21 : Opening Up

90 4 0
                                    



Alam kong tatawagan ako ni Papa kapag nabasa niya yung text kong bukas na ako makakauwi kaya naman pinatay ko na yung phone ko. Alam kong mali ang ginawa ko pero hindi ko talaga matanggihan si Tyrone. 



Sinuway ko ang tatay ko para lang makasama siya ngayong gabi. Isa pa, baka kasi uminom na naman siya. Ayaw ko na ulit makitang umiinom siya na para bang ayaw na niyang mabuhay bukas.



Naramdaman ko yung labi niya sa balikat ko. Hindi ko alam kung gising ba siya o nanaginip lang dahil nakatalikod ako sa kanya habang niyayakap niya ako. Kanina pa kami nakahiga dito, pero hindi ko pa mahanap yung antok ko. 



"Tyrone? Gising ka pa?"



"Hmmn." I felt him pull me closer. "Why are you still up?" Inabot niya yung maliit na alarm clock sa mesa sa tabi ng kama niya. "It's past midnight, you should be asleep." Bumalik yung kamay niya sa katawan ko.



I reached for his hand around me and kissed his palm. "Hindi ako makatulog."



"Do you want another round?" Para siyang nabuhayan ulit ng diwa sa tanong niya. Natawa naman ako ng mahina saka umiling.



"Hindi ka pa ba nagsasawa? Pagod na ko."



"Then why can't you sleep?" Tumaas yung balahibo ko sa batok sa bulong niya.



"Can we talk?"



Matagal bago siya sumagot. "Hmm."



"Tyrone?"



I heard him sigh in surrender. "Fine, let's talk. How about you tell me about your injury?" Nanigas ako sa tanong niya. "Tell me. I will answer a question of yours in return." 



I blinked many times, pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. But he waited, and waited. Akala ko nga tulog na siya. 



"I'm waiting, Tiana."



"Nakita mo na si Mama diba?" Then I heard him muttered yeah. "Iniwan niya kami noong... noong twelve years old ako." Pansin ko na agad ang panginginig ng katawan ko. 



I reached down to touch my leg, as if the memories are kept in them whenever I touch it. 

Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن