2 : Changes

157 2 0
                                    


A month later...


"Remedios, hindi ka pa ba matutulog?" Nilingon ko si Papa na nangangamot ng tiyan habang humihikab. Mas lalo akong nate-tempt na matulog. "Ilang araw ka nang puyat, maaga pa bukas ang pasok mo."


"Pa, sandali na lang 'to. Matulog na kayo. Goodnight." Sabi ko sabay harap ulit sa laptop ko. Sa kagustuhan kong magpa-bibo kay sir, nagprisinta akong mag-uwi ng trabaho para sa meeting niya bukas.


"Oh, sige, sige. Basta't matulog ka kahit ilang oras, nak. Hindi naman nakakapayat ang puyat." Inirapan ko ang tatay ko hanggang sa makaakyat na siya sa taas. Edi ako ang mataba! Napababa tuloy ang tingin ko sa tiyan ko. Medyo maumbok na pero hindi naman ako ganoon kalaki! Nae-exercise pa rin naman ako kahit papaano sa pagtatakbo ko paakyat-baba ng mga floors sa trabaho!


Tumunog yung phone ko noong papikit na yung mata ko. Saka ko lang naalala na may tinatapos pa pala akong gawain. I checked my phone to see the same number bugging the serenity of my phone and my life.


From: Marc
Let me guess... gising ka pa? 


Napairap ulit ako sa kawalan. Kailan ba ako titigilan nito? Hindi ba niya mabasa sa lahat ng pag-iiwas at pagdededma ko na kahit kalian hindi ko siya magugustuhan? Mas pinili kong hindi na lang siya reply-an pero nagtext na ulit siya.


From: Marc
Good night, lunch tayo bukas. 


Kapag sumabay lang ako sa kanya kumain kanina ng lunch ibig sabihin uulitin namin? Napailing ako at pinatay ko na lang yung phone ko. Isang oras pa ulit ang ginugol ko para matapos yung powerpoint presentation para sa meeting. Nag-send ako ng copy kay sir sa email niya pero naisip ko na baka tulog na siya at hindi niya mapansin.


Kaya binuksan ko ulit yung phone ko. I sent him a quick message.


To: Boss Tyrone
Sir, ppt done. I emailed it to you.


Kinuha ko na yung laptop ko at umakyat na para matulog. I slumped on my bed and forced my eyes to sleep. Kaya lang yung tunog ng phone ko yung nagpadilat ng mata ko. Kainis Marc! Hindi ka pa ba talaga titigil?!


I opened my phone only to see that Marc wasn't the one who texted me.


From: Boss Tyrone
As always, you are reliable.
Thank you.


Paulit-ulit kong binasa yung text niya hanggang sa makatulog na ako.


---

"What do you mean, hindi siya papasok?" Galit na galit na tanong sa akin ni sir Fred sa loob ng conference room. Lahat ng mga nasa loob, maski si Marc na secretary ni sir, nakatingin sa akin.


Hindi ko po alam! Nag-send lang siya ng text sa akin na hindi siya papasok!


"I... I am sorry, but he didn't tell me the reason. He just sent me a text." Paliwanag ko habang pinapakita ko yung phone ko. Alam kong namumula na ako sa kahihiyan dito. Paano ba naman kasi, unang pagkakataon lang ito ni Sir na um-absent sa isang meeting with the board members na siya mismo ang nagpatawag!

Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu