45

136 3 0
                                    

"I don't think that I could make love to you here in your room, babe. Your pussy cat is freaking me out with that kind of stare." Sabi ni Damon nang makalabas na ako mula sa bathroom.

Nakaupo na siya sa bed at sinundan ang tinitingnan niya and it's Cleo. She's staring at Damon habang nakahiga sa bed nito, muli akong natawa.

"She'll be fine, babe.." Kumuha ako ng cotton balls para mag-apply ng skin care products ko na siyang routine ko before sleeping.

"Kanina niya pa ako tinititigan nang ganito."

"Buhatin mo siya, she's sweet kaya. Attitude lang siyang tumingin pero malambing siya. She won't scratch you, Lewis.. At baka tinititigan ka lang niyan ngayon kasi gwapong-gwapo siya sa iyo." Natatawang sabi ko pa sa kanya.

Hindi niya sinunod ang sinabi ko at sa akin na ngayon nakatingin si Damon. I can see it ngayong kaharap ko ang salamin at nakikita ko ang titig niya sa akin at sa katawan ko. Oh, nakapagpalit na pala ako ngayon ng isang satin night dress na hanggang gitna ng hita ang haba. Napangisi ako at ipinakita ko ang ngising iyon sa kanya.

Nang matapos ako sa ginagawa, humarap na ako sa kanya at nakatitig pa rin siya sa akin. Hanggang sa lapitan ko si Cleo at buhatin.

"You are her Daddy pala! Say hi to Daddy, Cleo! Hi, Daddy!" Humahagikgik na sabi ko at binalik ko si Cleo sa bed nang senyasan na ako ni Damon na lumapit na sa kanya sa bed.

Umupo ako sa lap niya at kagaad niya akong inamoy-amoy sa balikat ko. Nang lingunin ko siya, malalim lang siyang nakatitig sa akin. Hanggang sa abutin niya ang mga labi ko at halikan ang mga ito.

Naligo na siya kaya pagpapalit lang ng damit na pantulog ang ginawa niya ngayong nandito na kami sa room ko. Habang ako, nag-shower dahil naiinitan ako kahit naligo na ako kanina before our family dinner.

"Cleo is looking at us.." Wika ko nang magbitiw ang mga labi namin.

Natawa siya. "Naba-bother ka sa pusa, pero hindi sa Kuya mong nasa katabi nitong kwarto mo?" Tanong niya sa akin at bumaba ang hawak ko mula sa balikat niya ay nasa braso niya na ngayon.

"Huwag ka ngang maniwala kay Kuya Sandro. He was just joking." Sabi ko ulit sa kanya dahil alam kong iniisip niya na naman 'yong kaninang "banta" ni Kuya Sandro about sa pagla-lock namin ng pinto nitong room ko.

Ang sabi kasi ni Kuya Sandro, bawal mag-lock ng pinto at dapat ay may unan na nasa gitna namin ni Damon. As if susundin namin siya? Si Daddy nga ay walang sinasabi rito! 

Wala nang magagawa si Kuya Sandro at oo, locked na nga ngayon ang door ko! Bleh.

Parehong dumako ang tingin namin ni Damon sa tiyan ko nang dumapo rito ang isang kamay niya. Hinawakan ko ang kamay niya para sabay naming hawakan ang pakiramdaman baby namin.

"Honestly, hindi ko alam kung kaya kong magpaka-tatay, Agatha. You know that?"

Unti-unting nawala ang ngiti ko nang sabihin niya iyon sa akin. Nang tingnan ko siya, nakatingin pa rin siya sa tiyan ko habang hinahaplos-haplos pa rin ito. Hindi man siya nakangiti pero hindi rin naman galit ang nararamdaman ko at sa mga salita niya. Kundi pagdududa sa sarili..

"Alam mo naman na hindi ko naranasang magkaroon ng buo at masayang pamilya tulad mo.. At kung tatanungin ako kung anong klaseng magulang ba ang mayroon ako, hindi ako magdadalawang-isip sabihin kung ano nga ba. Ano na nga ba?" Natawa siya pagkatapos at tiningnan na ako, hindi ako makasagot.

O kung kailangan ba akong sumagot sa sinabi niya. Gustuhin ko mang isipin kung bakit at nasasabi niya ito sa akin ngayon pero ang pumapasok ngayon sa isipan ko ay 'yong kaninang natanong nina Daddy at Kuya ang tungkol sa pamilya niya..

Maybe It's Not OursWhere stories live. Discover now