15 : Let's Play Again

109 4 0
                                    



From: Boss Tyrone
Can I go to your place?



What the fuck? Tuluyan na akong hindi nakinig sa mga kinukwento nina Korin at Mimi noong mabasa ko yung text ni sir. Today is Sunday, at get-together day naming magkakaibigan. 



Since I called in sick, they agreed to just visit me and stay with me para naman daw maiba yung setting at makapagrelax ang budget nila.



"As I was saying, Mej, kung nakikinig ka... I was wondering kung maganda bang mag-beach wedding na lang ba kami or sa Church, or both? Kasi matagal ko nang gustong ikasal sa simbahan pero there was this awesome beach resort that I..." Sandaling natigil si Mimi sa pagsasalita at tinignan ako. "Are you listening?"



"Naku, naku, trabaho na naman 'yan no?" Taas-kilay na tanong ni Korin sabay hablot ng cellphone ko. Huli na noong mabawi ko yung phone ko. Nabasa na niya. 



Nabasa na niya 'yung text sakin ng boss ko at ngayon tinatapunan ako ni Korin ng kakaibang tingin.



"What? What does it say? Sinong ka-text ni Mej?" Tanong naman ni Mimi na halatang distracted na at wala nang planong ituloy yung kwento niya.



"Nothing, it's just a guy..." Nakangising sagot ni Korin.



"Oh my Gosh, Mej! You mean... may boyfriend ka na? Sino? Sino? Patingin ng facebook niya dali! Oh my Gosh, bakit hindi niyo sinasabi sakin ito? Ang dadaya ninyo ha!"



Napahinga ako ng malalim. "Boss ko 'yung nag-text tungkol sa trabaho." Palusot ko. Mukha namang naniwala si Mimi at nagpatuloy na sa pagkukwento pero si Korin hindi ako tinantanan sa mga makahulugang tingin niya.



"You know, what, Mimi? Naalala ko may lakad pa pala ako ngayon. Why don't we go? Kailangan nang magpahinga ni Mej para makapagtrabaho bukas." Sabi ni Korin pagtapos nilang ubusin yung dinala nilang merienda.



"What? Already? Akala ko ba dito tayo magdi-dinner?" Napatayo na rin naman siya noong makitang alas-kwatro na ng hapon. "Gosh! May dinner pala kami with Levi's family!" Napatayo na siya agad tapos mabili kaming hinalikan. "I got to go! Gosh! Baka ma-traffic ako!"



"Relax, Mims! Dinner lang 'yun! Hindi pa kayo ikakasal!" Sabi naman ni Korin habang tinutulungan si Mimi na ayusin ang mga dala nila. Bago kasi sila pumunta dito nag-shopping muna sila ng kung anu-ano. 



Napairap na lang ako habang nakaabang sa pinto para magpaalam. Noong binuksan ni Mimi 'yung pinto lahat kami nagulat sa nakita namin.

Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)Where stories live. Discover now