48

107 1 0
                                    

Pagkatapos ng encounter ko kahapon sa pagsama ko kay Damon sa office niya, nagpumilit akong sumama pa rin ngayong araw. Third time at saktong last day niya na ang araw na ito bago na maumpisahan ang kanyang isang buwang bakasyon. Next week na rin ang alis namin papunta sa Italy at naplano ko na ang mga lugar na balak naming pasyalan doon!

"I told you, babe, dumito ka na lang sa bahay. I'll buy you something to eat after work."

Umiling ako at nagpatuloy lang sa pag-a-apply ng light makeup sa mukha ko. "I want to come with you, babe." At saka nilingon siya ritong nagsusuot ng polo niya. "I promise, hindi na ako magpapaapekto sa kung sinong girl ang bibisita sa iyo roon para kulitin ka." Natawa kaming dalawa sa sinabi ko.

Alam ko naman na baka ang iniisip niya ay ma-upset na naman ako kung sakaling ma-encounter ko na naman ang pagpunta ng kung sinong ex niya roon sa office niya. Napairap ako sa isipan ko, kung sakaling may pumunta na namang girl or girls doon sa kanya ay ako na ang haharap sa mga ito. Hmm, I need to do something na makakapagpatigil na sa kanilang ligawan at balak agawin si Damon sa akin!

Naramdaman ko ang pagyakap ni Damon mula rito sa likuran ko kaya nilingon ko siya, inabot ko ang ilong niya para halikan ang tungki nito.

"I love you so much, my Agatha.. You're the only one, pinapangako ko sa buong buhay ko." Inabot niya ang pisngi ko para halikan. "I can't wait to spend my whole life with you, babe. And spending my life means giving it to you wholeheartedly. Sa iyo at sa magiging mga anak natin.."

Naramdaman ko ang pangingilid kaagad ng luha ko dahil sa sinabi niya. "Damon, you are not making me cry, are you? Masisira ang makeup ko."

Nilagyan ko ng biro ang sinabi ko kaya natawa siya, but I mean it! Naluluha na ako ngayon!

"I love you, too, Lewis. So, so much." At muli kong hinalikan ang tungki ng ilong niya. "Ibibigay ko rin ang buong buhay ko sa iyo.."

Bago pa ako tuluyang maiyak dito ay mabuting sinabi niya nang tapusin ko na ang ginagawa ko. Pero nagulat ako nang pagharap namin sa isa't isa ay inumpisahan niya akong halikan sa aking mga labi.. And we're lost.

"Good morning, Mr. CEO. Good morning, Ma'am Agatha.."

Mga bati sa amin ng mga empleyado ni Damon nang makarating na kami rito sa floor ng office niya. At dahil hindi naman gawain ni Damon ang bumati bumalik, ako ang gumawa.

"Hi! Good morning, everyone!" I greeted them cheerfully.

Hawak-kamay kami ni Damon na naglalakad patungo sa loob ng office niya, at nang makarating na kami, hawak-hawak pa rin niya ako hanggang sa maupo kami sa swivel chair niya. At ako, sa lap niya nakaupo.

He looks exhausted and so am I. We both still feel the tiredness because of the hot love making we just made before going here to his office! Gosh, kasalanan niya! Siya ang nag-umpisa!

"You look tired pa.." Natawa ako at hinarap siya, inayos ko ang buhok niyang medyo nagulo. "Bakit kasi ang harot mo, Mr. Salvador?"

Okay, at first, I thought that was just making out. Pero nang hubarin niya nang muli ang suot niyang attire, alam kong matatagalan kami. Hindi naman ako tumanggi dahil gusto ko rin. Yeah, I am maharot, too.

What time is it? It's already 10 o'clock! Imagine, nagising kami kanina nang maaga para sana pumasok sa work sa tamang oras, and now here we are! Late na pumasok nang dahil sa love making namin! Oh, gosh, mabuting hindi nagtanong si Daddy kung bakit ay napatagal kami sa pag-alis.

Natawa na rin siya at tinitigan ako. "Bakit kasi ang sexy mo, Mrs. Salvador?" Pilyong sagot niya sa akin.

Mrs. Salvador. Hmm, I like it. Very much.

Maybe It's Not OursWhere stories live. Discover now