Chapter 16: Kainan

30.4K 804 133
                                    

It's Sunday today! Dapat masaya ako kasi linggo diba? Pero para akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Tanghali na't di pa ako nag aalmusal nakahiga parin ako dito sa kama ko. Iniisip ang pwedeng mangyari bukas pag nagkita kami.

Naisip niya din kayang pagkakamali yung nangyare samin? Syempre oo, may girlfriend siya eh.

Gusto ko na ba talaga siya? Hirap na hirap akong tanggapin tong nararamdaman ko eh. Gaya nga ng napag usapan namin ni Joanna kahapon.

FLASHBACK

"Mali to. Dapat ko tong itigil. Ayoko neto, masasaktan lang ako pag pinagpatuloy ko tong nararamdaman ko." Yeah, Isa itong pagkakamali.

Pagkakamaling magustuhan siya.

"Sigurado ka bang mali yang nararamdaman mo? Alam mo, hindi naman natin mapipigilan sarili natin sa kung sino ang magugustuhan natin eh. Hindi mali yang nararamdaman mo, ikaw lang ang nag iisip na mali yan dahil nga sa sinabi mong may girlfriend siya. By the way, sigurado ka bang may girlfriend siya?" Oo naman dalawang beses ko na nga silang nahuling naghahalikan eh.

Pero pano kung hindi? Aish ewan ko nalang.

I shrugged my shoulder.

"See? Gusto mo na ba siya?" Gusto ko na ba talaga siya? Di ko alam.

"I-i don't know."

"I see. You're still on your indenial stage. But it's for you to find out. Feelings mo yan, ikaw lang nakakaalam kung anong nararamdaman mo."

It's for me to find out, huh?

END OF FLASHBACK

Tama siya, ako lang ang nakakaalam ng nararamdaman ko. Kung gusto ko man siya, dapat ko na tong ihinto hanggat maaga pa.

Aaminin ko, nilalandi ko si ma'am pero wala namang isyu para sakin yon. Napagtripan ko lang siya, per-pero di din kasi kumpleto araw ko pag di siya nakukulit, pag di siya nakikita ng malapitan at pag hindi ko nakikita yung kung paano umikot mata niya dahil sa kacornyhan ko.

Napabalikwas ako ng bangon ng makita kong alas 12 na ng tanghali, gagala kami ni Joan ngayon.

Napag usapan kase namin na ililibre niya ako ngayon, kapal din ng mukha ko noh?

Manghihinge din daw kasi siya ng tulong para mapalapit kay Andeng. Gunthe ng bruha na yon ah.

At dahil likas na matulungin ako, syempre pumayag ako partida may libre na yan oh.

Naalala ko na naman si Gurang na nagpatulong sakin para mapalapit kay Xelly na hindi ko natulungan HAHAHAHA.

Speaking of Gurang, ayon nasa kabilang kwarto nagtatampo sakin dahil di ko daw siya sinipot nung Friday ng gabi. Bilhan ko nalang ng doughnuts mamaya.

Dali dali akong nagpunta sa bathroom para maligo. Pagtapos ko maligo ay nagsuot lang ako ng isang simpleng black t-shirt, black pants at white sneakers. Pinatungan ko narin ng light brown na hoodie. Di nako naglagay ng cheche bureche sa mukha ko dahil kami lang namang dalawa ni Joanna.

Paglabas ko ng kwarto ay tahimik na sala ang bumungad sakin, di pa ata lumalabas si Gurang.

Di na ako kumain dahil doon nalang din ako kakain kasama si Joan.

Shh, Professor! [Unedited]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora