8 : Carried Away

124 4 0
                                    


"Is it a yes? Many believe that silence means yes, and I'm one of them, so... yes?" 



Pinigilan ko ang sarili kong irapan siya at nagmadaling naglakad palayo sa kanya. Stay away from him. Stay away! Sabi ni Sir may nilagay siya sa free drink na binigay niya nung isang araw, so stay away from him!



Pero gaano ako nakakasiguro, diba?



"Ahm, may ginagawa kasi ako... importante." Nakakainis dahil naabutan niya pa rin ako kahit na halata naman na nagmamadali ako para iwasan siya. Bakit kasi sa dinami-dami ng makikita ko dito sa tiangge, siya pa talaga? "Sorry talaga. Nagmamadali na talaga ako."



Gusto ko lang naman bumili ng damit dito sa tiangge sa labas ng resort, bakit kailangan kong sapitin ang lagay na ito?



Napahinto ako noong nakagawa na siya ng paraan para unahan ako sa lakad ko at harangin ako. "Sorry? I don't understand what you're saying..." Tinignan ko ng mabuti ang mukha ni Wade, at saka ko lang napagtanto na baka hindi siya marunong magtagalog.



Pero mukha naman siyang Pilipino? Maputi nga lang... May lahi siya?



"I'm sorry but I can't come with you." Napaiwas ako ng tingin nung nawala yung ngiti niya.



 Masisisi niyo ba ako? Pagkatapos sabihin ni sir na baka may kung anong gamot yung free drink na binigay niya sa akin noong una? Tapos ngayon magyayaya siyang kumain sa labas?



"Why? You told me that man wasn't your boyfriend or something." Nagtaas siya ng kilay at naalala ko bigla ang boss ko sa ginawa niya. Ang boss ko na magagalit kapag nakita ka na naman niyang kinakausap itong lalaking ito!



"Uhm... I can't. Please, stop asking." Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko pabalik sa hotel noong narinig ko siyang sumigaw. 



Huli na noong makita ko yung bisikleta papunta sa akin sakay ang isang babaeng natataranta.



---

Umalis na yung nurse pagkatapos niyang gamutin ang gasgas sa kanang siko at tuhod ko. Pinilit kong tumayo pero parang na-trigger ng insidente kanina yung injury ko noong bata ako. Ramdam ko ang kirot ng kanang binti ko. 



"Remedy, just stay still. Okay?" Hindi ko napansin si Wade or Drake na inaalalayan niya na ako pabalik sa hospital bed. "Don't force yourself."



"I need to leave." Kagat-labi kong pinilit na tumayo ulit, pero mukhang natamaan nga ang injury ko noon. Ang malas-malas ko talaga. 

Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat