07

125 2 0
                                    

"Shet ka! Pinakaba mo 'ko!"

Napaaray ako nang paluin na naman ako ni Dahlia sa braso. Hanggang sa matawa ako pero pinigilan ko rin ang sarili ko.

"Alam mo bang kamuntikan na akong tumawag ng ambulansya?! At kay Tito Gabriel?! Tapos palabas mo lang pala?! Ang baliw mo talaga! Ang baliw mo kay Damon!"

Nagpanggap akong nawalan ng malay para matigil 'yong larong truth or dare, at para hindi na mangyari 'yong binabalak ni Kaela kay Damon! And guess what? Nangyari siya! Natigil ang laro dahil sa pagpapanggap ko! Nangyari!

Twenty minutes na akong kunwaring inaalagaan ni Dahlia rito, kahit wala naman talagang nangyari sa akin. Mabuti na lang at siya ang sumalo sa akin bago makita ng lahat ang kunwaring ako na nahilo. Nataranta ang lahat, big help 'yong pagsigaw ni Dahlia na mukhang totoo. Or totoo talaga? Natawa ako.

Natigil man ang laro, pero nagtutuloy-tuloy pa rin naman ngayon ang party. And one thing na mas napatunayan kong nag-succeed ako sa ginawa ko, si Kaela, nakasimangot na. Mabuti nga sa kanya.

"Are you drunk? Ang red na ng face mo!" Sabi ko naman kay Dahlia at umiling siya.

"Nakainom lang."

Napatingin ako kay Kaela, nandoon pa rin siya sa pwesto niya with her squad. And si Damon, nakaupo na ulit sa ground na edge ng pool habang nakababad ang feet niya sa water. Wala naman na sigurong game na mangyayari? Hindi naman na siguro itutuloy ni Kaela ang balak niya?!

"Malapit na palang mag-11, uwi na tayo?"

Umiling ako as I fixed the strap of my top. "No, later pa."

"Why? Parang hindi naman na yata matutuloy iyon!" Sabi ni Dahlia pero hindi ako kumbinsido.

Dahil paano kung may plan b si Kaela?! Like lasingin si Damon?! O akitin?! At hindi naman sa pag-iisip nang masama sa kanya, paano rin kung may ilagay siya sa inumin ni Damon na nakakalasing or pampatulog?! Tulad nung mga napapanood ko sa movies.

"Hindi tayo sigurado! Kaya ang gagawin natin, pumunta ulit doon sa squad ni Kaela. Kwentuhan nang kwentuhan at lasingin mo siya para makatulog na siya." Wika ko kay Dahlia at nag-agree naman siya sa idea na iyon.

Bumalik kami kung nasaan sina Kaela, agad nila akong kinumusta pero ang sabi ko, okay na ako. Mukhang sincere din naman si Kaela sa pangungumusta niya sa akin, o dahil ba sa lasing na siya? Dahil pulang-pula na ang mukha niya at patawa-tawa siya.

Nandito lang akong nakikinig sa kwentuhan nila, habang lahat sila ay umiinom ng wine, except ako. Nang tingnan ko ulit kung nasaan si Damon, nandoon pa rin siyang nakaupo.

Kailan ba siya uuwi para makauwi na rin kami sa condo ni Naomi? Baka kasi kung mauna kami, baka rito na matuloy ang binabalak ni Kaela! Kaya kailangan kong siguraduhin!

"Dahlia, restroom lang ako." Sabi ko sa kanya at tumango siya, hanggang sa tumawa siya dahil sa pinag-uusapan nilang lahat na hindi ko maintindihan.

"Ingat ka, babe! Baka may humipo sa'yo!" Sabi niya kaya nanlaki ang eyes ko. She's drunk na talaga. Gosh! Bubuhat ako ngayon ng lasing?!

Nagpunta ako sa restroom na mayroong itong pool pero nagulat ako nang sarado ang main door. Sinubukan ko pang buksan pero wala. Kaya no choice, sa mismong restroom na lang hotel room na lang namin ako iihi. Naiihi na ako!

At isa pa, para makapagpalit na rin ako ng suot dahil nilalamig na ako sa two piece swimsuit na siya ko pa ring suot hanggang ngayon.

Nang buksan ko ang pinto ng hotel room namin, nagulat ako nang locked din ito. What the?! Paano? Bakit ni-lock pa?! Nino?! Nandito pa ang gamit namin ni Dahlia! Argh, naiihi na ako!

Maybe It's Not OursDove le storie prendono vita. Scoprilo ora