Chapter 38:

18.8K 572 405
                                    

"Ateeee!!!"

Nabaling ang atensyon namin sa taong pumasok.

S-si Aquil.

Kita kong natigilan din si Aquil na nakatingin samin, ganon narin si El.

Tngina bakit ngayon pa!

Biglang tumakbo si Aquil at niyakap si El. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga oras na to.

"Wahhh thank you ate nahanap mo siya!!! The best ka talagaaa!!" Masaya niyang saad at humiwalay ng yakap kay El at yumakap sakin, hindi ako nakagalaw dahil sa sobrang kaba.

Tinignan ko ang reaksyon ni El, nakita kong mukha siyang naguguluhan. Humiwalay ng yakap sakin si Aquil at yumapos sa braso ni El. Putangina.

Akin yan eh.

"Hey, naaalala mo pa ba ako? Ako yung sa bar!" Nakangiting pagbabahagi ni Aquil sa nakatulalang si El.

"I-ikaw??"

"Yes ako, hehe buti na nga lang nahanap ka ni Ate eh. Thank you talaga ate." Nagulat ako sa ginawa ni Aquil, s-she fcking kissed El.

Naluluha akong nakatingin sa kanila. Napatingin naman si El sakin...

Bakas sa mata niya ang galit at sakit.

"A-ang buong akala ko ay i-ikaw! I-i even t-tell you the s-story sa n-nangyari, b-bakit? B-bakit ka nagsinungaling sakin, Ha Yana?" Humiwalay siya kay Aquil at lumapit sakin at mahigpit akong hinawakan sa braso.

"E-El n-nasasaktan ako, E-El. P-please let m-me explain, l-lovelove p-please." Pagmamakaawa ko at niyakap siya ng mahigpit pero tinulak niya lang ako kaya napaupo ako sa sahig.

"You fcking liar, Yana! Eto ba pambawi mo sakin ah? Pinagtripan mo lang ba ako? Kase kung oo, fck you Sevriana!" Galit niyang sigaw sakin.

"E-El p-please h-hindi kita pinagtripan, makinig ka naman, m-mahal na m-mahal kita, El parang awa mo na wag moko iwan." Kumapit ako sa hita niya at niyapos ito, nakaluhod na ako sa harapan niya.

Pilit niyang tinatanggal ang pagkakayakap ko sa hita niya at sinipa ako malapit sa tyan.

Tngina ang sakit.

Nagulat ako ng bigla akong sampalin ni Aquil.

"You fcking slut! Pinahanap ko siya sayo para sakin, hindi para landiin mo! Mang aagaw ka." Sinambunutan niya ako, Malay ko bang si El yung taong tinutukoy niya!

"Malandi ka! Malandi! Malandi!" Pinagsasampal niya ako at pinagsasabunot.

W-wala naman akong kasalanan diba? Dahil una palang hindi ko alam ang nangyari sa kanila!

Malakas kong itinulak si Aquil dahilan para mapaupo siya.

Akmang lalapitan ko siya para sampalin ng harangan ako ni El.

"Don't fcking touch her." Malamig niyang saad.

Naluluha naman akong napatingin sa kanya at napahawak sa tyan ko dahil sa sakit pero hindi ko pinahalata.

Sinubukan ko siyang hawakan pero umiiwas lang siya sakin at tinatabig ang kamay ko.

Napahagulhol ako ng tinulungan niyang itayo si Aquil at lumabas ng condo, pero bago yon ay binigyan muna ako ng isang masamang tingin ni El at isang ngisi naman kay Aquil.

Napaupo ako ng tuluyan sa sahig dahil sa sakit ng tyan ko.

Dali dali kong tinawagan si Xelly dahil andito lang din siya sa building. Agad niya naman itong sinagot.

Shh, Professor! [Unedited]Where stories live. Discover now