08

97 2 0
                                    

"'Di na ako pinapansin ni Damon! OMG, why?!" Nagrereklamong sabi ko kay Naomi at tinawanan niya ako.

"Malamang, nakuha na 'yang virginity mo! Ano pa ba ang dahilan para pansinin ka nun? Hello?" Sagot niya sa akin at sinaway ko siyang huwag maingay kahit open naman itong kinaroroonan namin ngayon at kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan sa pinag-uusapan namin.

Alam na ni Naomi ang tungkol sa nangyari sa amin ni Damon noong gabing nasa party kami ni Dahlia. Alam niya na dahil ako mismo ang nagsabi sa kanya, at sa kanya ko lang nasabi ngayon. I've decided to tell this to her dahil hindi ko kayang i-keep sa sarili ko and I need someone na makakausap ko tungkol dito. And si Naomi ang napili kong pagsabihan, kahit siya itong madalas na hindi boto sa mga pinanggagagawa ko.

Gulat na gulat siya nang sabihin ko iyon, to the point na hindi pa siya naniwala sa akin. Kaya hinila ko siya papuntang restroom para ipakita sa kanya ang hickeys na binigay sa akin ni Damon sa bandang taas ng boobs ko at dito siya mas nagulat. At ang unang nasabi niya sa akin was "Kaya pala ika-ika ka maglakad nun!"

Kinuwento ko kay Naomi kung paano nangyari iyon. Mula sa patingin-tingin sa akin ni Damon in the middle of the party, 'yong game, at 'yong na-lock kami sa isang room, hanggang sa magkausap kami, and the one that made us one. Halos lumabas na ang mga mata ni Naomi while I was giving all the details about that night. Siya pa nga ang nagpa-stop sa akin na magkwento dahil pati 'yong mga ginawa namin ni Damon, ahm, in the bed ay naikwento ko na rin. Gosh!

Surprisingly, hindi naman siya nagalit. Akala ko, magagalit siya sa akin dahil sa ginawa kong iyon. Rant lang siguro kung tawagin, hindi naman galit. She kept on telling me that bakit ko hinayaan si Damon na makuha ako? Bakit ako bumigay?

Sa pagkakaalala ko, wala akong balak na hindi bumigay noong gabing iyon. When Damon told me that if there's a girl he wanted to make out with that night, ako lang iyon. I think doon ako nadala, because ako rin naman. I.. I want to experience that with him. Alone.

Kay Naomi ko lang sinabi at wala na akong balak sabihin kay Dahlia at Elisse. When Naomi asked me kung bakit ay sa kanya ko sinabi, ang sagot ko ay siya 'yong alam kong ito-tolerate ang ginawa kong iyon, and I was right! I am right! Dahil kung kay Dahlia man or Elisse, I think baka pag-isipan nila si Damon na pinagsamantalahan ako. Though, naisip din iyon ni Naomi pero ang sabi ko, hindi naman. Hindi.

Si Dahlia at Elisse kasi, may mga boyfriend. Parang mas deep ang tingin nila pagdating sa mga bagay na iyon. Oo, madalas ay hinahayaan nila ako at kunsintihin sa mga kahibangan ko kay Damon, pero madalas din nila akong pinapaalalahanan na hanggang happy crush lang dapat ito and nothing more. Kung malaman nilang may nangyari na sa amin ni Damon nang ganoong kabilis, baka kung ano pa ang isipin at gawin nila. Knowing na palagi rin nila akong pinapaalalahanan na iba ai Damon sa ideal guy na sinasabi ko.

Pero sa tuwing naiisip ko 'yong night na kasama ko si Damon. The way he talked to me, kinumusta pa nga niya ako! And the way we made it, he was very gentle and sweet. Kung paano niya ako paalalahanan na masakit 'yong gagawin namin after naming maghubad, and his lips are so malambot..

"Huy, tama na ang pagpapantasya kay Damon! Nangyari na!" Sabi pa ni Naomi sa akin at namula ako. "OMG ka talaga, Agatha Gabrielle! Ang sakit mo sa ulo! Ilang araw ko na rin itong iniisip ah!"

Tama talaga ako ng sinabihan na tao. Sumasakit man ang ulo ngayon ni Naomi kakaisip ng mga sinabi ko, ero hindi iyan ang pinoproblema ko ngayon! Ang problema ko ay si Damon na hindi na naman ako pinapansin! Noong training nila na unang kita namin after what happened between us, hindi niya ako pinansin noong nandoon ako sa natatorium habang pinapanood siya. At pati 'yong dalawang beses na nagkasalubong kami at nagtinginan, nag-smile ako sa kanya pero seryoso lang ang face niya.

Maybe It's Not OursHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin