ligaya (T) pt2

1.7K 108 7
                                    

Huwag ka sanang magtanong o magduda

-

"Remember Jon? 'Yung bestfriend ng dati kong manliligaw na binasted ko rin kasi si Lisa 'yung gusto ko?" tumawa ako kasabay ng pagpunas ng luha ko. "And Mateo, his bestfriend that years later tried to be friends with me? Iniwasan ko kasi ayokong magselos si Lisa."

"Hindi lang 'yon ah? Throughout the years ikaw mismo umiiwas bago pa magselos 'yang jowa mo 'di ba?" bitter na dagdag ni Rosé sabay puno ng alak sa baso ko.

"Come to think of it," nanlilisik ang mga mata ni Irene habang mahigpit na mahigpit ang hawak sa unan na nasa lap niya, "Sa almost five years na relasyon niyo, ngayon ka lang naman nagselos ng ganito sa ibang babae. Right, Jen?"

I nodded while sobbing. Hinaplos ni Rosé 'yong likod ko habang kumakain ng fries. Alam kong dinadaya ako ng mga 'to, eh. Ako lang halos nakakaubos ng alak.

"Iiyak mo lang girl," sabi ni Rosé. "Pero bukas, makikita ng Lalisa Manoban na 'yan ang sinayang niya."

I glared at her. "Hindi naman kami nagbreak! Nag-away lang!"

Irene pouted, "So no total make over? No new hairstyle?"

That blonde girl with extended lashes, luscious red lips, curly hair and bangs and a tight, black dress with a slit high enough to reach mid thigh, laughing with my girlfriend as I saw them stroll around the mall with her arm linked on Lisa's, flashed on my mind.

I sniffed sabay punas ng mga luha ko. I'm done crying.

"Does orange hair suit me, girls?"

-

"Rosé sige na naman. Gusto ko lang makausap 'yung girlfriend ko," rinig kong makaawa ni Lisa three days later.

Earlier this year kasi she asked me to move in with her already. And I haven't been home for three days now since our fight.

"Ano? Ganon-ganon na lang ba 'yon ha?" pagtataray ni Rosé. "Alam mo kung ano 'yung masakit—"

"Babe, hindi naman ikaw 'yung sinaktan," sabi ng back up ni Lisa na si Jisoo. At talagang nagsama pa ng kaibigan.

"H'wag mo kong ma babe-babe Kim Jisoo kung kukunsintihin mo 'yang kalandian ng kaibigan mo ha! Kayo na lang talaga magsama!"

Nung nakituloy kasi ako kay Rosé, pinatalsik niya si Jisoo papunta sa apartment namin ni Lisa para raw walang "spy". I kinda feel bad na pati 'yung relasyon nila nadadamay sa away namin ni Lisa.

"Sabi ko nga tangina nitong si Lisa pano mo nagawa 'yon kay Jennie dude?!"

"Gago sabi na si Seulgi na lang dapat sinama ko," angal ni Lisa.

"Enough," iritang sabi ni Rosé. "Jisoo iuwi mo na 'yang kaibigan mo."

"Pero babe hindi ba pwedeng si Lisa na lang umuwi? Tayong tatlo na lang ni Jennie dito-"

"You can stay, Chu," I butted in. I saw Lisa's face enlightened when she heard my voice, but the surprise in it was apparent when I stepped out. Iniwasan ko ang mga mata niya at tiningnan ang mga kaibigan namin, "Thanks for letting me stay here, Rosie. And sorry nadamay pa kayo."

It took a little more convincing para pumayag si Rosé. Mas galit pa ata siya kay Lisa kesa sakin. Paano kasi, lapitin din ng babae at lalaki si Jisoo kaya alam niya 'yung nararamdaman ko kapag nagseselos ako dun sa new officemate ni Lisa.

Worth the Shot - JENLISA collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon