16

96 3 0
                                    

"Ayan na 'yong sinasabi ko sa'yo, Agatha! Ano na? Paano na?"

Natataranta ako kay Naomi na natataranta rin. Parang siya pa nga ang nagmumukhang kabado rito kaysa akin. Kagat-kagat niya ang mga daliri niya at gustuhin ko mang sabihin na ang OA ng reaction niya, hindi ko rin magawa dahil apektado rin naman siya rito.

Ano ang ikinakabahala namin? 'Yung kahapon! 'Yung pagbuhat sa akin ni Damon at nakita iyon ni Kuya Gus! Malulusutan ko pa sana iyon pero hindi na dahil sinabi ni Damon na boyfriend ko siya. Sa Kuya ko mismo!

"Seryoso ka bang walang sinabi si Kuya Gus sa'yo? Hindi nanghinala, hindi nagsumbong?" Mga tanong niya pa sa akin at tumango ako.

Noong sinabi ni Damon kay Kuya Gus ni boyfriend ko siya, sobra ang kaba ko. Lalo na't pagsakay namin ni Kuya Gus, ang seryoso ng reaksyon niya habang nagda-drive, hindi niya ako iniimik. Not until itanggi ko na hindi ko boyfriend si Damon. But he asked me, kung hindi ko boyfriend si Damon ay bakit niya ako buhat? At ang sinagot ko, si Damon ay isang makulit na gustong manligaw sa akin. Pero hindi ko ini-entertain.

Tumango si Kuya Gus doon pero kabado pa rin ako. Akala ko, noong pag-uwi namin sa bahay kahapon, sasabihin niya kay Daddy o kay Kuya Sandro ang tungkol doon. Pero hindi at hanggang kaninang umaga, normal lang naman ang pakikitungo sa akin ng lahat sa bahay. Pati si Kuya Gus. I guess, napaniwala ko siya sa sinabi ko, at hindi niya na sinabi pa ang tungkol doon kina Daddy dahil wala lang naman iyon.

"Alam mo, Agatha, mas nakakatakot itong hindi na nagsalita pa ang Kuya mo ah. Baka hindi natin alam, ini-spy na pala ikaw. Tayo! OMG!"

Nagsimula na rin akong kabahan sa sinabi ni Naomi. Pinigilan ko siya sa pag-iisip ng kung ano-ano dahil nahahawa ako sa pag-o-overthink ng mga pwedeng mangyari at nangyayari. Sana naman ay talagang kumbinsido si Kuya Augustus sa sinabi ko, hindi naman na niya siguro sisiguraduhin iyon, 'di ba? Lalo na't busy na siya para sa board exam niya!

Four o'clock, nandito ako ngayon sa unit ni Naomi, kaming dalawa. Dito na ako susunduin ni Damon dahil Thursday ngayon, kaya sa kanya ako hanggang Saturday morning. Si Damon, wala na ring sinabi after nung kahapon. I didn't message him because why would I?! Una, binuhat niya ako nang bigla-bigla! Pangalawa, nahuli kami ni Kuya Gus dahil ang kulit niya! At pangatlo, sinabi niya kay Kuya Gus na boyfriend ko siya!

Bakit ba ako binuhat nun? Yes, I felt kilig pero napalitan din naman ng kaba!

Nang sabihin ko rin ito kina Dahlia at Elisse kanina, itong nahuli kami ni Kuya Gus at sinabi ni Damon na boyfriend ko siya kay Kuya, kinabahan din sila! Well, kung iba sanang lalaki ang kasama ko kahapon, wala lang sa kanila. Pero si Damon iyon?! At sinabi pang boyfriend ko siya?!

Bakit ba kasi sinabi ni Damon iyon?! That naughty boy!

"I think hindi na iisipin iyan ni Kuya Gus. At isa pa, busy na siya masyado.." Sabi ko sa kasama ko at nagkibit-balikat siya.

Mabuti nga na hindi si Kuya Sandro ang sumundo sa akin kahapon! Dahil kung siya ang nakaharap ni Damon, ewan ko na lang!

"Sana naman! Kasi kinakabahan akong may isa sa mga Kuya mong magpunta rito, para tingnan kung nandito ka ba talaga. One of these days, Agatha!" Kinabahan na naman ako sa sinabi ni Naomi.

Sana naman ay hindi mangyari ang sinasabi ni Naomi! Though may point siya, pero mas kumbinsido naman akong hindi na iisipin ni Kuya Gus si Damon.

Maaga ang dismissal namin ngayon dahil wala ang prof namin sa last subject. Kaya rito muna ako nag-stay sa condo unit ni Naomi. Dito na rin ako magpapasundo kay Damon. At nang sumapit na ang 5 PM, nag-message na si Damon.

Maybe It's Not OursWhere stories live. Discover now