53

90 3 0
                                    

Damon is now back to work, kaya sa tuwing pumapasok siya ay naiiwan ako rito sa bahay kasama sina Manang Helena at ang anak nitong si Ate Karen. Hindi naman ako nababagot dahil masayang kakwentuhan sina Manang, at kung hindi man sila ang kakwentuhan ko ay ang mga pamangkin ko namang makukulit through a video call. At ang makulit na si Vivienne ay gusto na namang bumisita rito sa bahay ni Damon.

Ang sadya ay ang pool, alam ko.

Hindi na rin ako gumagala, dahil ramdam ko na ang pagbigat ng dinadala ko. At kahit gustuhin ko mang gumala ay hindi na dahil iniipon ko ang lakas ko sa oras na malaman na namin ang gender ng baby, doon ako lalabas para bumili ng mga gamit nito. Kami ni Damon.

Last week naman ay nagpunta ang tatlong kaibigan ko rito sa bahay ni Damon, binisita ako at nagkwentuhan hanggang hapon.

"Kumusta ang buhay asawa, Agatha?" Tanong ni Naomi sa akin nang may mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi.

"Good." At sumang-ayon naman ako.

"Gustong-gusto ang word na "asawa," ha." Sabi naman ni Elisse pagkatapos inumin ang kanyang juice.

"Hindi naman magtatagal ay magiging mag-asawa na rin si Damon at Agatha. Pero parang ganoon na rin naman, mukha na silang mag-asawa. May baby na nga sila, oh." Wika naman ni Dahlia at napalingon ako sa kanya.

"Oo nga pala. Hindi pa ninyo napag-uusapan ni Damon ang tungkol sa.. kasal, Agatha? You know, after you give birth? Kahit plan man lang, wala siyang sinasabi?" Dahan-dahang tanong ni Elisse kaya bumalik ang mga mata ko sa kanya.

"Hoy! Hindi ba't engagement muna? Proposal, ganoon?" Kontra naman ni Naomi sa kanya at natawa.

"Kailangan pa ba iyon? Eh, sigurado naman na si Damon at Agatha sa isa't isa kaya naman ay pwede na silang dumiretsong kasal na?" Ani Elisse at siya rin ang bumawi. "Sabagay, tama naman si Dahlia. May singsing man o wala, kasal man o hindi, mukha pa rin kayong mag-asawa ni Damon, Agatha." Sabi niya pa sa akin at natawa na rin ako.

Oh, really?

"Pero iba pa rin kung kasal na talaga." Sabi naman ni Dahlia sa huli at may kakaiba sa kanyang ngiti.

Sina Daddy naman ay madalas din na bumisita rito. Ilang oras siyang mananatili at saka na aalis. Madalas naman ay kami ang nagpupunta ni Damon doon sa bahay kapag iniimbitahan kami for dinner. And of course, pagsapit ng Linggo ay kumpleto kami dahil church day.

Hindi naman nakaka-homesick, hindi naman nakakapanibago dahil parang wala namang pinagkaiba. Lumipat lang kami ng bahay ni Damon pero madalas ko pa ring nakikita sina Daddy at ang mga kapatid ko. Kung mayroon mang bago, siguro itong ipinaalam na ni Damon na magkakaroon na siya ng anak. Sa lahat.

Napag-usapan na namin ito bago pa man siya bumalik sa trabaho, dahil aware siya na pagkabalik na pagkabalik niya ay baka medya ang sumalubong sa kanya. Lalo na't conference ang pinasukan niya sa muling pagbabalik niya sa trabaho.

He had no plan of hiding our relationship and our baby. Although alam naman na ng lahat na ako ang girlfriend niya, pero inuulit-ulit pa rin niya sinasabi. Ipinagsisigawan sa lahat. Diretsa niyang sinagot ang mga tanong sa kanya ng medya, tulad na lamang nang tanungin kung kailan niya balak magpakasal at ang sinagot niya ay..

"Getting married is one of my priorities but that isn't on the top. Because my girlfriend, Agatha Delos Santos, and I are having our first baby, ayun muna ang pinagtutuunan namin ng atensyon. Sa ngayon."

When I watched that interview, hindi ko mapigilan ang ngumiti nang malawak. Lalo na nang napakaraming articles ang lumabas dahil sa sinabi niya kaya kalat na sa lahat. At hindi rin malabo na nakarating na rin ito sa batchmates ko o kung sino pang nakakakilala sa amin ni Damon. It's just masarap sa pakiramdam na naipagmamalaki niya ako, ang relasyon namin, at ang magiging anak namin.

Maybe It's Not OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon