Epilogue

31.3K 637 738
                                    

Hindi talaga natin malalaman kung anong pwedeng mangyari sa kasalukuyan.

May pwedeng mawala, may pwedeng umalis, may pwedeng dumating at bumalik.

Hindi natin alam kung kelan tayo mawawala sa mundong to, kaya dapat palagi nating piliin na maging masaya na kasama ang mga taong mahal natin sa buhay.

Hindi man natin gustuhing may mawala sa buhay natin, pero wala tayong magagawa. Baka ito na nga nakatadhana.

Sa bawat pangyayaring sa buhay natin, may leksyon tayong nakukuha o natututunan. Leksyon at alaala na dadalhin natin hanggang kamatayan.

Minsan napapatanong tayo noh na bakit ang aga kinukuha ang mga taong mahal natin.

Kung pwede lang sana kausapin ang Panginoon noh na, "Lord pwede bang ibalik mo nalang siya sakin? Pwede bang huwag mo muna siyang kunin? Hindi pako ready eh.", Pero hindi pwede.

Nakakainis, ang aga mo kaming iwan.

"Babies, we're here na."

Nasa sementeryo kami.

Tinulungan ko ang dalawa na bumaba ng sasakyan, pagkababa ay dali dali naman silang tumakbo papunta sa puntod niya.

Ang tagal na pero masakit parin. Hindi ko parin matanggap.

Hindi ko parin matanggap na wala na siya, hindi niya man lang ako hinayaang makabawi sa kanya.

Naglakad ako papunta sa puntod niya. Pagdating don ay nakita ko ang kambal na nakaluhod na nakatingin sa puntod niya.

Kusang pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Ang daya mo. Akala ko ba magkakasama tayong tumanda? Akala ko ba hanggang dulo? Iniwan mo kami eh, nakakainis ka. Hindi ka man lang nagsabi na kikitain mo na si Lord para man lang sana nakapag prepare kami ng kambal." Pinunasan ko ang luhang walang sawang tumutulo sa mata ko.

Kita kong umiiyak din ang kambal na nakahawak sa puntod niya.

"Andaya mo po, akala ko po ba maglalaro pa tayo at magbabasa ng books bakit mo po kami iniwan. Miss na miss ka na po namin." AA said at marahang pinupunasan ang kanyang pisnge na may luha.

"Yes, she's right. Napakadaya mo po, akala ko ba hindi mo kami iiwan. I thought you always be there for us. You said you're our knight in shining armor, but there you are." Thalia.

"Isang taon ka ng anjan, hindi mo ba kami namiss? Miss na miss ka na ng kambal oh. Miss na miss narin kita. Napakadaya mo. Hindi mo man lang ako hinayaang makabawi sa lahat ng sakripisyo at naitulong mo sakin. Mahal na mahal ka namin."

"Mahal na mahal niya rin kayo." Biglang salita ng nasa likod ko.

Mga kaibigan ko.

"Andaya talaga netong taong to, hindi man lang nagpaalam ng maayos samin." Gurang said at may luha pang pumatak sa mata niya.

"I'm sure kung nasaan man siya ngayon, malaya na siya. Wag kayong umiyak nakikita niya kayo lalong lalo ka na Sev. Ayaw na ayaw pa naman non na nakikita kang umiiyak." Ivan said.

Napatango tango ako sa kanila at mapait na ngumiti.

"Uwi na tayo." Saad naman ni Allen na sinang ayunan ng iba.

Kanina pa kase sila dito, nalate lang talaga ako.

"Mauna na kayo, kausapin kolang ulit siya saglit." Tumango naman sila at naglakad na palayo.

Shh, Professor! [Unedited]Where stories live. Discover now