23 : Falling Apart

81 3 0
                                    


Wala na siya sa bahay niya noong paggising ko. Wala rin siya sa office noong pagpasok ko. The stares and whispers everytime I pass by told me that the rumors are really spreading all over the entire building. 



Hindi ko alam kung anong klaseng chismis ang naririnig nila pero alam kong hindi maganda iyon. Judging by the way they look at me, I know they believed that it was my fault.



Maski nga si Marc hindi na ako pinansin noong lunchtime. Ewan ko ba pero nagmamadali siyang kumain at bumalik sa trabaho. I was alone eating when a bunch of employees two tables away started talking about me. 


Aloud.



"Malandi masyado. Pati boss pinatulan."



"Paano 'yun, te? Dagdag sa sahod niya 'yun?"



"Depende sa performance." Some of them laughed.



"Huy, mga bibig niyo ha. Mabait naman siya. Baka true love naman."



"True love? Seryoso? Mukhang hindi naman sila."



Gusto ko silang sagutin isa-isa. Gusto kong magpaliwanag. Pero anong dulot nun? Wala namang may alam kung ano ba talaga kami ni Tyrone. Walang makakaintindi. 



Kasi kahit mismo ako, hindi ko na alam at maintindihan. Akala ko kasi may nagbabago na samin. Akala ko nababago ko na siya. Pero hindi.



Ang lumalabas sa mga mata nila, isa akong social climber na secretary na nagpakalandi.



Hindi nila alam na ang masakit na katotohanan na nagmahal lang naman ako ng sobra sa taong hindi masusuklian ang feelings ko.



Hindi ko na naubos yung pagkain ko at umakyat na lang sa office. Matapos kong makalma ang sarili ko, nagdesisyon na lang akong mag-undertime. Mukha namang hindi papasok si Tyrone, kaya nag-iwan na lang ako ng note sa desk niya. 



Palabas na ako ng building noong may tumawag ng pangalan ko. "Mej! Mej!" Mabilis na takbo sa akin ni Korin at Mimi. "Buhay ka pa pala?! Bakit hindi mo sinasagot yung phone mo?! Kanina pa kami tumatawag!?"



Nagtataka ako sa mga mata nilang namumula. Lalo akong nagulat noong umiyak si Mimi. "Mej... tumawag si Crisa. Your father had a heart attack. Kaninang umaga."

Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)Where stories live. Discover now