14 : Holding Back... and Forth

98 2 0
                                    


Naging madali naman para sa akin na harapin ang boss ko simula noong gabing 'yon. 



Nakaiyak na ako ng marami two nights ago kaya naman madali na sakin ang harapin siya nang walang malisya. Dalawang araw ko na ring ginagawa ito and I am proud that I am doing my best. 



Hindi ko na lang siya tinitignan sa mata kapag kinakausap niya ko o kung may inuutos siya sa akin. Hindi na rin siya masyadong nagpapapasok sa office niya.



Okay lang naman kung ginagawa niya ang part niya na iwasan ako hangga't maaari. Sadyang tanga lang ako nitong mga nakaraang linggo at hindi ko sinunod ang agreement namin na iyon. Ako dapat ang lumayo. Ako dapat ang maunang kumilos at magpanggap na wala lang yung nangyari.



Well, thank you for slapping the truth to my face, sir.



As usual, sa baba pa rin ako kumain ng lunch and this time, ako na ang nagyaya kay Marc. I had to say sorry for snapping at him the last time pero nag-sorry rin siya sakin. Sabi niya alam niyang nasaktan ko raw siya bilang secretary ni sir. 



I let the issue go, kasi kung big deal sakin 'yun noon, dapat ngayon hindi na.



I should stop caring for that stupid man.



Pagkabalik ko sa office, kumakain pa rin siya sa loob. Pinagpatuloy ko na lang yung mga naiwan kong trabaho. At sa sobrang dami ng trabaho, hindi ko namalayang gabi na pala at patapos na ang working hours noong tumunog ang intercom.



Kahit na medyo na-miss ko yung tunog, hindi ako masaya sa boses na maririnig ko. "We will finish everything tonight. No matter how long it will take." Napairap ako habang tumatango.



Hindi ko na rin kailangang sumagot dahil nakikita naman niya sigurong tumango ako dahil salamin na lang naman ang pagitan namin. Tanging yung fact na nakatalikod ako sa kanya na lang ang proteksyon ko sa kanya. Kainis.



Nag-text muna ako kina Papa na mali-late na naman ako sa pag-uwi. Hindi naman na bago sa akin ang pago-overtime. Sadyang marami lang talagang kailangang asikasuhin dahil sa mga panahong wala si sir at busy kunin ulit ang Casa Mendez. 



Marami lang talagang kinakaharap na issue ang kumpanya ngayon kaya doble ang trabaho. Pinagpatuloy ko ulit ang ginagawa ko nung tumunog ulit yung intercom.



"Hindi ka ba kakain?"


Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)Where stories live. Discover now