ligaya (T)

2.6K 99 17
                                    

A/N: Just a random and short one because I got bored.

-

Ilang isaw pa ba ang kakainin, oh giliw ko?

Ah, how the fuck did I end up this broke?

Napailing na lang ako sabay kuha ng isa pang stick ng isaw.

"Isaw again? So cheap naman," pabirong sabi ni Seulgi pero kumuha rin ang loko habang sinasamaan siya ng tingin ni ateng tindera. Mukha kasing tatakbo nang 'di nagbabayad eh.

"Tigilan mo nga," inis na sabi ko.

To be honest, may kaya naman ang pamilya ko. I wouldn't be able to pursue architecture otherwise.

Kaso, sa sobrang yaman ng crush ko para akong sinasampal ng kahirapan kahit sobrang down to earth niya.

"Ampota kasi tipid na tipid?" halakhak ng demonyong 'to. "Nakamagkano ka na naman kagabi sa date niyo?"

"Inaya ko kasi sa Italian restaurant," kwento ko habang tuloy pa rin sa pag kain, "Sabi ko I heard you love Italian. Order anything you want. Tangina hindi ko naman alam na pang isang buwang budget ko pala mga pagkain do'n! Nadaanan lang namin habang naglilibot eh."

Humagalpak siya ng tawa, halos mangiyak-iyak na nga.

Hindi naman ako nagsisisi since Jennie's smile was worth it. A dinner with her was worth it. Ano ba naman 'yung isang buwan akong mabuhay sa isaw, 'di ba?

"Tapos regular pala siya do'n kaya aware siyang pricey. Pinipilit niya na sagot niya na eh. Syempre hindi kaya ng pride ko, ako 'yung nag-aya tapos sabi ko pa order anything you want."

Seulgi looked like she doesn't know kung matatawa ba siya o maaawa.

"Oh? Si Jennie 'yon 'di ba?" turo niya sa gate ng campus. She was walking out alone, probably to buy something dahil hanggang gabi pa naman klase niya, when a car from inside the campus slowed down to match her pace. Napa-tsk si Seulgi sabay lagay ng kamay sa balikat ko, "Ayan na naman 'yung mayamang asungot."

Mabilis kong kinain 'yung natitirang isaw tapos tinapon 'yung stick sa basurahan.

Si Jon, manliligaw rin ni Jennie. He's filthy rich kaya wala akong laban, sa kotse pa lang.

"Oh? Hindi ka susugod?" tukso ni Seulgi.

I just crossed my arms and pouted. "Ano naman magagawa ko kung gusto niya sumama sa hatdog na 'yan? Hindi naman kami."

Mayaman na pogi pa. Kung hindi lang ako bakla, baka inagawan ko na si Jennie.

"May nagbabadyang ngiti nga po mga kaibigan," pang-aasar na naman ni Seulgi nang makita naming umiling si Jennie kay Jon, probably declining a ride. "Tanga cue mo na para umeksena."

He drove away after that.

Napangiti na nga ako at tumingin sa kaliwa't kanan para tumawid papunta kay Jennie.

At least she looked happier to see me.

"Going somewhere?" tanong ko.

She clings to my arm with a gummy smile after seeing me. "Tara. I'm hungry."

Patay na.

"Is that Seulgi?" tanong niya nang makita 'yung loko na may hawak na dalawang stick ng isaw, kumakaway sa amin.

"Ah, oo, 'wag mo na lang pansinin," I chuckled.

"No but I want isaw too," hinila na niya ako patawid kaya wala akong nagawa.

"Nakakain ka na ba ng isaw?" gulat na tanong ko.

"Oo naman!" offended na sabi niya. She high fived Seulgi na kanina pa nasa ere ang kamay, "Seul! Libre mo ako."

Worth the Shot - JENLISA collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon