4 : Don't Push It

119 3 0
                                    


I was back to my normal life again when my clothes are returned to me. 


Kinailangan pa ni Crisa Milagros ng matinding sermon at galit ko bago niya ilabas yung mga damit kong itinago niya. Kinonsensya ko siya sa ginawa niya syempre, para hindi na niya ulitin iyon.



Hindi na ako pinagbuksan ng elevator at sinipulan ng mga lalaki dahil doon. Wala namang kaso sa akin 'yon, masayang-masaya pa nga ako na sa wakas natigil na sila.



When I reached the office, nadatnan kong naglalakad nang pabalik-balik si sir. Matagal ko siyang pinanood bago ko pinakita ang sarili ko. Ni hindi niya nga rin ako napansin noong umupo ako sa pwesto ko. He looked disturbed.



"Sir?" Tawag ko sa kanya. "Do you need something, sir?"



"It's today." Sabi niya. Then his head snapped at me. "What's the date today?"



I looked down at my calendar to check. "August 15, sir. Tuesday."



Tapos nun narinig ko siyang magmura. "It's today."



Inisip ko ng mabuti kung ano ba yung sinasabi niya hanggang sa mahagip ng mata ko yung hawak niyang green na envelope. Oh, right. Yes. Tama.



"Ngayon yung wedding ni Maam Yvonne?" Tanong ko sa kanya. As his answer, he just shot me a deadly glare. Pumasok na siya at binalibag ang pinto. Okay, back to normal days.



Abala ako sa paglilista ng mga appointments ni sir para sa susunod na buwan noong tumunog yung intercom. 



I stopped writing and waited for his order. "Nandyan na ba, Tiana?"



Inulit-ulit ko sa isip ko yung tanong niya hanggang sa sumuko ako. "Sorry, sir?"



"I ordered something. Nandyan na ba?"



Sana sinasabi niya nang maayos kung ano 'yung specific na bagay 'yon, diba? 



Sasagot sana ako ng wala pa, noong tumunog ang elevator at napalingon ako. Si kuyang delivery boy na may hawak na isang boquet ng iba'tibang kulay ng roses. "Maam, for Mr. Tyrone Advincula po?" Hindi na ako nagsalita at agad na kumatok kay sir.



Tahimik akong nagmamasid noong lumabas si sir para i-receive yung delivery. Hinintay muna ni sir na makababa si kuya bago niya ako harapin. "I need you to do something for me." Mariin niyang sabi.

Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)Where stories live. Discover now