17 : Shittiest Times

84 2 0
                                    


Lalo akong hindi pinapansin ni sir pagkatapos nung nangyari kagabi. Kinabukasan maaga siyang pumasok at nadatnan ko na agad yung mga listahan ng gagawin ko sa mesa ko. 



Puro paperworks lang naman. Wala siyang utos na kinakailangan ko siyang kausapin, o lapitan sa loob ng opisina niya.



Kung gusto niya ng ganito, pagbibigyan ko siya. Wala akong sasabihin. Just like a good secretary, I will let him do his bidding and follow him.



Wala naman kasi akong karapatang magalit diba? Hindi naman kami. Kahit kailan hindi naging kami.It was just me all along. Ako lang itong nagpakatanga. Sadyang kinailangan niya lang ng distraction sa mga problema at iniisip niya. 



Ako naman itong si tanga, ibinigay pati ang puri ko para matulungan siya at nag-expect ka sa kanya.



Ikinama niya ako because he wanted it, not because he wanted me.



Hindi ako sumubok na tignan siya sa loob ng opisina niya hanggang tanghali at itinuon ko na lang ang lahat sa ginagawa ko. Sana bumalik yung dati na wala akong iniisip kundi ang trabaho. 



Sana bumalik yung dati na ang nasa isip ko lang ay ang magtrabaho at kumita para makaalis na agad dito. Sana hindi na lang nangyari yung gabi na yun sa Casa Mendez.



At sana hindi ko pinakinggan si Miss Yvonne nung sinabi niya na alagaan ko raw ang boss ko. I mean, pwede ko naman gawin iyon. Pero sobra naman yata ang nagawa ko. Masyado kong sineryoso at ngayon ang gulo-gulo na ng sitwasyon. 



Masyado kong naseryoso na tulungan at alagaan ang taong ayaw magbago at ayaw magpaalaga. Masyado akong naging concern sa taong secretary lang naman ang tingin sa akin... and lately, parausan.



Pinigil ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mata ko. Masakit pero totoo. Noong sumapit ang tanghalian mabilis akong bumaba. Hangga't maari, 'wag sana kaming magsabay sa elevator. 



Tumabi sa akin si Marc at kahit papaano naging grateful ako sa mga kwento at jokes niya dahil kailangan ko yun para hindi na naman lumipad sa kanya ang isip ko.



Pagkaakyat ko sa office matapos kumain, nadatnan ko si sir na may kausap sa loob. Hindi ko alam pero biglang bumagsak ang balikat ko at parang nanikip yung dibdib ko. 



Mabait naman si Miss Yvonne sakin, pero bakit kapag nakikita ko siya nalulungkot ako?



Kasi siya lang naman ang mahal ng boss mo. The very reason of everything about him. 

Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon