23

82 3 0
                                    

Hindi ko maiwasan ang matitigan si Damon habang kumakain kami ngayon. Sa kinakain niya lang siya nakatingin, pero nang iangat niya bigla ang tingin niya sa akin, hindi ko na magawang umiwas pa. Mukhang alam niya na kanina ko pa siya tinitingnan nang palihim.

"Why are you staring at me like that, Agatha?" Tanong niya sa akin at ngumiti ako sa kanya.

"Bakit? Hindi ba pwede?" Tanong ko sa kanya pabalik at natawa siya.

Nandito kami ngayon sa isang hotel, kumakain ng lunch. It's just the two of us, pareho naman naming lunch break at vacant ang oras na ito. Siya ang nag-aya sa akin na kumain kami nang sabay. At first, I thought sa condo unit niya kami kakain, pero nagulat na lang ako nang dito sa hotel na ito kami nagpunta.

So, it's like a date. I consider this as a date.

Magkatapat kaming dalawa rito sa table, a table for two people. We are now really a couple. Madalas ko pa ring maisip kung totoo ba talaga na boyfriend ko na si Damon at girlfriend niya ako. It still feels like a dream!

"Ah, may naalala ako." Pinunasan ko muna ang bibig ko gamit ang napkin bago magpatuloy sa pagsasalita. "Nakakain ka na rito, right? Nakapunta ka na sa hotel na ito?" Mga sinabi ko sa kanya at parang kumunot pa ang noo niya, dahil ata sa pagtataka.

"Hmm, yeah. I guess."

"Stop guessing, Lewis." Natawa ako. "Mayroon pa nga akong video at pictures na nandito ka sa hotel na ito!" Sabi ko sa kanya at mas nagtaka siya rito.

"Ha?" Natatawang sabi niya at ang cute niya ngayon sa reaction niya. Nagtataka talaga siya.

"Ito. Tell me, nakapunta ka na rito sa hotel na ito, right? Dito mismo sa restaurant, kumain ka at may kasama ka."

Napatigil muna siya sa pagkain para isipin ang sinasabi ko, hanggang sa sumagot niya ng oo, nakapunta na siya rito.

"I know dahil nakita kita! Nandito rin ako noong gabing iyon, I'm with my family. At sa labas kita unang nakita, you were vaping that night and I was taking a video of you." Humagikgik ako pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya.

Napatango-tango siya, mukhang naaalala niya na. "So, you were the girl. Napansin kaya kita."

Tumango ako. "Ah-huh. Kaya nga kinabahan ako, I was a stalker ba that night? Na-cringe ka ba or what? You know, I was like invading your privacy that night, dahil kinukuhanan kita ng pictures at video." Wika ko sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain.

"No." Umiling siya at ngumiti sa akin. "Lalapitan nga sana kita, e. I was about to ask you about having sex with me. No joke."

Halos maduwal ako sa sinabi niya, nanlaki na lang ang mga mata ko. Oh, Lewis! Mukhang hindi nga siya nagbibiro dahil hindi siya tumawa pagkatapos. At ang seryoso ng mukha niya.

Iniisip ko na kung sakaling nalapitan man niya ako at inalok na gawin "iyon," gosh, ano kaya ang isasagot ko?

Damn, Agatha! Of course, it would be a no for me! Kasama mo ang buong pamilya mo!

Hotel McBride, ito 'yong hotel na once na nakita ko rin siya rito na nandito. At ito ang kinaroroonan namin ngayon, dito kami kumakain. Ang sarap pala talaga ng food dito kaya maraming guests.

"Ahm, sino pala 'yong kasama mo nun? Naalala ko, dalawang lalaki at isang babae iyon." Pagtanong ko na lang sa kanya at nagkibit-balikat siya.

"Tatay ko and his business partners." Tipid niyang sagot.

Gusto ko sanang alamin kung ano naman ang napag-usapan nila? Kasi kung naaalala ko, parang wala siya sa mood nun. Pero hindi ko na rin itinuloy. Naiba naman ang kwento nang ma-curious naman ako kung nag-i-smoke ba siya at ang nalaman ko, madalang lang. Naninigarilyo or vape lang siya kapag stressed siya, pero hindi niya bisyo iyon.

Maybe It's Not OursWhere stories live. Discover now