15

114 2 1
                                    

"You tired?" Tanong ni Damon sa akin nang silipin niya ako.

Tumango ako at sumiksik sa kanya, wala naman siyang magagawa dahil sinabi ko kanina sa kanya na naglilihi ako sa kanya. Kaya nagpapabaya na rin siya sa mga gusto kong gawin sa kanya, tulad nitong pagyakap ko sa kanya after we made love. Again.

"Lagi na nating ginagawa ito, kanina pa.. At noong Wednesday pa kahit hindi dapat ako magpunta rito sa unit mo." Random kong sabi sa kanya at sinilip niya ulit ako para tingnan.

"Why? Ayaw mo ba?"

Tumaas ang kamay ko at nagpunta sa dibdib niya, sinimulan kong paglaruan ang mga daliri ko rito at dito na ibinaling ang mga mata.

Na-appreciate ko 'yong pag-alok niya na naman sa akin noong Wednesday na rito sa unit niya kami kumain noong lunch break. At alam iyon ng tatlong kaibigan ko dahil hinintay mismo ako ni Damon sa room namin at sabay na magpunta rito sa unit niya. Yes, kumain kami, pero hindi na kami nakabalik sa university sa tamang oras dahil nilandi niya na naman ako! At sinisisi niya pa akong kasalanan ko!

Gosh, napansin pa ni Dahlia na hindi maayos ang pagkakasuot ko ng uniform nang makabalik ako sa kanilang tatlo for our last class! Si Naomi, may nase-sense pero tinitingnan lang niya ako nang masama!

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na namin nagawa ni Damon ito, pero namumula pa rin ako kapag ginagawa namin. Lalo na't tinititigan niya talaga ako while doing it. Tanong ko na naman, ganoon ba talaga? Gosh, hindi na talaga ako inosente pa!

"If you are worrying about the baby, dinadahan-dahan ko naman. At wala namang nang magiging consequence itong sex sa atin, lalo na't buntis ka na. We don't have to be worried kung may mabuo. Mayroon na nga."

Napakadiretsa sumagot ni Damon, tama naman siya sa sinabi niya. At ang hypocrite ko naman kung sasabihin kong hindi ko gusto. Ever since nang may nangyari ulit sa amin, naulit siya nang naulit. Alam kong hindi ito tama, lalo na't wala naman kaming label, pero hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na hayaan siya sa tuwing lalapit siya sa akin. Kusang gumagalaw ang mga katawan namin.

Bumalik ang mga mata ko sa kanya at nakatingin pa rin siya sa akin. At dahil hindi ko kayang tapatan ang mga titig niya, umiwas din ako.

"What's the reason of doing this?" Sinubukan kong tanungin sa kanya. "Hindi ka ba nagsasawa, Damon? Halos palagi na!" Natatawang sabi ko pa sa kanya at napangisi siya.

"Boredom, I guess?"

Gusto ko siyang huliin sa sagot niya kung bakit namin ito ginagawa, dahil para sa akin, iba ang dahilan ko kung bakit ko siya pinapayagan. Inintindi ko na lang ang sagot niya, iniisip ko na baka wala siya sa mood sumagot nang matino dahil sa pagod. Pero hindi ko maiwasan ang isipin na baka ginagawa niya rin ito sa ibang babae.

Siguro, kapag wala ako rito sa unit niya, baka ibang babae ang katabi niya. Bigla akong nakaramdam ng inis sa naisip ko.

It's already 1 AM ng Friday, at gising na gising pa kami. Pareho kaming pagod at hubad sa ilalim ng kumot. Naramdaman kong nagpunta ang kamay niya sa likod ko at hinagod ito.

"Let's just benefit each other, Agatha. Single ka naman, 'di ba? At ako ang crush mo? Hindi ka ba masaya sa ginagawa natin?" Wika niya at pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya para rito umunan.

Masaya ako na kasama ko siya. Masaya ako na nayayakap ko siya nang ganito. At masaya ako dahil pakiramdam ko ay akin siya. Akin lang siya ngayon.

"Akin ka na simula ngayon?" Tanong ko sa kanya at narinig ko ang pagtawa niya. "Huwag mo 'kong paiiyakin, Damon! Dinadala ko ang baby natin." Banta ko sa kanya.

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon