14

122 1 0
                                    

"Agatha, kanina ka pa namin napapansin. You look so sad today. Is there any problem?" Tanong sa akin ni Dahlia at umiling lang ako.

Sunod naman akong tinanong ni Elisse pero umiling lang ulit ako, at nagpatuloy lang sa pag-inom ng milkshake na tanging binili ko for lunch dahil wala akong ganang kumain ngayong araw.

Paano ba ako magkakaroon ng gana kung buong gabi at hanggang ngayon ay iniisip ko 'yong nangyari kagabi! Ayung paninigaw ni Damon sa akin. Sa tuwing nagfa-flash sa utak ko, hindi ko alam pero nasasaktan ako. Concern lang naman ako sa kanya pero bakit parang mali iyon? Masyado ba talaga akong nag-assume na may parte ako sa buhay ni Damon para isipin niya kung sino ba ako?

Pero sino ba ako? Sino ba kasi ako sa kanya?

Hindi ko na sasabihin ito kahit kanino, kahit kay Naomi na kanina pa namimilit sa akin kung ano ang problema.

Kagabi, nang lumabas siya, ang ginawa ko na lang ay natulog na pero bago iyon ay umiyak ako. Iniyakan ko 'yong pagsisigaw niya sa akin. That was the first time na masigawan ako dahil sa galit at hindi pala talaga magandang maranasan.

At kaninang umaga paggising ko, hindi ko alam kung nakatabi ko ba siya sa pagtulog o baka sa couch na siya natulog dahil nauna siyang nagising. Pero nagsabay pa rin kami sa pagkain ng breakfast at pagpunta rito sa school, hindi nga lang nagpansinan.

Ngayon, dahil naisipan naming hindi na pumasok sa afternoon class at mag-half day, uuwi na kami after naming kumain. Pero iniisip ko kung paano ako makakauwi sa condo ni Damon. Hindi ko alam ang code ng door niya, at.. at ayaw ko umuwi roon sa kanya ngayon.

Kung kay Naomi muna ako mag-stay ngayong gabi? Napaisip ako roon, pwede. Sige, kay Naomi muna ako, at i-message ko na lang si Damon para hindi siya mag-alala sa akin at sa baby, kung mag-aalala man siya.

Babalakin ko na sanang i-message si Damon para sabihin iyon nang nauna siya, he just sent me a message. Now.

From: Hubby

Nasaan ka, Agatha? May klase ka pa ba?

Sinabi niya sa akin. Kung masama lang ako, gusto kong isumbat sa kanya ang pagtatanong niya kung nasaan ako? Bakit? Tatay ko ba siya? Kaibigan? O boyfriend? Pero hindi ko naman magawa, ni kahit isipin man lang na sabihin sa kanya.

"Nandito ako sa canteen with my friends. Half day lang ako today." Sabi ko at isusunod ko na sana 'yong pamamaalam ko na kay Naomi muna ako mag-stay ngayong gabi nang mag-reply siya.

From: Hubby

Nandito ako sa natatorium, may training kami. Panoorin mo naman ako.

Unti-unti na akong napangiti dahil sa sinabi niya at agad napansin iyon ng tatlo.

"I bet, nag-message na 'yang si Damon!" Sabi ni Naomi at sumilip sila sa phone ko na kaagad kong iniwas sa kanilang tatlo.

"Ano? Ano ang sabi? Hindi ko nabasa!" Reklamo naman ni Elisse kaya ako na ang sumagot.

"Ang sabi niya, nasa natatorium daw siya, may training. He's giving me an update, duh?" Bumalik na ang talagang ako at hindi ko na ulit mapigilan ang aking ngiti.

"Ah, balak mo na naman magpunta roon?"

Tumango ako at inayos na ang sarili ko. "Yes at ngayon na mismo."

Isa-isa na akong humalik sa kanila at nagpaalam, pinaalalahanan naman nila akong huwag masyadong marupok pero wala talaga eh. I'm so marupok, ito na nga, papunta na kay Damon.

Nakarating ako sa natatorium, agad kong nakita si Damon na nandito sa first row ng bleachers, nakaupo at mukhang hinihintay ako while wearing his swimming trunk. Nang mapansin niya ako, nginitihan niya ako. I just gave him a little smile.

Maybe It's Not OursWhere stories live. Discover now