26

85 3 0
                                    

"S is for?"

"Sky!" Sagot niya sa akin kaya natuwa ako dahil nakuha niya nang mabilis ang letrang ito.

"How about T, love? T if for?" Tanong ko naman sa kanya at napaisip siya saglit.

Natatawa akong pinapanood ang pag-iisip niya, at mas natuwa ako nang para bang nag-pop up na ang naisip niyang isasagot sa akin.

"T is for Tita Agatha!" Sagot pa sa akin ng pamangkin ko at sa aliw ko ay niyakap ko siya at pinaliguan ng mga halik.

"Very good! Very, very good, my Baby Gianna!" I chuckled as I hugged her tighter.

Bumukas ang pinto kaya napatingin ako rito, it's my Ate Gabriela together with my niece Alaysha. Tumakbo si Isha rito sa kinaroroonan kong kama kasama ang kapatid niya, at heto, sumama sa yakap. Inabot ko siya para halikan sa cheek at para ipaloob siya sa yakap ko.

Natawa ako dala ng tuwang nararamdaman ko, hanggang sa lingunin ko si Ate Gab. Nakangiti siya, buo ang ngiti niya habang pinapanood kami. Hanggang sa maglakad na siya papalapit sa amin dito sa kama at tumabi sa amin.

"They miss you already, Tita Agatha. At ako rin, miss na kita kaagad, my Agatha." Sabi ni Ate Gabriela at unti-unti ko na namang nararamdaman ang pagiging emotional ko.

"Ate.." Hindi ko naituloy ang gusto kong sabihin, bagkus ay umamin din ako sa tunay kong nararamdaman. "I'm gonna miss you, too, Ate Gabriela. You, Isha at Gian."

Ilang saglit ay sinabihan na ni Ate Gab si Isha at Gian na magpunta na sa kwarto nila. At dahil big girl na si Isha, siya na ang umasikaso sa little sister niya. Nag-good night kami sa isa't isa, and hugged and kissed them both. Nang kami na lang ni Ate Gab ang naiwan dito sa room ko, siya naman ang tumabi sa akin at yumakap.

"No kidding, love. I'm gonna miss you." Sabi ni Ate sa akin at nakangiti lang akong hinawakan ang braso niyang nakayakap sa akin para haplusin.

"One more day pa, Ate, before leaving.. Before going back to the Philippines." Nang hindi ako matuwa sa sinabi ko, may idinagdag ako. "Pero after ng internship ko roon, babalik ako kaagad dito. Dito ko talaga gustong mag-work at... tumira for good."

Two weeks after my graduation at hanggang ngayon, hindi ako makapaniwalang I graduated, for the second time! For the second time with another degree I am holding—a business course! Major in Global Management. I am now a MBA degree holder, bukod sa pagiging graduate ng Tourism.

I just can't believe na nakayanan kong mag-take ng dalawang degree. Hindi naman at the same time but still, the pressure that I felt when I decided to fulfill this decision is still here. The first degree I have is Tourism. Years ago, Daddy and I decided na rito na lang sa California ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Apparently, it was my decision to continue my study here in California, to stay here with my Ate Gab. And after I graduated with this degree, nag-aral ulit ako to take a business course.

I've been living here sa California for almost 5 years. Here with my Ate Gab, my two beautiful nieces and Ate Gab's husband Kuya Haze. It was a great opportunity din na rito ako nagtapos ng mga pag-aaral ko. Sa totoo lang, ang dami kong natutunan, and the one thing that I've learned through the years is my focus on my own life. Masasabi kong naibigay ko ang buong kaya at focus ko para makakuha ng dalawang degree sa loob ng limang taon, nang ganyang kabilis. Well, that's how tri-semesters work.

At ngayon na graduate na ako, there's still a lot of things to do. I am now thinking about the internship we are about to do. Nakakatawa kasi na nauna ang graduation, hinuli ang internship but I am not complaining, though. Maganda ngang nauna ang graduation, at least, I already graduated at nahuli lang ang isang requirement para makuha nang tuluyan ang diploma ko sa university na pinapasukan ko—and that's the internship that we are tasked to accomplish.

Maybe It's Not OursOnde as histórias ganham vida. Descobre agora