7 : Tissue, Fireworks, and Beer

105 3 0
                                    


"I'm sorry?" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses sa narinig kong sinabi ng secretary ni Mr. Mendez. "What do you mean next week pa darating si Mr Mendez?"



Narinig ko naman talaga. Gusto ko lang maulit para sure. 



"He is on a leave and he will not be back until Monday. I am sorry, Miss, pero kung gusto niyo ng appointment with Mr Mendez, you will have to wait until Monday. Nasa Macau sila ngayon ng asawa niya."



Sapat na yung mga narinig ko para matanggap na tama si boss na aabutin pa kami ng more than three days dito. "Okay, I will inform my boss about this. Can you send me the details for the meeting on Monday with Mr Mendez?"



Kasing-lalim ng balon ang paghinga ko noong matapos ang tawag. I sent a quick and convincing text to my father para ipaalam sa kanila na okay lang ako, at matatagalan pa ako ng ilang araw.



Pero hindi ko sinabi na hanggang Monday next week pa. Alam kong papagalitan ako nun at papauwiin kaagad kasama ang linyang "Mag-resign ka na kasi dyan sa trabaho mo dahil aalis ka naman na pa-America."



Ginamit ko ulit yung dress na suot ko kagabi dahil tatlong pamalit lang naman ang dala ko kasama ang dalawang formal working clothes ko. Pagkakain ko ng hinatid na almusal, mabilis akong kumatok sa room ni sir. 



I glanced at my watch. Alas-nuebe na ng umaga kaya siguro naman gising na siya.



Pangatlong katok ko noong tumunog ang phone ko. "Hello, sir? Good morning."



"What's good in the morning when you are banging the fucking door like that? Get inside." Halata sa boses ni Sir na hindi pa talaga siya gising at nawindang siya sa katok ko.



"Sir, I don't have your key."



"It's not fucking locked, just get inside." Yung tut-tut ng phone ko yung nagsabi sa aking hindi maganda ang gising niya at lalong sasama ang mood niya kapag nalaman niya ang update kay Mr Mendez. 



Mabilis akong pumasok sa kwarto niya, only to find empty bottles on the floor near his bed. Nakadapa pa rin si sir sa kama, with his pajama and shirt on, at nasa tenga pa rin niya yung phone niya. 



"What do you want?" Napansin kong parang garalgal yung boses niya.



Hindi na bago sa akin ang makitang maglasing ng ganito si Sir. Simula noong... noong mamatay ang mommy niya at parang nag-break (pero hindi naman naging sila) ni Maam Yvonne. Hindi na ako magugulat kung may makita rin akong suka sa kung saan man.

Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)Where stories live. Discover now