24

65 3 0
                                    

Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ng moderator namin. Nakatulala lang ako sa kanya habang nagsasalita. Oo, naririnig ko, pero wala ang atensyon ko sa mga sinasabi niya dahil hindi naman ako totally nakikinig.

Actually, kahapon pa ako ganito. Kahapon pa nang makarating kami rito sa Boracay. Napansin na rin nina Elisse at Dahlia itong pagiging wala ko sa mood. "Wala sa mood," ayan ang akala nila. Pero hindi iyon ang talagang nararamdaman ko kung bakit ako nagkaka-ganito, at bukod sa akin, si Naomi lang ang nakakaalam kung bakit ako nagkaka-ganito.

Pangalawang araw na nga namin ito rito sa Bora pero bakit parang ilang araw na akong nandito. Naiinip ako, natatagalan ako sa paglubog ng araw. Kung ang mga kaklase ko, nae-excite ngayong nandito at tuwang-tuwa, ako naman ay hindi gano'n ang nararamdaman. Isa lang naman ang rason at ayun ay dahil iniisip ko si Damon.

Ngayon ko naisip na kung hindi lang ito required, baka hindi na ako sumama at piliin na lang na si Damon ang kasama. I kinda miss him. No, I miss him. A lot. Gusto ko nang bumalik sa Manila para makita at makasama na ulit siya. Pero ang katumbas naman nun ay 'yong pag-amin ko na sa panloloko ko sa kanya.

Inayos ko ang upo ko at sinubukan nang makinig sa moderator, hanggang sa maisipan kong magpunta sa restroom. Nagpaalam ako sa dalawa at inalok pa sila kung gusto rin ba nilang mag-restroom. Si Naomi ang tumayo para sumama sa akin, at alam ko kung bakit.

"Hindi ka mapakali. Kinakabahan ka ba, Agatha?" Sabi niya sa akin pagpasok namin sa restroom. Kami lang na dalawa ang nandito.

Umiling ako, habang kaharap naming dalawa ang salamin na mayroon dito sa restroom.

"Kinakabahan na sabihin sa kanya dahil sa balak ko nang aminin ang panloloko ko? Hindi. Pero kinakabahan na baka mag-iba na ang tingin niya sa akin, oo." Pag-amin ko sa kanya at nakita kong malungkot siyang ngumiti.

"Sigurado ka bang pagkauwi na pagkauwi natin sa Manila, sasabihin mo na kaagad sa kanya? As in, siya kaagad ang pupuntahan mo?" Mga tanong niya sa akin at tumango ako.

I have already decided, pagkabalik na pagkabalik namin doon sa Manila, siya ang una kong pupuntahan at kikitain. At ngayon pa lang, naiinip siyang naghihintay sa akin at pagkakita na niya sa akin, sasalubungin niya ako ng yakap at halik. At.. At sasabihin ko na sa kanya 'yong kasalanan ko.

"Tama ka, Naomi. Habang tumatagal, mas mahirap." Ngumiti ako sa kanya hanggang sa maluha ako. "Mahal ko na siya, e. Pero hindi ko na kayang patagalin pa itong niloloko ko siya.. Dahil nasasaktan ko na siya."

Hindi ko na kayang patagalin. Dahil pakiramdam ko ngayon, habang tumatagal, parang mas nagbabaon ako ng rason para magalit talaga siya sa oras na sabihin ko na sa kanya. Pero the fact na magalit man si Damon, pareho kaming umaasa ni Naomi na maiintindihan ako ni Damon kung bakit ko ito nagawa. Oo, mali, pero may sense naman 'yong reason ko, 'di ba?

Kung hindi ko siya niloko, mapapasok ko pa rin ba ang buhay niya? Hahayaan pa rin ba niya akong makilala siya?

"Huwag mo munang isipin iyan, Agatha. Bukas pa naman iyan. For now, i-enjoy mo muna itong trip natin dito sa Bora. Narinig ko, tinatanong ka ni Damon kanina kung kumusta, wala kang ganang sumagot."

Natawa na ako sa sinabi niya. "Oh, ba't parang naging Team Damon ka na, Naomi?" Nanlolokong sabi ko sa kanya at natawa rin siya.

"Oo nga, sa ngayon. Eh, mahal mo na! Boyfriend mo na siya, 'di ba?" Umirap siya sa akin at mas natawa na ako.

After that, kusa naming niyakap ang isa't isa. Pinatong ko ang chin ko sa shoulder niya at ramdam ko naman ang paghahaplos niya ng buhok ko.

"I'm sorry, Naomi, kung nadamay pa kita. Ha? And I'm sorry kung napilit kitang kunsintihin 'tong ginagawa ko." Wika ko sa kanya at muli na naming hinarap ang isa't isa.

Maybe It's Not OursWhere stories live. Discover now