18 : Two Lonely Hearts

87 2 0
                                    


Ang akala ko na magiging mahirap ang sitwasyon na magkasama ulit kami sa business trip, mali pala. 



Dahil hindi lang mahirap. Sobrang hirap.



"I am sorry, Ma'am, but there are no more rooms available." Paliwanag ng babaeng nasa front desk sa akin habang tinitignan ko siya ng masama. Bago ako umuwi sa trabaho noong Sabado, I made sure na dalawang kwarto ang pina-reserve ko para sa pagdating namin ngayon.



"Listen, there has to be a mistake." Napahawak na ako sa kamay ng receptionist at buong puso akong nagmamakaawa. "Please, just check it again. Two rooms for Mr Tyrone Advincula. A-d-v-i-n-c-u-l-a. Baka yung kausap ko sa telepono kasi, mali yung narinig niya. Please."



She tried her computer again and shook her head apologetically. "Maam, I am really certain. Isa lang po talaga ang naka-reserve under the name of Mr Advincula."



Kumawala ang kanina ko pang pinipigil na hininga. "Is there anything wrong?" Bumalik ang tensyon sa katawan ko noong marinig ko ang boses ni sir sa likod ko. 



He had to park his car kaya nauna ako at ako ang kumausap dito. I turned my head to him slowly. Naningkit kaagad yung mata niya na para bang naintindihan niya agad kung anong problema.



"Sir... may problema sa room reservation..."



He glared at the receptionist. "Can't you do something about it?"



Pero maski yung tingin ni sir hindi tumalab sa katotohanan. "I am really sorry, sir. Pero wala na po talagang ibang bakanteng room. Isa lang po talaga ang nakarecord dito na pina-reserve ninyo." Paliwanag ulit niya.



I stared at the ground and offered to help. "Sir, sa ibang hotel na lang ako—"



"Let's go. We shouldn't be wasting our time." Kinuha na niya yung susi at mabilis niya akong hinila papasok sa elevator. Muntikan na rin akong napatid dahil mabigat ang mga dala ko.



"Sir, I am really sorry." Bulong ko matapos manahimik. "Pero sinigurado ko talagang dalawang kwarto yung pina-reserve ko noong tinawagan ko—"



"What done is done, Tiana. I don't mind sharing a room with you." Sabi niya habang nakatingin sa relo niya. Para namang may mga lumilipad na kung ano sa tiyan ko sa sinabi niya. Napailing ako ng marahan. 



Don't fall for him, don't fall for him, and don't fall from his words!

Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)Where stories live. Discover now