37

150 4 0
                                    

"Oh, my gosh! I'm really, really sorry, Naomi!"

"Agatha, okay na. Ayos lang, at maayos naman si Wilson ngayon. Wala iyon, okay? At naipaliwanag ko na sa kanya ang lahat, kung bakit.. gano'n."

"No! This is all my fault! I'm sorry! Hindi ko alam na aabot sa ganito! Na kung alam ko lang, hindi ko na sana ginawang biro kay Damon na manliligaw ko si Wilson kahit hindi naman talaga! Oh, gosh! I'm still immature! Oh, my gosh! I'm very sorry, Naomi! Pakisabi ulit kay Wilson."

Naiiyak ako habang sinasabi iyon kay Naomi na kausap ko ngayon through a video call. Gusto rin sanang makisama ni Dahlia at Elisse pero humiling muna ako na si Naomi lang muna ang kakausapin ko ngayon para humingi ng tawad dahil sa ginawa ni Damon.

I really feel sorry and guilty for what he did! At kung ano ang ginawa niya? Sinuntok niya si Wilson doon sa labas ng hospital na pinagtatrabahuan nito pagkatapos ng duty nito! Naomi saw that kaya nalaman niyang si Damon ito. Dahil kung hindi man, hindi malalaman kung sino ang sumuntok kay Wilson dahil hindi naman sila magkakilalang dalawa!

Pero ang nakakapagtaka ay bakit ginawa iyon ni Damon? And how come na nalaman niya pa talaga kung sino mismo si Wilson at saan ito nagtatrabaho?! At bakit? Bakit niya iyon nagawa?

Ewan ko ba kung magpapasalamat akong hindi nakarating ang balitang ito kina Daddy at sa kung sino sa mga kapatid ko. At hindi rin siya nabalita publicly! Kundi sa amin lang na magkakaibigan at pati na rin kay Wilson.

Kaninang pag-uwi ko, mga past 7, tumawag sa akin si Naomi para sabihin ang tungkol dito. Gulat na gulat ako nang sabihin niyang nagpunta si Damon dito sa hospital at inabangan si Wilson para bigyan ng suntok, at saka umalis na si Damon. Nakilala niyang si Damon iyon, alam niya dahil kilala niya ito. Mabuting mababaw na pasa lang ang natamo ni Wilson pero kahit na!

Bakit iyon ginawa ni Damon?! Dahil ba sa sinabi ko sa kanya kahapon na manliligaw ko ito? Pero ano naman sa kanya kung totoo man kahit hindi naman?! Oh, gosh! It's really my fault!

Noong una, akala ni Naomi ay magkakilala sila ni Damon at Wilson. Pero ang inakala naman ni Wilson ay parang may pagtingin si Damon kay Naomi, na mariing itinanggi ni Naomi. Balak pa sana ni Wilson na i-report sa police station ang tungkol dito pero ang sabi ni Naomi ay tatawagan muna ako para sabihin at mag-usap tungkol sa nangyari. Kanina pa kaming magkausap dito. Ano ang oras na? Alas 11 na ng gabi!

"I'm very sorry, Naomi. Please. I'm sorry. Napagkamalan pa yata ni Wilson na may something sa inyo ng Damon na iyon!" Sabi ko pa at hindi ko na napigilan ang maluha.

"Eww! Yuck! Agatha, okay na nga. Huwag ka nang umiyak."

"No.." Umiling ako. "I didn't mean to use your boyfriend. Nagawa ko lang siyang pang-asar kay Damon dahil noong araw na nagkita tayong tatlo, sinundan niya ako roon sa mall.."

"Ha? Talaga?"

Bigla naman akong nagtaka sa naging reaction ni Naomi. Tumango ako sa kanya at pati siya ay mukhang napapaisip din.

"Agatha, may sasabihin pala ako sa iyo. Magagalit ka ba kung sabihin ko sa iyong nasabi ko na kay Wilson ang tungkol sa iyo at kay Damon? Hindi ko na naiwasan, sorry!"

Umiling ako at nagpunas ng mga luha. "Okay lang, okay lang. Mas mabuti nga, e. Kumusta na ba siya? Oh, gosh. I'm really sorry. Galit ba siya sa iyo, sa akin, o kay Damon?" Mga tanong ko sa kanya at kinuha ang unan ko para yakapin ito.

"Promise, Agatha, okay lang siya. At hindi siya galit. At ang sinabi niya, hindi niya na itutuloy ang demanda nang sabihin kong ex mo iyon." Napatigil ako sa kakasinghot dahil doon. "Dahil may bigla siyang naalala, parang nakita niya raw si Damon noong nasa mall tayong tatlo na sumusunod sa ating tatlo. Ngayon, mukhang nag-connect na ang kwento dahil sa sinabi mong iyan na sinundan ka pala talaga ni Damon sa mall!"

Maybe It's Not OursWhere stories live. Discover now