko rito at sila ang makasama ko sa loob ng ilang oras. Kanina, magkakasama kaming buong family dahil, you know, church day.

"So katulad ng napag-usapan natin, spa day natin today, ha! And it's my treat." Sabi ni Dahlia.

Noong Friday pa nila pina-plan ang bond naming ito, na dapat nga ay kahapon nangyari pero hindi naman ako pwede nun. Dahil may gala ako with my in-laws at kami naman ang nag-bond kahapon. Nagpa-massage kaming apat ni Ate Sienna, Ate Ria at Ate Seline, and went shopping na rin. Pero hindi tulad ko na nag-shop ako for myself, sila naman ay nag-shop for their babies and for their husbands na rin! Hay, adulting 101!

"So, ano na?" Tanong ni Dahlia nang pare-pareho na kaming nakaupo rito kaharap ang tig-iisang staff na umaasikaso sa amin.

"What?" I giggled, at hindi ko alam kung dahil ba iyon sa nakiliti ako sa paghawak ng babaeng staff sa left foot ko o sa sinabi ni Dahlia.

We are now doing foot spa, at ang susunod ay nail spa rin.

"Magkwento ka na, Agatha, tungkol sa internship mo." Saad ni Naomi at natawa pa ako.

"Yup, about your internship, babe." Dagdag din ni Elisse.

"Kayo ba talaga ay walang flight ngayon? O gusto lang ninyong ikwento ko ulit 'yong mga nalaman ninyong "shocking" para sa inyo?" Tanong ko sa kanila pabalik. "But, well, I'm gonna kwento naman talaga sa inyo. So, makinig na kayo." At wala pa man din, natawa ako sa pagiging attentive nila sa mga sasabihin ko.

So, sinimulan ko ulit ikwento sa kanila 'yong araw na muli kong nakita ang aking ex boyfriend na si Damon. Ex boyfriend for about how many weeks nga iyon? Wait, inabot ba kami ng weeks? Pero isa lang, mas tumagal ang pagiging sex buddies namin noon!

Oh, come on! Hindi na ako magde-deny pa roon!

"OMG! Si Kuya Gavin ang dahilan? Bakit?" Gulat na gulat na tanong ni Dahlia nang sabihin kong si Kuya Gavin ang nagpasok sa akin sa company ni Damon.

Nakwento ko na sa kanila ito sa group chat namin, pero alam kong ipapaulit nila sa akin ngayon. Kaya nauulit din ang mga reaksyon nilang gulat na gulat at gustong alamin talaga ang bawat pangyayari. At sa pagkukwento ko, hindi ko na rin naiwasang sabihin ang bawat reaksyon ng mga Kuya at Daddy ko sa naging desisyon na iyon ni Kuya Gavin.

Nakakagulat. Na-shock din naman ako sa desisyon na iyon ni Kuya Gavin, nagtaka, nagduda at napatanong kung bakit at paano niya nagawa iyon sa akin?

"So dahil diyan, parang friends si Kuya Gavin at Damon? Close na sila? Wow. Kailan pa?" Sabi ni Elisse at natawa kaming apat doon, which is tanong ko rin talaga iyon!

"I don't know, ngayon ko nga rin nalaman na parang close to business partners ata sila or something." Napangisi ako, hanggang sa sumimangot. "Kaya parang naging "wala lang" na lang kay Kuya 'yong nangyari noon."

Maybe It's Not OursWhere stories live. Discover now